Isko Moreno

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Isko Moreno, nais ibalik ang

Nutribun at Klim Milk sa mga


pampublikong paaralan
Isa sa mga nais ibalik ni Manila City mayor-elect Francisco „Isko
Moreno‟ Domagoso ay ang pagbabalik ng feeding program sa
pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng gatas at
nutribun sa mga mag-aaral.

Naranasan umano ni Moreno noong estudyante pa siya ang pumasok na


walang laman ang tiyan dahil sa hirap ng buhay.

Mamamahagi umano ng nutribun at gatas mula sa kindergarten hanggang


sa mga Grade 6 student.

Ito ay upang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata lalo na ang
mga pumapasok sa pampublikong paaralan.

Nabanggit niya sa isang panayam na maraming mag-aaral ang pumapasok


nang walang laman ang tiyan dahil sa hirap ng buhay kaya nais niyang
ipatupad muli ang programa.

Bilang isang batang laki sa hirap alam niya ang pakiramdam ng batang
nagugutom.

Unang ipinamahagi ang nutribun noong dekada sitenta sa ilalim ng


rehimeng Marcos.
Dengue outbreak din sa Guimaras

May dengue outbreak na rin sa isla ng Guimaras, ang ikalawang lalawigan sa Western
Visayas na nagtala ng maraming kaso ng nasabing sakit, kasunod ng Iloilo.

Nilagdaan ni Gov. Samuel Gumarin ang Executive Order No. 36 na nagdedeklara ng dengue
outbreak sa probinsiya, makaraang humigit pa sa bilang ng epidemya ang mga naitatalang
dinadapuan ng nasabing sakit.
Nakapagtala ang Provincial Health Office ng 1,046% pagtaas sa mga na-dengue sa
Guimaras.
Nakapagtala ang island province, na binubuo ng limang bayan, ng 493 dengue cases, at
dalawa sa mga ito ay namatay, simula Enero 1 hanggang Hulyo 6, 2019.
Naitala sa kabisera ng Guimaras, ang Jordan, ang pinakamaraming kaso ng dengue na
umabot sa 153, habang mayroon namang 109 ang Buenavista.

Mayroong 93 kaso ng dengue sa bayan ng Nueva Valencia, 72 dengue cases sa Sibunag, at


66 sa San Lorenzo.
Single-use plastic' nais ipagbawal ni Sen. Kiko
Pangilinan

Mapagbabawalan na ang pagbenta at paggamit ng mga


single-use plastic na produkto sa merkado, sa isang panukalang
inihain ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Kongreso
kahapon.

Kapag naipasa, ang panukala ay hahamigin pati ang mga


konsumer ng single-use plastic na magdala ng sariling reusable
container, kapalit ng karampatang 5 pisong bawas sa presyo ng
bilihin.

Ilang halimbawa ng single-use plastic ang plastic straws,


cups at lids, shrink wrap at iba pa.

Sa pagkakataong hindi maiiwasan ang paggamit ng mga ito,


responsable ang konsumer sa ilalim ng panukala na muling
gamitin o di kaya‟y i-recycle ang plastic na produkto.

Ayon sa panukala ng senador, talamak ang mga single-use


plastic sa bansa dahil sa “sachet economy” nito.

You might also like