1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Pilipinas: Lokasyon, Paglaya at Muling Pagkasakop

Lokasyon ng Pilipinas
Maituturing yaman ng Pilipinas ang lokasyon nito sa
daigdig. Isa sa dulot nito ang yaman lupa at yaman
tubig na bumubuhay sa mga mamamayan nito. Sa
araling ito, tutukuyin natin ang lokasyon ng Pilipinas
sa tulong ng hangganan at territoryong sakop ng
bansa at mga ambag ng lokasyon ng Pilipinas sa
ekonomiya at politika ng Asya at daigdig o mundo.

Mga Gabay na linya sa Mapa at Globo


Masdan ang larawan ng globo . Mapapansin na
ito may iba’t- ibang likhang isip na guhit. Ito ay
nagsisilbing gabay sa pagtukoy ng lokasyon ng mga
lugar sa daigdig.
Ang mga patayong guhit ay tinatawag ng guhit
longitude. Ang mga guhit na ito ang sumusukakt sa
distansiya ng isang lugar pakanluran o pasilangan
mula sa 0’ longitude. Tinatawag itong meridian.
Samantalang, ang mga pahalang na guhit ay
tinatawag na guhit latitude. Sinusukat nito ang
distansiya ng isang lugar pahilaga o patungo mula sa
equator. Tinatawag din itong parallel.
Hinahati ng equator ang globo sa hilagang
hating-globo at timog hating-globo. Hinahati naman
ng Prime Merridian ang globo sa silangang hating-
globo ay kanlurang hating-globo.
Madaling mahanap ang lokasyon ng Pilipinas sa
mapa ng daigdig o sa globo sa pamamgitan ng
sistemang grid. Ang grid ay ang mga espasyo sa
globo na nabuo mula sa pagtatagpo ng mga guhit
latitude at longitude. Gabay ito sa paghanap sa
lokasyon ng mga bansa o lugar sa mundo.
Mga Espesyal na guhit latitude
Equator Matatagpuan sa 0’ latitude. Ito
ang ginagamit na batayang
guhit sa pagsukat ng mga
distansiya , pahilaga o patimog
patungo sa mga polo. Ito ay
Tropic of Cancer ang guhit latitude na nakalatag
sa 23.5” hilaga ng equator . Ito
ang pinakahilagang bahagi ng
mundo na naaabot ng tuwid na
sikat ng araw . Ito rin ang
hilagang hangganan ng
rehiyong tropical, ang rehiyong
malapit sa equator at may
mainit na klima.
Tropic of Capricorn Ito ay ang guhit latitude na
nakalatag sa 23.5’ timog ng
` equator. Ito ang pinatimog
na bahagi ng mundo na
` naaabot ng tuwid na sikat `
` ng araw. Ito rin ang timog `
` na hamgganan ng rehiyong `
` tropical.
Artic Circle Ito ay matatagpuan sa 66.5”
hilaga ng equator. Ito ang
pinakamahalagang hangganan
na naaabot ng pahilis ng sinag
ng araw.
Antarctic Circle Ito ay matatagpuan sa 66.5
timog ng equator. Ito ang
pinakatimog na hangganan na
naaabot ng pahilis na sikat ng
araw.
Prime Meridian Matatagpuan sa O longtitude.
Binabagtas ng likhang-isip na
guhit na ito ang Greenwich,
England. Ito ang ginagamit na
batayang guhit sa pagsukat ng
mga distandiya pasilangan o
pakanluran mula sa meridian.
Lahat ng mg lugar na
matatagpuan sa kanan nito
hanggang s ika-180 meridian ay
kabilang sa silangang hating-
globo. Lahat ng lugar na
matatagpuan sa kaliwa nito
hanggang sa ika-180 meridian
ay kabilang sa kanlurang hating-
globo.
International Date Line( IDL) Hinahati nito ang
mundo sa magkaibang araw.
Ang mga bansang matatagpuan
sa silangan ng IDL ay nauuna ng
isang araw kaysa sa mga bansa
sa kanluran nito. Ito ay katapat
ng Prime Meridian.
Pagtukoy sa Lokasyon ng Pilipinas

