Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hiwaga ng Pag-ibig

Ni Joebett C. Alibudbud (I-B BS-OA)

Gusto kong iburda at itugma ang damdaming namumutawi dito sa aking puso’t isipan. At lapatan ng sukat ang
bawat tibok ng aking puso. Gusto ko din ikulong sa mga saknong ang mga alaalang ating pinagsaluhan sa bawat
paghihirap na ating kinaharap at bawat sayang ating pinagsamahan. Ngunit Paano? Paano? Mga pangarap na nabuo sa
ating munting pag-iibigan. Mga saya na ni minsa’y hinding hindi makakalimutan.At ang buhay na naging makulay ng
ikaw ay dumating. Buhay na wari mo’y singkulay ng mga bahaghari. Bahagharing bumabagtas sa ating buong pagkatao
gaya ng ating pag-ibig na makulay.

Mga problemang ating kinaharap at sabay nating nilampasan. At sinabing “kaya natin ‘to basta’t tayo ay
magkasama”. Mula sa unang sinag ng araw hanggang sa pagngiti ng buwan tanging ikaw ang laman ng puso’t isipan.
Mga pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ay ating nararanasan. Ngunit kahit magkasamaan man tayo ng loob, ang
ating munting pag-ibig ay unti-unting yumayabong patungo sa pagmamahalang walang hangganan. Mga pangakong
ating pinanghahawakan hanggang sa dulo. At pagmamahalang hindi magwawakas makarating man tayo sa buhay na
walang hangganan.

Tadhana? Tadhana ang s’yang gumawa ng paraan upang tayo ay pagtagpuin. Basbas ng Diyos ang nagsilbing
paraan upang mabuo ang ating munting pagmamahalan. Kay sarap balikan ang mga araw na pinapangarap pa lamang
kita. Mga ngiti mong nagbibigay lakas sa aking pang-araw-araw na buhay. Pag-ibig natin ay kailanma’y hindi
mawawala, hindi mauubos at hindi malilimot. Alaala nating ngumingiti at nagsasaya sa araw na tayo’y magkasama kay
sarap balikan. Mga oras na tayo’y nagkukwentuhan, iyakan, kantahan ng love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang
pangako at awayan yan ang mga bagay na kay sarap alalahanin at sariwain. Mga palitan natin ng pick-up lines at banat
nating wagas na syang nagpapakilig sa atin.

Pag-ibig? Pag-ibig kay sarap maramdaman. Ito ang pinakamakapangyarihan na binigay ng Diyos sa buong
sanlibutan. Tibok ng puso, tabig ng dibdib at salitang namumutawi sa ating mga bibig, ang nagsisilbing sign na tayo ay
“INLOVE”. Gaya ng aking pag-ibig, may mga sari-sarili tayong paraan upang ito ay mapakita. May mga bagay na sabi
nga ng iba “LOVE IS BLIND” ngunit para sa akin ang pagmamahal ay nararamdaman ng dalawang taong kayang
tanggapin kung ano’t sino sila. Wala sa edad, kasarian o estado ng buhay ang pagmamahalan. Kinakailangan lang natin
ipaglaban at huwag susukuan ang pag-ibig na mabubuo. Pagmamahalang kay sarap ipagmalaki at isigaw sa buong
mundo. Kaya sa pamamagitan ng makatang pamamahagi ko ng aking pagmamahal “Take a GOAL, Love your LIFE
and Look forward to LOVE SOMEONE”.

You might also like