Professional Documents
Culture Documents
Ang Gamit NG Elektronikong Kagamitan Sa-1-ForMENTERA-SHAINA
Ang Gamit NG Elektronikong Kagamitan Sa-1-ForMENTERA-SHAINA
Asignaturang Filipino
Introduksyon
Sa kasalukuyang panahon, napakarami ng gawain ang naisasagawa sa tulong ng
makabagong teknolohiya partikular na sa kompyuter at internet.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan
ay tumataas ang interes ng mga mag-aaral at napupukaw ang kanilang interes.
Batayang Teyoretikal
Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang teorya ni Edgar Dale ang "Cone of Experience" sa
wikang Ingles o Hagdan ng Karanasan na binubuo ng labing isang baitang.
Batayang Konseptwal
Input
Ang Gamit ng Elektronikong Kagamitan sa Pagtuturo ng Asignaturang
Filipino
Proseso
- Interbyu
- Sarbey
- Talatanungan
- Pagkalap ng Impormasyon
Output
Pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang Elektronikong Kagamitang Pampagtuturo
Paglalahad ng Suliranin
1.
Anu-ano ang mga elektronikong kagamitan na ginagamit ng mga guro sa asignaturang
Filipino?
2.
Paano nakatutulong sa pagtuturo ang paggamit ng elektronikong kagamitang
pampagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral?
3.
Anu-ano ang mga magagandang dulot at di-magagandang dulot ng mga elektronikong
kagamitan sa pagtuturo?
4.
Anu-ano ang mga suliranin na maaaring kaharapin ng mga guro sa paggamit ng
elektronikong kagamitan sa pagtuturo?
5.
Paano malulutas ang suliranin na ito?
Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa kung ano ang gamit ng elektronikong
kagamitan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga Pansekundaryang Paaralan sa
Carlos P. Garcia High School, Elpidio Quiriono High School at E.Rodriguez Vocational
High School sa Taong Panuruan 2012-2013.
Pagpapatunay:
Inilabas ni Shepherd (2001) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa kabutihang dulot ng
"Multimedia" isang uri ng elektronikong kagamitan kung saan nabibilang ang DVD,
VCD, CD, digital camera at iba pa ay nakatutulong sa mga mag aaral upang malinang
ang kanilang kakayahan pang teknolohiya . Iginiit din niya na mayroong kabutihang
dulot ang paggamit ng multimedia sa klase tulad:
1. Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag aaral.
2. Nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng guro gamit ng power point presentation
at dahil dito nadaragdagan ang kanilang kaalaman.
3. Nadaragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa teknolohiya at dahil dito hindi sila
nagiging mangmang at walang muwang sa patuloy na pag unlad.
4. Bumibilis ang kanilang pagkatuto at kaalaman.
5. Nalilinang ang mataas na kakayahang pag iisip.