RRL - Salik

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isa sa bawat dalawang batang babae ang nakaranas ng 'teenage pregnancy' o hindi inaasahang

pagbubuntis mula sa populasyong pinag-aralan nina Puri, Ingham at Matthews. Malaking bahagi sa mga
Magkasintahan ang naka-isip na sumailalim sa abortion ang babaeng nabuntis, pero karamihan ang hindi
tumuloy. May maliit na porsyentong nagpalaglag ngunit iilan lang ang naging matagumpay ang
operasyon. Maraming salik tulad ng Socio-kultural na paniniwala ang nakaka-apekto sa pagdedesisyon ng
dalawang magkasintahan, kaya't nagiging dinamiko ang proseso at nagiging espesipiko ang sitwasyon.
Ang mga Ama at ang mga 'Health Service Providers' ay may malaking parte sa paggawa ng desisyon ukol
sa aborsyon (Puri et al. 1).

Ayong sa mga pananaliksik na may kauukulan sa mg kaso ng aborsyon ay nauugnay ang pagdedesisyon sa
aborsyon, sa mga salik na socio-demograpiko - tulad ng edad, paninirahan, katayuan sa pag-aasawa at
pagkakapareho - ay nagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga katangian ng mga kababaihan na
nakaranas na ng aborsyon (Puri et al. 2).

Mga ebidensya mula sa iba pang rehiyon ay nagpapakita na ang mga relasyong interpersonal ay may
malaking ginagampanan sa pagdedesisyon sa aborsyon. Mula sa bansang India, ang mga asawang lalaki
ay may makabuluhan at malaking gampanin sa pagbibigay ng huling desisyon; mga nakakatandang mga
babae na kilala kung paano kumilos ang kanilang mga asawa sa suhestiyon sa aborsyon kapag nagkaroon
ng hindi inaasahang pagbubuntis ay magkukusa nang magdedesisyong ipalaglag ang bata mula sa
kanyang sinapupunan kahit hindi pa alam ng kanyang asawa (Sinha et al.; Puri et al. 2). 1

Isa pang pag-aaral mula sa India ay nakatuklas na ang mga asawang lalaki at ang kanilang mga biyenan ay
kadalasang nagpapasyang ipapalaglag ang bata para sa mas batang asawang babae na naninirahan sa
pamamahay ng kanyang asawa o mga biyenan. Kaya't ang mga batang kababaihan ay nagigipit na
magpalaglag kahit na gusto nilang ituloy ang kanilang pagbubuntis (Ganatra at Hirve; Puri et al. 3).

Sa Proseso ng pagdedesisyon ukol sa kung at paano wakasan ang pagdadalang-tao ng isang babae, ay
isang suliranin para sa mga batang babae na nakakaranas ng hindi inaasahang pagbubuntis. Ang mga
kababaihang iyon ay magiging mapapasailalim sa socio-kultural at ekonomikong salabid na maglilimita sa
kanilang pagsasarili at magiging mahina sa mga panggigipit na maghahantong sa kanilang mapilitang
magpalaglag (Frederico et al. 1)

Mula sa pag-aaral nina Frederico et al., nadiskubre nila ang mga tiyak na dahilan sa iba't ibang antas,
kasama na ang mababang antas ng awtonomiya para sa mga kababaihan, ang limitadong mga pasilidad
na pang-kalusugan na makapagbibigay serbisyong pang-aborsyon at ang kakulangan sa serbisyong
nakasentro sa mga pasyente (Frederico et al. 1).

Ang Desisyon kung paano wakasan ang pagbubuntis ng isang babae na iimpluwensiyahan ng maraming
salik sa iba't ibang antas. Sa indibidwal na antas, ang mga salik na nakaka-apekto ay ang kanyang
katayuan sa pag-aasawa, maski sila'y biktima ng panggagahasa o incest, kanilang pagsasariling
ekonomiko at kanilang antas ng pinag-aralan. Mga salik naman sa Interpersonal na antas ay ang suporta
ng kanilang kasintahan at suporta mula sa kanilang pamilya. Mga tiyak na salik sa lipunan ay ang
kaugaliang panlipunan, relihiyon, estigma sa pre-maritak at extra-marital na pakikipagtalik, katayuan ng
isang kabataan, at pagsasarili mula sa lipunan. sa organisasyon na antas naman ay ang pagkakaroon ng
sex education, sistemang pangkalusugan, at mga batas sa aborsyon, ay ang mga nakaka-impluwensya sa
pagdedesisyon ng mga kabataan ukol sa aborsyon o pagpapalaglag (Frederico et al. 2).