May dalawang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng


Pilipinas sa mapa at sa globo. Ito ay pamamagitan
ng tiyak na lokasyon at relatibong lokasyon nito.
Ang Tiyak ng lokasyon ay tumutukoy sa
lokasyon ng isang lugar na itinakda ng mga guhit
longitude at latitude o sa pamamagitan ng
sistemang grid.
Ang Relatibong Lokasyon naman ay ang
lokasyon ng isang lugar batay o kaugnay sa mga
nakapaligid ditto. Natutukoy ito gamit ang mga
pangunahin at pangalawang direksiyon.
May dalawang paraan ng pagtukoy sa
relatibong lokasyon ng isang lugar. Ito ay maaaring
bisinal o insular.
Tinutukoy ng Loaksyong bisinal ang
kinalalagyan ng isang lugar kaugnay sa mga karatig
kalupaan, isla o bansa nito. Ang lokasyong insular
naman ay tumutukoy sa lokasyon ng isang lugar
karatig katubigan nito.

Mga Direksiyon Bisinal Insular


Hilaga Taiwan Luzon Strait
Silangan Guam Pacific Ocean
Philippine Sea
Timog Indonesia Celebes Sea
Kanlura n Vietnam West
Philippine Sea
TERITORYO NG PILIPINAS AYON SA KASAYSAYAN
PHILIPPINETREATY LIMITS
Ang mga linya ng hangganan at territoryo ng
Pilipinas ayon sa Philippine Treaty Limits ay ginuhit
batay sa mga kasunduang mamamayan ng
archipelago. Ang mga kasunduang kolonyal na ito
ay ang Treaty of Paris. Cession Treaty of 1900, at
Boundaries Treaty of 1930.
*Treaty of Paris of 1898 Kilala din bilang Treaty
of Peace Between the United States and Spain
na nilagdaan noon Disyembre 10, 1898. Sa
pamamagitan nito ay isinalin ng Spain ang
karapatan nito sa Pilipinas sa United States.
Ang kapuluan ng Pilipinas ayon sa
nakasaad sa Treaty of Paris ay binubuo ng mga
pulo sa loob ng linya na maiguguhit.
Mula kanluran pasilangan o maapit sa ika-
20 parallel ng hilagang latitude na bumabagtas
sa… Bashi Channel, m ula sa 118 hanggang 127
meridian ng silangang longitude.
Sa 127 meridian ng silangan longitude
hamggamg sa 4 45 parallel ng hilagang latitude
Sa 4 45 parallel ng hilagang latitude
hanggang magsalikop ito at ang 119 35
meridian ng silangang latitude
Sa 119 35 meridian ng silangan longitude
hanggang sa 7 40 parallel ng hilagang latitude
Sa 7 40 parallel ng hilagang latitude
hanggang magsikop ito n gang 116 meridian
ng silangang longitude
Mula sa pinagsalikupan ng 7 40 parallel ng
hlagang latitude at 116 meridian ng silangang
longitude hanggang sa punta kung saan
nagsalikopang ika-10 paralell ng hilagang
latitude at ika-118 meridian ng silangang
longitude sa pamamagitan ng tuwid na linya.
Sa ika-118 meridian ng silangang longitude
hanggang sa pinasimulan.

*Treaty of Washington of 1900. Nilagdaan


noong ikapito ng Nobyembre 1900 ng mga
kinatawan ng Spain at US ang isang kasunduan
na naglilinaw sa teritoryong sakop ng Pilipinas
na hindi nabigyang diin sa Treaty of Paris of
1898. Ipinatupad ito nong Marso 23, 1901.

Boundaries Treaty of 1930. Ang convention


Between the United States and Great Britain
Delimiting the Phippine Archipelago and the
State of Borneo of 1930 o kilala rin bilang
Boundaries Treaty ay isang kasunduan sa
pagitan ng mga pamahalaan ng United
Kingdom at US na nilagdaan noon Enero 2,
1930. Tiniyak ng kasunduan ang mga
hangganan ng Noth Borneo (protektorado ng
Britain), at ng Pllipinas ( noo’y teritoryo ng US)
Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930. Nakasentro
ang kasunduan sa katayuan ng pagmamay-ari
sa Turtle Islands at Mangsee Islands. Batay sa
naging pag-uusap, ang dalawang teritoryong
ito ay mananatili sa pangangasiwa ng UK
hanggang sa pagkakataon na tutulan o bawiin
ito ng US.

