1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Modyul 1 - Ang Katangian ng Pagpapakatao

Time allotment: 4 meetings

Paksa: Ang Moral na Pagkatao

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng


pagpapakatao

Pamantayan sa Pagganap: Nailalapat ng mag-aaral ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin
ang mga katangian ng pagpapakatao

Batayang Konsepto:Ang pag-unlad sa mga katangian ng pagpapakatao ay instrumento sa


pagganap ng tao sa kaniyang misyon sa buhay tungo sa kanyang kaligayahan.

Unang Araw

I. Layunin: Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao


( EsP 10 MP-1a-1.1)

II. Paksa: Ang mga katangian ng Pagpapakatao

Mga Kailangang Instructional Materials:


 5 Salamin para gamitin sa unang gawain
 2 Cartolina na gagamitin sa Gawain 2 , pentel pens

III. Pamamaraan:
A. Pangganyak (5 minuto)
a. Pangkatin ang klase ng limang grupo at bigyan ang bawat grupo ng
salamin na magamit nila sa gawaing iniatas. Isa-isang tingnan ng mabuti
ang sarili at alamin ang pagbabagong nagaganap sa sarili.
b. Maghanap ng partner na malapit sa iyo at magtanong tungkol sa napansin
niyang pagbabago sa iyo.
c. Tatawag ng dalawang boluntaryong mag-aaral upang ibahagi ang kanilang
nakita sa sarili at napag usapan ng partner

B. Paglilinaw sa mga layuning pampagkatuto para sa modyul 1 (5 minuto)


 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga layuning pampagkatuto para sa
modyul 1 sa LM pahina 1 -2.
 Talakayin ang mga layuning pampagkatuto sa modyul.

C. Gawain 1: Paunang Pagtataya (10 minuto)


a. Linawin ang panuto sa paunang pagtataya
b. Pasagutan ang paunang pagtataya sa loob ng 5 minuto. (Sumangguni sa
pahina 2-4 sa LM)
c. Ibigay ang tamang sagot at ipawasto sa mga mag-aaral ang kanilang
papel.`
d. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga
ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha
ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang
bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 na puntos.
 Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
 Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan
at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 na puntos.
 Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.

D. Gawain 2: Pagsusuri sa kasabihang “Madaling maging tao, ngunit mahirap


magpakatao”(LM p4-5) – 10 minuto

Paalala: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.Pag-usapan ng bawat


pangkat ang kahulugan ng kasabihan.Sagutin ang tanong na: Ano
ang mga katangian ng tao at ng nagpapakatao?Bawat kasapi ng
pangkat ay magbibigay ng kanyang opinyon.Isulat ng isang
miyembro ng pangkat sa isang cartolina ang kanilang mga kasagutan
(4 minuto)
Mga katangian ng Tao Mga katangian ng
Nagpapakatao
Hal.: May isip at kilos- Hal.:Ginagamit ang isip sa
loob paghahanap ng katotohanan

1. Ibahagi ng leader ang kanilang output gamit na basehan ang mga katanungang:
a. Ano-ano ang pagkakaiba ng pagiging tao sa pagpapakatao?
b. Bakit sinabi sa kasabihan na madaling maging tao?Bakit mahirap magpakatao? Ipaliwanag.

2. Isasadula ng bawat pangkat sa malikhaing paraan sa loob ng 3 minuto ang taong


nagpapakatao.Pagkatapos ng dula-dulaan sagutin ang mga sumusunod na tanong sa klase.
a. Ano-anong mga katangian ng pagpapakatao ang napansin mo sa dula-dulaan?
b. Kung isasabuhay mo ang mga katangian ng pagpapakatao,ano ang kabutihang idudulot nito?
c. Ano ang magsisilbing gabay ng lahat ng iyong pagpupunyagi na dapat mong buuin upang
makamit ang tagumpay at tunay nakaligayahan? Ipaliwanag.
E. Pagtatalakay sa mga Katangian ng Pagpapakatao
(pp 9-12 of LM) 25 minuto
1. Hatiin ng tatlong pangkat ang klase,pagkatapos pag usapan at ipaliwanag nila ang
tatlong katangian ng tao (5 minuto)

Unang grupo: May kamalayan sa sarili


Ikalawang grupo:May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng nga umiiral
Ikatlong grupo:Umiiral na nagmamahal
2. Pagkatapos ng 5 minutong pagtalakay,ibahagi ng leader ang kanilang napag
usapan.

