Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Bakit paborito ni Rizal ang "The Count of Monte Cristo"?

Ang tanging dahilan kung bakit nagustuhan ni Dr.Jose Rizal Ang nobela ay dahil may pagkakahawig ito sa
kanyang istorya hindi lamang bagkus sa totoong buhay kundi pati na rin sa mga tagpong nangyayari sa
kapaligiran. Isa Rin sa mga dahilan ay gusto niya Ang mga lugar Kung Saan ginanap Ang pangyayari sa
nobela.At Kung gaano kabangis Ang pamamahala ng mga nakakataas sa lipunan.

2. Magbigay ng likang kaganapan sa nobela/ movie na maihantulad sa tunay na buhay ni Rizal. Ihambing
ang pagkakatulod ng mga pangyayari.

 Una ,kung saan siya ay kinulong na labag sa katarungan hindi na siya nakapagsalita. Ipinapakita
nito sa atin ang epekto ng pagiging walang-sala at walang pinag-aralan.
 Pangalawa, Malaki ang pagkakahawig nito sa sinulat ng ating bayani tulad na lamang ni Ibarra ay
nakasuhan at nabilanggo,naisip pa din niya ang walang hanggang pag-ibig niya para kay Maria
Clara, at sa El Fili kung saan si Ibarra nagkaila bilang Simoun at nagplano para sa paghihiganti
niya.

3. Kabuuang reaksiyon kung paano nakaimpluwensiya sa buhay ni Rizal Ang paborito niyang nobela.

Di ma itatanggi na sa kabila ng kanyang pagiging bayani marami pang bagay Ang nalalaman ni Rizal Hindi
lamang sa kahusayan sa pag-aaral, pagsasalita kundi pati na rin sa pagsulay ng nobela. Kahit na marami
ng nobelang nasulat so Rizal nagawa parin niyang Humanga sa Gawa ng iba. Isa na rito Ang nobelang
Gawa ni Alexander Dumas na pinamagatang the count of Monte Cristo na naging Isa sa pinakapaboritong
nobela niya.

Ang nobelang Ito at nakaimpluwensiya sa buhay no Rizal ng lubusan lalong lalo na sa ng kahalagahan ng
edukasyon sa ating buhay. Ito ay nagpapa-alala sa kanya na kahit na maraming sagabal, kahirapan at
problema na maaaring dumating at na maaari nating makaharap araw-araw. Kailangan nating tumayo,
mayroong mabuting kalooban, upang mabuhay sa ganitong uri ng mundo na puno ng mga pagsubok sa
buhay at magkaroon ng lakas upang hawakan at labanan para sa ating mga karapatang kalayaan. Kahit
nakuha pang maghihiganti sa mga taong nagtaksil sa kanya, tanging inisip niya lamang ang kanyang
bayan. Hindi sa lahat ng oras madadaan natin ito sa kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay may
katapusan. Natanto ko niya na ang bawat masamang bagay na gawin natin sa iba, asahan natin na
babalik sa atin.

Kaya kailangan ay dapat palaging maging mabuti, mabuhay sa pag-ibig ng Diyos nang sa gayon ay
magkaroon tayo ng kapayapaan sa daigdig na ito. Hindi natin kailangan ilagay sa ating mga kamay ang
hustisya, sa halip tanging Diyos lamang ang makakapagsa-ayos nito matuto tayong maghintay ng
matiyaga dahil lahat ng bagay ay may rason kung bakit nangyayari.

You might also like