Ang PCS PASS ay maaring pakinabangan ng komunidad ng mga mag-aaral at guro sa
loob ng paaralan dahil makakatulong ito sa kanilang araw araw na gawain. Mas magiging madali para sa kanila na punan ang mga materyales na kanilang kakailangan para sa eskwelahan.
Isang suliranin ng mga mag-aaral ay ang kakulangan sa kagamitan lalo na sa mga
gawaing biglaang pinaggawa ng mga guro, masosolusyonan ito ng pagpapatayo ng PCS PASS dahil maari na nilang mabili ang mga materyales sa loob ng eskwelahan. Mas mapapadali ng PCS PASS ang gawain ng mga mag-aaral at mas makakatipid ito sa kanilang oras.
Para naman sa mga guro, kung sila ay nangangailangan ng materyales sa paggawa ng
mga instrumento sa pagtuturo o hindi naman kaya personal na gawain maaari din silang bumili sa PCS PASS. Sa pagkakaroon nito, mababawasan ang kaso ng mga nahuhuling estudyante sa pagpasok sa paaralan o mga kinukuhang asignatura at tuluyang madadagdagan ang kalidad ng edukasyon at sistema nito para sa mga makikinabang sa pangkalahatan.