IV. Pagtataya: Sagutin sa ikalawang bahagi ng papel ang tanong – 5 minuto


Paano makatutulong ang 3 katangian ng pagpapakatao sa pagtupad ng iyong misyon sa buhay?

V. Takdang Aralin
 Magdala ng larawan ng kahit sinong personalidad na gusto mong tularan
na nagtagumpay dahil isinasabuhay niya ang mga katangian ng
pagpapakatao
VI. Mga Puna/Remarks

VII. Pagninilay/Repleksiyon

Ikalawang Araw

I. Layunin: Nasusuri ang sarili kung anong katangian ng pagpapakatao ang


makatutulong sa pagtupad ng iba’t-ibang papel sa buhay(upang magampanan ang
kanyang misyon sa buhay). EsP10MP-1a-1.2

II. Paksa: Ang mga katangian ng pagpapakatao

Mga Kailangang Instructional Materials:

 larawan ng kahit sinong personalidad na gusto mong tularan na


nagtagumpay dahil isinasabuhay nila ang mga katangian ng pagpapakatao
 larawan nina Cris Valdez, Roger Salvador, Joey Velasco, Mother Te
III. Pamamaraan:

A. Panimula: 5 minuto
Ihanda ang mga dalang larawan at idikit sa pisara .
B. Pangkatin ang klase sa apat na grupo(15 minuto)
 Mamili ng dalawang miyembro sa grupo at atasan na pumunta sa pisara
at kumuha ng tig i- isang larawan at iuulat nila ang tagumpay sa buhay
ng taong ito dahil isinasabuhay nila ang katangian ng pagpapakatao.
C. Pagtatalakay: Gamit ang nakasanayang grupo ,pag usapan nila ang buhay ng
bawat personalidad.(20 minuto)
1. Pagtatalakay sabuhay ng iba’t-ibang personalidad na
nagtagumpay dahil isinabuhay nila ang mga Katangian ng
Pagpapakatao(pp 12-15 of LM)10 minuto
Cris Valdez, Roger Salvador, Joey Velasco, Mother Teresa

2. Hango sa napag-usapan sa grupo, sagutin ang mga sumusunod


na katanungan at iulat ng leader sa klase.

a. Paano naipakita ni Cris Valdez ang kamalayan sa


sarili?Ipaliwanag(Valdez group)
b. Maituturing bang personalidad si Roger
Salvador?Pangatwiranan.(Salvador group)
c. Naipahayag ba ni Joey Velasco ang kakayahang kumuha ng buod o
esensiya ng mga umiiral?Pangatwiranan.(Velasco group)
d. Patunayan: Ang buhay ni Mother Teresa ay ginugol sa
pagmamahal(Mother Teresa group)
(sagutin ang e at f para sa lahat ng grupo)
e. Ipaliwanang ang mga yugto ng pagpapakatao gamit gamit ang
halimbawa ng isang tao na itinuturing mong isang personalidad.
Banggitin ang mga hamong hinaharap niya sa buhay at paano nya
nalampasan ang mga ito.
f. Paano naipakita ng tao sa bilang 5 ang sumusunod
 Kamalayan sa sarili
 Kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
 Umiiral na nagmamahal

IV. Pagtataya: (Journal writing)10 minuto


Anong katangian ng pagpapakatao ang maaaring makatutulong sa iyo sa
pagtupad ng iba’t-ibang responsibilidad mo sa buhay(upang magampanan
ang iyong misyon sa buhay)

V. Takdang Aralin:
Basahin ang isang halimbawa ng PPMB na makikita sa pp17-18 ng LM
at gumawa ng sariling PPMB sa isang buong papel.

VI. Mga Puna/Remarks:

VII. Pagninilay/Repleksiyon:

You might also like