Trending

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

#TRENDING

Ni :MARIEL RITCHIE M. JOLEJOLE

Buwan na naman ng Agosto, sigurado,

Marami na naming magsisisulputang akala mo mga kabuteng mga

“#MAKABAYAN”

Mapanlinlang na mga kabataan

“Makabayan”

Akala mo naman talaga ang laki ng ambag nila,

Sa mga telepono lang naman nakatunga-nga.

Tamang selfie lang ng pinagmamalaking milktea,

Kala mo naman talaga nag-aaral ng mabuti.

E, tingnan mo yung grade pwede na ring oambili ng milktea, 70.

“Makabayan”

Nagasgas na lang yung linyang

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,”

Pero hanggang ngayon, wala pa rin tayong makitang pag-asa.

Pano ba naman kasi uunlad ‘tong ating bansa

Kung hanggang ngayon patuloy ka pa ring umaasa sa kanya.

#bossmapagmahalchizkeyk_24

“Makabayan”

Pa ring bang maituturing kung ang kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan

Ay nagmimistulan nang malalansang isda na nalulunod at nilalamon nan g sistema?

Puro social media, daming pauso, sabay sa uso.

Suot ng ripped jeans, jagger pants, shorts

Kahit ano pang pananamit, kahit pa yung labas pwet.

Okay lang, uso naman e.

Daming pauso, sabay sa uso.

Mga profile picture na labas suso. Jusko!

Makarami lang ng likes e.

Nilalamon nan g sistema, pati mga pinakikinggang kanta

Kahit magkabuhol-buhol na mga dila nila, wala nang pakialam

Makasabay lang sa ingay ng madla.

May OPM naman kasi tayo,

Pinagpipilitan mo lang sarili mo sa lenggwaheng di naman maintindihan ng puso mo.

Daming pauso, sabay sa uso.


Mga kabataang naglalandian, este nagliligawan

Kahit ‘di naman talaga nagmamahalana.

May pag-usapan lang, may maipagyabang lang.

Ay! Omaygad! Jowa ko na si ano.

E ano? Jowa ko rin yang jowa mo.

Ayan kasi , daming pauso, sabay sa uso.

U do note is my lyer is my peyk!

Pero wait a minute,

Bakit ka magpapakabobo sa English kung matalino ka naman sa Filipino?

Bakit ba kasi ‘di ka marunong makuntento?

Bakit, kinakahiya mo ba yung lahing nagluwal sa’yo?

Nagbigay ng pangalan mo?

Na ikaw ay isang Pilipino!

Pilipino ka! Na may sarili kang wika.

‘Yan sana ang aralin mo hindi lang ang wikang banyaga.

Subukan mong aralin ang sarili nating Baybayin,

Ba’t di mo subukang baybayin ang sarili nating kultura

Kasi nilalamon na ito ng iba’t ibang sistema.

Huwag mong hayaang mawala ang marka ng mga Pilipino.

Magpaka-Pilipino!

H’wag nang madami pang pauso, ‘wag lang sabay sa uso.

Mahalin mo ang wikang Filipino, hindi lang tuwing buwan ng Agosto.

Ang punto ko sa tulang ito,

Hindi naman masamang sumabay sa uso,

Siguraduhin mo lang na di mo pinipeke pati sarili mo.

Dahil hindi social media ang magdidikta sa kung ano at sino ka.

Mag-isip-isp ka, kapatid ko.

Isabuhay ang pagiging Makabayan hindi lang para makuha ang likes ng friends mo.

Maging tunay na “Kabataan,” manindigan, at ating bigyan

Ng tunay na pag-asa an gating bayan.

Dahil ito ang kaniyang kailanga,

Dahil sa ating mga kabataan nakasalalay ang kinabukasan ng Perlas ng Silanganan.

Tayo ang tagapagmana ng tunay na kayamanan n gating bayan,

Kaya atin itong ingatan at ipaglaban!

#BangonKabataan

You might also like