TERRITORYO NG PILIPINAS AYON SA


PANDAIGDIGANG KASUNDUAN
Nabuo mula sa serye ng kumperensiya sa pagitan
ng 1973 at 1982 ang isang pandaigdigang
kasunduan kaugnay ng karapatan at tungkulin ng
mga bansa sa daigdig sa pagkamit at paggamit ng
mga karagatan at iba pang anyong tubig sa
kanilang teritorto. Tinatawag itong United Nations
Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) o Law
of the Sea Convention.
Mahalagang probisyong ipinaglaban sa UNCLOS ng
mga kapuluan bansa tulad ng Pilipinas , Indonesia,
New Guinea, Fiji, at Bahamas ang pagkilala sa
Archipelagic Doctrine. Ito ay suhestiyon mula sa
delagado ng Pilipinas na si dating Senador Arturo
Tolentino. Ayon sa Archipelagic Doctrine, ang
kapuluang bansa ay ituturing na isang yunit, sa
gayon ang katubigang nakapaligid, nasa pagitan, at
nagdudugtong sa pulo nito, ang, anumang lawak o
sukat nito, ay bahagi ng panloob na katubigan ng
estado, at saklaw ang esklusibong pagmamay-ari
at karapatan dito.
Sa pamamagitan ng ikatlong kumperensiya ng
UNCLOS ay nabuo ang pagtukoy sa baseline ng
mga bansa. Ang baseline ay tumutukoy sa guhit
kung saan nagsisimula ang pagsukat sa teritoryong
pandagat at pagmamay-aring pantubig ng isang
estado. Mula sa baseline na ito ay tinukoy ang
sumusunod bilang saklaw na teritoryo ng isang
bansa.
Internal Waters Sakop nito ang mga katubigan
at lagusan ng tubig mula sa baseline patungong
kalupaan. Malaya ang esatadong may-ari nito na
matakda ng mga batas at alituntuin sa pag-aaring
ito, at pangasiwaan ang paggamit sa mga yaman
nito. Hindi ito maaaring pasukin o daanan ng mga
sasakyan pandagat ng mga dayuhan.
Territorial Water Sakop nito ang katubigang
may 12 nautical lines (22 kilmetro) mula sa
baseline, kung saan may kalayaan ang estado na
magtakda ng mga batas at alituntunin at
pangasiwaan ang paggamit sa mga yaman.
Pinahihintulutan din ang innocent passage o ang
pagdaan ng mga dayuhang sasakyang pandagat sa
territorial waters hangga’t hindi ito
nakagagambala sa kapayapaan at seguridad ng
estado Kasabay nito, pinapayagan din ang transit
passage o ang pagdaan ng mga sasakyang
pandagat na walang paghinto o pagdaong sa mga
daungan, at magsisilbi lamang lagusan patungo sa
ibang katubigan.
Archipelagic Waters Ginagamit na batayan sa
pagtukoy ng territorial border ng isang estadong
archipelagic. Ang lahat ng katubigan paloob mula
sa itinakdang baseline ay pag-aari ng estado,
kabilang na dito ang mga tubig ng nakapaligid (sa
Takdang distansiya) sa mga layo-layong isla ng
bansa. Pinahihintulutan din nito ang innocent
passage ng mga sasakyang pandagat ng mga
dayuhan.
Contigous Zone Ito ay karagdagang 12
nautical miles mula sa territorial sea baseline (na
12 nautical mula kalipaan) kung saan ay maaaring
patuloy na pairalin ng estado ang kanilang mga
batas sa aspeto ng adwana, pagbubuwis,
imigrasyon, at pulusyon.
Exlusive Economic Zone Teritoryo na
sumusukat ng 200 nautical miles mula sa baseline.
May ekslusibong karapatan at kalayaan ang estado
na galagurin ay pakinabangan amg mga likas na
yaman na matatagpuan sa sonang ito.
Continental Shelf Tinutukoy sa kalupaan
ng matatagpuan sa ilalim ng katubigan na
karugtong ng baybayin ng mga isla. Ang
Continental shelf ng isang estado ay maaaring
lumagpas sa itinakdang 200 nautical miles sa EEZ
ngunit hindi lalayo sa 350 nautical miles. May
karapatan ang estado na maghango ng mga
mineral at mga yamang walang-buhay mula rito, at
may ekslusibong kontrol sa mga yamang nakakabit
sa continental shelf.