Ang mga Salik na ito ay maiuugnay sa kapangyarihan at hindi pagkakapantay-pantay sa estado ng


magkaibang kasarian. Nililimitahan ng mga salik na ito ang awtonomiya ng mga dalagang kababaihan at
nagiging mahina sila sa harap ng panggigipit o 'pressure'. Bukod pa rito, napapalala nito ang sitwasyon
kapag nagkakaroon ng kakulangan sa kalinawan at impormasyon ukol sa estado ng aborsyon, sa kabila ng
pagkakaroon ng mga progresibong mga batas ukol dito (Frederico et al. 2).

Ang nakapaligid na lipunan ay may impluwensya sa mga kababaihan ukol sa pagdedesisyon sa


pagpapalaglag. Ang paglahok ng kinakasama sa pagdedesisyon sa aborsyon ay pinag-aralan sa
pananaliksik ni Karuna Chibber. Na kung saan, inilahad niya na 31 porsyento lamang ng mga kababaihan,
sa loob ng 954 na kanyang populasyon, ay nagsabing ang kanilang mga lalaking kasintahan ang
nagtangkang ihikayat silang ipalaglag na lang ang kanilang dinadala. Labing isang porsyento naman ang
iniulat na pisikal na pang-aabuso ng kanilang kinakasama naman ang naging dahilan ng kanilang
pagpasya na wakasan ang kanilang pagbubuntis. At 26 porsyento naman ng mga kinakasamang lalaki ang
walang gusto o kaya hindi kayang ang babae habang siya ay nagbubuntis, o kaya naman ay pisikal na
hindi kayang sumama sa magiging buhay ng ina at ng kanilang magiging anak. Karamihan (39%) ng mga
kababaihan ang naglahad na ang linansyal na suporta mula sa kanilang kinakasama ay napaka-
importante, at ang kawalan ng suportang ito ang magiging sanhi sa pagpapalaglag ng isang ina.
Maraming mga respondente ang nagtantiya na ang mga lalaking kinakasama nila ay "hindi responsable",
"hindi pa handa" o "hindi pa handa maging isang ama" , at samakatuwid ay nagpasyang wakasan na lang
ang kanilang pagbubuntis. Sa bawat limang (21%) babae, ay naniniwalang "hindi sila ang tamang lalaking
magbibigay sa kanila ng anak" at ito ang dahilan kung bakit sila nagpapalaglag (Boeva 48).

Ang mga kababaihang nagkaroon ng apat hanggang anim na aborsyon na nagka-atim lamang ng
primaryang edukasyon. Samantakang, karamihan sa mg kababaihang nagkaroon lamang ng isang
aborsyon ay nakakamit ng mas mataas antas ng edukasyon. Ang mga babaeng buntis (pasyente) (22%) ay
nagpahiwatig na ang kanilang pinansyal na sitwasyon ay ang naging kanilang tiyak na dahil sa
pagpapalaglag, na sinundan ng pag-aatubiling magkaroon pa ng iba pang anak (18%). Pinatunayan nito
ang pagkakaugnay estado ng kita at kanilang intensyong pangreprodaktib. Sa kasalukuyan, ang mga
magulang ay nagnanais na mabigyan ng magandang buhy at pagkakataong ang kanilang mga anak, kung
saan iniuugnay ito sa mas mataas na estadong pang-ekonomiko. Kinukumpirma nito ang ideya na ang
estadong panlipunan ay direktang nakaka-apekto sa pagpapa-anak at pagpapalaki ng bata, at ang
polisiyang maiuugnay sa pagpapalaganap na maging tuloy-tuloy ang pagpapa-anak. Sa bawat sampung
kababaihang naglahad na itinuloy nila ang kanilang pag-aaral, ay nagsaad na ang kanilang akademikong
tungkulin ang naging dahilan kanilang pagsabak sa aborayon. Siyam na porsyento naman ng mga
respondente ang nagsabing problema sa pagtitirhan ang naging sanhi sa aborsyon, na kasing dami na
nagsabing mas pipiliin nila ang kanilang career kaysa sa pagbubuntis sa isang bata. Walong porsyento
naman ang nagsabing relasyon nila sa kanilang kinakasama ang kanilang dahilan, na sinundan ng
problemang pangkalusugan (7%), at kakulangan sa suporta ng pamilya (6%). Marami sa kalahati sa mga
kababaihan ang nagsabing nagdesisyon sila kasama ang kanilang mga kinakasama (52%). Sa bawat
tatlong babae naman ang nagsabing sila lang mag-isa ang mag dedesisyon sa kanyang pagbubuntis.
Paglahok ng kanilang ina at pagbibigay payo at impluwensya ang naghahati sa siyam na porsyento ng
mga respondente. At dalawang porsyento lamang ang nagsabing, nagtitiwala sila sa opniyon ng kanilang
mga kaibigan (Boeva 50).

You might also like