Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

THEORETICAL

Una ay ang Transfer Theory ni Highet (1950, p.92), binibigyang diin sa teoryang ito na ang kaalaman ay
naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga epektibong mga elemento sa
pagtuturo tulad ng mga estratehiya, kaalaman, at mga teknik. Ang mga mahuhusay na elemento sa
pagtuturo ang magiging daan sa mga mag-aaral upang matamo ang karunungan sa mga araling pinag-
aaralan. Nangangahulugan na ang isang guro ay dapat magkaroon ng malawak na kaisipan hinggil sa mga
epektibong elemento sa pagtuturo nang sa gayon ay makatulong sa mga mag-aaral upang mapalawak
ang kaalaman sa bawat aralin. Ang teoryang ito ay nakasandig sa kakayahan ng isang guro sa pagtuturo.

Ang ikalawang teorya naman ay nakasandig sa mga mag-aaral. Ito ay ang Growing Theory ni Perkins
(1992, p.21). Naniniwala ang teoryang ito na ang isang paraan upang malaman kung ang pag-aaral ay
naging epektibo, ito ay nakatuon sa intelektuwal at emosyonal na pag-unlad ng mga estudyante.
Makikita ang naging bunga ng isinagawang pag-aaral kung napa-unlad ang aspektong intelektuwal ay
emosyonal ng mga mag-aaral.

-------

Sa kasalukuyang panahon, ang pangunahing tungkulin ng mga guro sa wika ay mapaunlad ang kasanayan
ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa o reading comprehension. Nakalulungkot isipin na ang
kakayahang taglay ng mga mag-aaral sa pagbasa ay iyong simpleng paggunita ng mga impormasyong
tuwirang nakalahad sa teksto, kahit pa marami nang paraan sa ngayon ang nakatutulong upang
matutong bumasa ang mga mag-aaral at isa na rito ang kompyuter.

Samantala sinasabing taglay ng isang mag-aaral ang kakayahang ito kung ang lebel ng kanilang
pag-unawa ay nakabatay sa sumusunod; Una, Reading the lines o on the line, dito ipinakikita na ang
isang mambabasa ay nakauunawa ng mga kahulugan at mahahalagang detalye ng teksto. Pangalawa ay
pagbasa sa pagitan ng mga linya; kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahang may mas malalim na pag-
unawa sa binasa. Dito ipinakikita ang paghihinuha sa layunin ng awtor, pagbigay ng interpretasyon,
pagbigay ng hatol at paghahambing ng ideya ng awtor sa ideya ng mambabasa. Pangatlo, Reading
beyond the lines. Dito sangkot ang teknik, kritikal at malikhaing pagbasa; kung saan nahuhulaan ng
mambabasa ang magaganap, natutukoy ang kongklusyon ng binasa, nakapagbibigay ng mga bagong
padron ng mga ideya, at nakapagpapalawak ng sariling kaisipan. Maliban dito, masusukat ang antas ng
pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral gamit ang taksonomi nina Bloom at Barret.

Pagbasang May Pag-unawa o Reading Comprehension

Written by Mrs. Marcela S. Sanchez | Master Teacher I | Bataan National High School | Balanga, Bataan
march 15 2017
------

Dagdag sa Panimula:

Sa pag-aaral ng panitikan ay mababatid ng mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal


na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng
panitikan mapapalawak at magagawang mahusay ng isang guro na pagtuturo ng Asignaturang Filipino.

Para naman kay Serio (2007), ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri
ayon sa anyo ng pagkakalahad ng mga ito; kwentong bayan, bugtong, salawikain, sawikain, palaisipan at
balagtasan na naglalarawan ng kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman at karanasan.

Sa mga pag-aaral na ito ng mga dalubhasa, sinasabi na talagang napakahalaga ng mga akdang
pampanitikan. Kahit lumipas man ang maraming taon hindi maikakaila na ang mga ito ang ating magiging
pagkakakilanlan dahil ito ay pamana ng mga ninuno.

----

Haypotesis

Ang paksang Mga Salik sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino Partikular sa Pag-aaral ng Panitikan sa mga
Piling Mag-aaral ng Ikapitong Baitang sa Mataas na Paaralan ng Balibago ay binubuo ng mga sumusunod
na palagay:

1. Mayroong kaugnayan ang mga nasabing salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng panitikan ng mga mag-
aaral

2. Walang makabuluhang kaugnayan ang mga nasabing salik sa pagkatuto ng Asignaturang Filipino
partikular sa pag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral.

You might also like