Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang kalikasan ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tayo nabubuhay dito sa

mundo. Lahat ng pangangailangan natin ay makikita na dito, subalit nakadepende na ang


ating buhay sa mga likas na yamang bigay nito hindi natin namamalayan na ito ay
naabuso. Sa panahon ngayon, marami ng mga sakuna ang ating nararanasan at hindi
natin ito kayang iwasan. Halimbawa nito ay ang bagyo at landslide na kung saan
maraming ang napipinsalang tao. Bakit nga ba humantong ang lahat sa ganito?
Isa sa mga dahilan sa mga pinagdadaanan na sakuna natin ay ang illegal logging na kung
saan ito ang pagputol ng punong walang permiso galing sa pamahalaan lokal
nasasakupan ng isang lugar. May mga tao talagang mapagsamantala sa ating kalikasan na
yamang lupa kung ang pagiging illegal na ang pag uusapan. Ang illegal logging kasi ay
isang paraan para madaling kumita ng pera. Ang nakakalungkot pa rito ay mga
malalaking tao sa ating pamahalaan ang nangunguna na sana ay alam niya na bawal at
labag sa batas. Kung sino pa ang gumawa ng batas ay siya pa ang lalabag, ika nga nila.
Silang mga walang awang umuubos ng mga puno ay yumayaman. Tayong mahihirap ang
nagdurusa pagdating ng baha dahil wala ng mga puno na siyang nagsisilbing tumitigil o
sumisipsip ng tubig upang hindi magkaroon ng baha. Samantala ang mga illegal loggers
na nag uubos ng mga puno sa kagubatan ay walang naranasang baha. Habang sila ay
nabubuhay ng masagana tayo namay nagkandarapa. Samantalang hindi nila inalintana
ang hirap na naidulot ng kanilang gawa.
Ang PD 705 qy patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas.
Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang lupa
sa bansa, at kabilang na dito ang pagrakda sa uri ng maga pampublikong lupain upang
malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan para dito. Ang isa pang
mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na
maaaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit lisensya ng mga kompanyang
puputol ng puno. Ang tinutukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang
Bureau of Forest Development, ito ay inaprubahan noong Mayo 1975. Isa sa mga batas
sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging o ang pagpili lamang sa kung
anong puno ang maaring putulin at kung ano ang dapat iwanan. Ayon sa batas na ito, ang
punong maaaring putulin ay yaong mga punong mayroong dyamterong 60 cm. Sa
paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang lupain, na siyang tutulong sa pananatili ng
magandang kondisyun ng lupa at para makaiwas sa pagguho ng lupain. Ngunit dahil sa
mga nakaupong politiko na ang iniisip lamang ay ang kumita ay halos hindi na din
maipatupad ang mga batas na ito. Patuloy pa din ang illegal logging sa ating bansa at
kapag ipinag patuloy pa ito ay posibleng mawawala na ang ating mga puno.
May mga bagay naman upang maiwas ang pagkaubos ng mga puno at ang mga
pagdaranas natin sa mga sakuna gaya ng baha, landslide, el niño, at nakakaranas na rin
tayo ng climate change resulta ito sa pang-aabuso natin sa ating likas na yamang bigay
ng kalikasan partikular na dito ang puno. Napakaraming paraan upang ito ay maiwasan
ngunit patuloy pa rin nating sinisira ang mga ito at hindi pinapalitan. Maiiwasan lamang
ito kung tayo ay maging responsable sa mga bagay na dapat natin gawin upang
maipresiba ang mga puno. Pangunahin rito ay ang pagpalit ng mga punong kinuha upang
gawing mga bahay, at iba pang kagamitan sa bahay. Simpleng gawain lamang ang mag
tanim muli ng puno ngunit mahirap na ito para sa karamihan. Sabi nga sa isang kasabihan
kung may itatanim, may aanihin ngunit ano ang aanihin kung walang itinanim. Kuha lang
ng kuha ang mga tao, ngunit walang sukling ibinabalik sa kalikasan kaya hindi
maikakailang maraming nagdudusa sa mga sakuna.
Hindi na bago sa atin ang probemang ito, ngunit hindi pa rjn tayo kumilos kaya hanggang
ngayon ay pinoproblema pa rin ito. Mahabang panahon ang siyang gugugulin upang
makabawi sa mga masasamang gawain o pang-aabuso sa ating kalikasan. Dadating ang
panahon na hindi na natin ito mababawi tulad ng marami ng mga endangered species ang
nawawala at hindi kailanmay maibabalik. Kailan pa natin mapagluho na ang kalikasan natin
ay unti unti ng nasisira. Kailan natin mararamdaman ang paghihinayang na siyang pupukaw
sa atin upang tayo ay kumilos. Kailan natin mararamdaman ang takot sa tuwing mga puno
ay nawawala, kalikasan ay nasisira, namemelagro din ang buhay natin sa kinabukasan. Kung
hindi tayo magbabago, mamemeligro hindi lamang ang ating kapaligiran, kundi buhay natin
mismo pati na ng susunod na henerasyon.

You might also like