Job Elle

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo

Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, importante na may partikular
na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto. Hinihingi ng mabisa at mabilis
na pagkatuto ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraan ngpagtuturo. Nakasalalay sa
mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng
mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa pamamaraang kanyang
gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang
makamtan ng kanyang mga mag-aaral,angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng
mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.
Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga
pamamaraan at estratehiyang pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na
kinakaharap ng mga guro sakasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham. Maaari
nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng
pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang maaring
maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos paring mas
nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga
leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito. Dahil na din sa pag-usbong ng mga
makabagong gamit at kasabay na patuloy na pag-unlad ng teknolohiya aynagkaroon
tayo ng dalawang paraan ng pagtuturo- ito ay ang tradisyunal at ang makabagong
paraan ng pagtuturo. Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan
at nakalakihan. Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo
ay nakapokus sa guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa
guro ang responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa
pagtuturosa kanyang mga eestudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang
posibilidad na maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galing o talent ng mga
estudyante sapagkat nasu-subaybayan sila ng tama ng kanilang guro. May ilan na
nagsasabi na ang paraan ng pagtuturong ito ay isang “spoon feeding of knowledge”.
Nakapaloob dito ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal o maninipis na libro bilang
batayan para sa pag-aaral at maging sa pagtuturo. Mga samu’t saring libro na
pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga guro para maibahagi sa kanyang mga
estudyante. Kasama rito ang mano- manong pagsusulat sa pisara ng mga guro ng
kanilang tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at malilikhaing visual aids ang
kanilang sandata. Dito nagaganap ang normal na ayos sa isang silid aralan,
kung saanang guro ang nagsasalita sa unahan at ang mga estudyante ang nakikinig sa
kani-kanyang mga upuan. Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan
ng guro ang kanyang mga estudyante hindi lamang sa larangan ng akademiko ay
gayun na din sa mga pag-uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na
dapat makuhang mga estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng
mga mag-aaral.Dahil dito mas napapalawak ang komunikatibong kakayahan ng mga
mag-aaral. Gayunpaman, maaring sa paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng
guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema ring kakalakip ang tradisyunal
na paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi na napapalawak ng guro
ang kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa nakalimbag na libro. Kung
minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling impormasyon dahil hindi ganun
ka-ayos at wasto ang teksbuk na basehan sapagtuturo ng isang guro. Ang makabagong
paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga paraan ng pagtuturong
makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay nag-
uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na ibang iba sa
tradisyunal na paraan. Kadalasa’y nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal,
at akademikong kasanayan ang mga mag-aaral. Ang paraan ng pagtuturong ito ay
nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral ang kanyang kakayahan o
angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon
ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng
pagtuturo. Dahil na din sa nasa makabagong panahon na tayo,, naniniwala ang mga
eksperto na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na na
mabagal o mahina sapagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004), naiisakatuparan ng
Multiple Intelligence ni Dr.Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na
magpahalaga at magtamo ng kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga
saloobin, kuro-kuro at damdamin ganun na din sa mga ideyang mayroon sila base sa
kanilang mga nalalaman na naitulong ng teknolohiya. Lipas na ang panahon ng
pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang. Ngayon ang simula ng pagtuturo ng
mga guro ng ayon sa kaalaman nila na angkop sa makabagong panahong kanilang
ginagalawan. Mula kay Vygotsky (1987), ang mga mag-aaral na handang humarap sa
hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kayang mga natutunan at
nakakadagdag ito sa atas ng pagpapahalaga niya sa sarili kung sya mismo ang tutuklas
ng paraang ito para sa sarili niya.Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon
natin ay naiimbento na ang iba’t ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan
sa mas magandang kalidad ng edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para
sa buong mundo. Mayroon na tayong mga personal computers, laptop, tablet iba’t ibang
klase ng mga cellular phones, projector, at madami pang iba na tunay na nakakatulong
sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Hindi na uso ang pagsusulat sa pisara o paggamit ng
makukulay at may samu’t saring pakulo sa mga visual aids, dahil nandyan na ang
projector at ang laptop na maaring gamitin upang magpakita ng presentasyon o mga
video para mas maunawaan at maintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon nila.
Hindi na din kailangan magkaroon ng napakadaming libro ng mga guro bilang basehan
sa kanilang pagtuturo dahil sa tulong lamang ng mga computer at ng internet
connection madali na silang makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon nila. Kahit
wala na sa tipikal na isang silid aralan ay maari pa rin na magkaroon ng interaksyon sa
pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa din naman makakuha ng
impormasyon ang mga estudyante sa tulong lamang ng internet connection. Maaaring
balikan ng mga estudyante ang mga leksyon nilang hindi nila lubos maintindihan.
Maaari din sialng makapagbahagi sa iba ng mga natutunan nila mula sa kanilang mga
guro sa tulong ng mga social networking sites. Sa parte naman ng mga guro, upang
hindi maging boring ang isang talakayan maaari siyang gumamit ng iba’t ibang pakulo
sa mga social networking sites para magkaroon ng isang masayang pagpapalitan ng
mga ideya sa pagitan niya at ng mga mag-aaral. Napapaloob sa makabagong siyensa
ang mga kaalaman at karanasang di-maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung
tutuusin ay mas makakalamang ang makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang
nilalaman nito ay makatotohanan at mas kaugnay sa realidad na nangyayari sa buhay.

Sabi nga mula sa isang pag-aaral, ang paraan ng pagtuturo ay parang isang libro, ang
tradisyunal na pagtuturoang unang rebisyon atang makabagong paraan naman ay ang
pinakabagong rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral. Bilang pangkalahatan,
anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto
ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga
mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa
anumang mabisang estratehiya naginagamit ng guro. Badayos (2008). At mas lalo itong
magiging matagumpay kung may sapat na partisipasyon o pakikilahok ang mga mag-
aaral.
Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo

Ayon kay Novak Ayon kay Kornhaber Vygotsky (1987) Badayos (2008).
(1998) (2004)

ang tradisyunal na naiisakatuparan ang mga mag- magiging


pamamaraan ng ng Multiple aaral na handang matagumpay kung
pagtuturo ay Intelligence ni humarap sa may sapat na
nakapokus sa Dr.Howard Garnier hamon ng partisipasyon o
guro bilang isang sa paraan ng edukasyon ay pakikilahok ang
taga-kontrol sa pagtuturo sa mga lumalaking mga mag-aaral
kapaligiran ng mag-aaral na nagagamit ang
mga mag-aaral magpahalaga at kayang mga
magtamo ng natutunan
kaparaanan
pagpapahayag ng nakakadagdag ito
kanilang mga sa atas ng
saloobin, kuro- pagpapahalaga
kuro at damdamin niya sa sarili kung
ganun na din sa sya mismo ang
mga ideyang tutuklas ng
mayroon sila base paraang ito para
sa kanilang mga sa sarili niya
nalalaman na
naitulong ng
teknolohiya
Ang journal na ito ay tungkol sa tradisyunal at
makabagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto na
kung saan ay mas napabuti pa dahil sa paggamit ng
teknolohiya na nagpapahusay upang lalong
maunawaan at mabatid ng bagong henerasyon
ngayon ang mga aralin na nakatutulong sa kanilang
pagkatuto.

You might also like