-
TERITORYO NGPILIPINAS AYON SA SALIGANG
BATAS
Naging batayan sa pagtukoy ng pambansang
teritoryo ng Pilipinas ang iba’t ibang kasunduang
pinasok nito sa kasaysayan. Binanggit din sa
Saligang Batas ng 1935 kung saanang mga itinakda
sa Philippine Treaty Limits ay produkto ng mga
kasunduang kolonyal. Hindi na binanggit sa
Saligang Batas ng1973 at 1987 ang mga
kasunduang kolonyal bilang batayan sa pagguhit sa
saklaw na teritoryo.
Mga pagbabago sa pagtukoy sa pambansang
teritoryo ng bansa ayon sa Saligang Batas ng

Saligang Batas ng Pilipinas - Artikulo I, Seksiyon I


*Tinutuoy ang mga
kolonyal na kasunduan
– Treaty of Paris if
1898. Treaty of
Washington of 1900, at
Boundaries Treaty of
1930-bilang batayan sa
pagtiyak sa
pambansangteritoryo
ng Pilipinas.
*Noong 1961,sa bansa
ng Republis Act5446 na
nag-amyenda sa
RA3046 Philippine
Baseline Act:
*tinutukoy ang
teritoryong saklaw ng
Pilipinas ayon sa
karapatang legal at
pangkasaysayan nito.
*kabilang ditto ang
archipelago ng
Pilipinas at ang lahat
ng isla at katubigang
nakapaloob ditto, ang
dagat teritoryal at
himpapawid ang
kailaliman ng lupa at
dagat, at pook
submarina nito.
*Tinutukoy ang
teritoryong saklw ng
Pilipinas ayon sa
karapatanng legal at
pangkasaysayan nito

Saligang Batas ng 1973 *kabilang dito and


archipelago ng Pilipinas
at ang lahat ng isla t
katubigang nakapaloob
ditto., ang dagat
teritoryal at
himpapawid, ang
kailaliman ng lupa at
dagat at poo
submarina nito
*Nakapaloob din dito
ang nilalaman ng
archipelgic doctrine
kung saan ang
katubigan sa paligid,
pagitan, at
nagdurugtong sa mga
isla ay saklaw ng
panloob na katunigan
ng bansa
Saligang Batas ng 1987 Inalis at pagtukoy ng
saklaw na teritoryo ng
Pilipinas ang batayang
pangkasaysayan nito
maging ang kaugnayan
ng pambansang
teritoryo sa mga
nilagdaang kolonyak na
kasunduan
*Ang pambansang
teritoryo
*ay binubuo ng
kapuluang Pilipinas,
kasama ang lahat ng
mga pulo at mga
karagatan na
nakapaloob ditto, at
lahat ng iba pang mga
teritoryo na nasa
ganap na
kapangyarihan o
hurisdiksiyon ng
Pilipinas, na binubuo
ng mga
kalupaan,katubigan, at
himpapawirin nito,
kasama ang dagat
teritoryal, ang ilalim ng
dagat, ang kailaliman
ng lupa, ang mga
kalapagang insular at
ang iba pang mga pook
submarina nito. Ang
mga karagatang
nakapaligid,
nakapagitan at nag
uugnay sa mga pulo ng
kalupaan, maging
anuman ang lawak at
mga dimensiuon ay
nag-aanyong bahagi ng
panloob na karagatan
ng Pilipinas.
Sa bisa ng Republic Act 9522 o Philippine
Archielago Baseline Law n nilagdaan noong Marso
10, 2009 , itinakda ang teritoryong maritime ng
Pilipinas ayon sa napagkasunduan sa UNCLOS.

MPLIKASYON NG LOKASYON NG PILIPINAS


Ang Pilipinas ay matataguan sa hilaga ng equator.
Ito ay kabilang sa mga bansang matatagpuan sa
mahabang latitude. Dahil sa lokasyon ng Pilipinas
ay may matasn na halumigmig kainamang
temperatura, saganang ulan, at banayad na
hangin.
Mahalagang salik ang klimang tropical ng
Pilipinas upang maging angkop ito sa mga gawaing
agricultural tulad ng pagtatanim at paghaharapan.
Dulot ng pagkakaroon ng malagong kagubatan na
tahanan ng mga endemic na hayop at halaman, at
siyang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap at
torso na iniluwas sa ibat-ibang panig ng daigdig.
Bilang isang kapuluan, kinilala ang Pilipinas sa
pagkakaraoon nito ng pinakamahabang baybayin
sa daigdig. Nkilala rin ang kagandahan ng mga
baybaying ito dahil sa pinong buhangin at malinaw
na tubig. Isa ang mga baybayin ng Pilipinas sa mga
dinarayo ng mga turista sa bansa. Tanyag dito ang
Boracay Beach sa Panay Island, at mga dagat sa
Zambales.
Ang Pilipinas ay bahagi rin ng tinatawag na
Coral Triangle. Ito ay hugis tatsulok na ecoregion
sa Timog-silangang Asya na kinabbilangan din ng
Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, Soloman
Islands, Timor-Leste na katatagpuan ng humigit-
kumulang 500 species ng korales at 3,00 species ng
isda. Kaugnay nito ang malawak ng katubigan ng
bansa ay tahanan din ng iba’t-ibang uri ng yamang
tubig kaya naman pangingisda ang pangunahing
hanapbuhay ng mga Pilipinong naninirahan sa
baybay-dagat. Banta ng ecoregion na ito ang
climate change at kakulangan ng mainam na
pangangasiwa sa pangangalaga dito mula sa
pamahalaan.
Estratehiko din ang lokasyon ng Pilipinas na
matatagpuan sa Timog-silangang Asya.Itinuturing
mahalaga ang Pilipinas sa aspeto ng politika para
sa mga kalapi-bansa nito. Nakalatag din ang bansa
sa pangunahing daang karagatan pangkalakalan at
rutang himpapawid s pagitan ng US at Asya.
Layunin ng estado ng mapagyaman,
mapangalagaan, at higit na pakinabangan ang likas
na yaman at stratehikong lokasyon ng bansa.
Nakipagugnayan at nakipagtulungan ang Pilipinas
sa iba’t-ibang bansa sa daigdig, particular sa Asya.
Isang paraan dito ay ang paglahok at pagsali sa
mga pandaigdigan at pangreiyong (ASEAN at Asia-
Pacific Economic Cooperation (APEC).
Ang pahabang hugis at hiwa-hiwalay na mga
pulo ng Pilipinas ay isang malaking hamon sa
maayos at malinaw na linya ng komunikasyon at
transportasyon na balakid sa pagsulong ng pang
ekonomiyang kaunlaran. Naging mahirap din ang
pagpapatupad ng batas at alituntunin lalo na sa
mga liblib na lalawigan. Isang hamon ang
pagbabantay sa seguridad ng malawak na
katubigan ng Pilipinas ayon sa itinakda ng
UNCLOS.
Malaking banta sa Pilipinas ang pagiging isa sa mga
sentro ng mga natural hazard o pagiging isa sa mga
bansa sa mundo na pinakalantad sa mga sakuna.
Ang Pilipinas ay bahagi ng tinatawag na Pacific
Ring of Fire – isang hugis horseshoe narehiyong
may haba na 10,000 kilometro at katatagpuan ng
may 452 aktibo at di-aktibong bulkan sa daigdig.
Banta sa Pilipinas ang 23 aktibong bulkan nito.
Kaugnay ng pagiging bahagi ng Ring of Fire ay ang
madalads na paglindol sa bansa dulot ng
pagkiskisan at paghihiwalay ng mga tectonic plate
sa ilalim ng lupa.
Daanan din ang Pilipinas ng mga bagyo. Ayon
sa Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAGASA)
humigit kuulang 20 bagyo ang dumaraan sa
Philippine Area of Responsibility taon- taon. Sa
nakaraang taon ay higit na malalakas at
mapaminsala ang ilang bagyo tulad ng bagyong
Yolanda na tumama sa Pilipinas noong 2015.
Kaugnay ng malakas na bagyo ang palambot at
pagguho ng lupa, pagbaha at storm surge sa mga
baybayin.
Dulot ng lokasyon ng Pilipinas sa mundo ay
magagandang anyong lupa at anyong tubig,
mayamang kalikas at mainam na klima. Kaakibat
ng mga ito ay ang iba’t-ibang krisis at kalamidad na
tumutama sa bansa taon-taon. Kasabay nito,
kinakailangang maging laging handa sa anumang
banta sa ating kaligtasan dulot ng mga likas na
sakuna.
MY BOOK REPORT
IN
SIBIKA

Ram Jericho Samson


6 Nehemya
Jack Kavin Paguio

You might also like