Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Vanice C.

Villarin
BSEM-1

INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA


ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA.

PAKSA/NILALAMAN:
Maraming bagay ang maaaring magbigay sa’yo ng iyong pagkakakilanlan- ang iyong pangalan,
ang iyong paboritong pagkain, ang kulay ng iyong mga mata at ng iyong buhok, ang kulay ng iyong balat
at marami pang iba. Pero walang makatutumbas sa wikang iyong sinasalita. Sabi nila, ang wika ang
nagiging simbolo, instrumento, at basehan ng iyong pagkakakilanlan. Sa Pilipinas, ang ating pambansang
wika ay Wikang Filipino. Lubos na lamang ang ating pasasalamat kay G. Manuel L. Quezon na naging
kilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil siya ang nagsulong ng ating Wikang Pambansa at siya
rin ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay isang institusyon
na nagsuri ng wikang gagamitin bilang wikang pambansa at ito ay kilala na ngayon bilang Komisyon ng
Wikang Filipino (KWF). Ang naging basehan ng ating wikang Filipino ay ang Tagalog na isang
katutubong wika na gingamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

Noong ika-apat ng Hunyo, 1946, naging opisyal ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas. Nang inaprubahan ni dating Pangulo Benigno Aquino III ang programang K-12 bilang
pagtugon sa napapanahong sistema ng edukasyon, biglang nagbago ang sistema ng edukasyon sa
Pilipinas. Dahil sa pagbabagong ito, noong 2013, napagdesisyunan ng Commission on Higher Education
(CHED) na magbawas ng anim na yunit ng Filipino para sa mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo noon
sanang 2018. Ipinataw ang CHED Memorandum Order na naglalayong gawin na lamang 36 yunits ang
dating 63 yunits ng General Education Curriculum para sa kolehiyo. Resulta ng pagpataw nito ay ang
pagkadismaya ng ilang propesor sa Filipino. Ilan na dito sina Dr. Randy Din at David Michael San Juan
nagsabing maaaring bumaba ang kalidad ng Wikang Pambansa kung mangyaring matanggal ito sa
kolehiyo. Sa katunayan, may isang organisasyon na pinamumunuan ni Dr. David Michael San Juan at ng
iba pang mga guro sa iba’t ibang lugar ng Maynila na tinatawag na Tanggol Wika para panatilihin sa pag-
aaral ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Noong Abril 2015, naghain ng TRO ang Korte Suprema
upang panandaliang hintuin ang layunin ng CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino hangga’t wala
pa itong maayos na hatol at noong Hunyo 2017, napagdesisyunan ng CHED na huwag na ituloy ang
pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

REPLEKSYON
Mula sa ulat ni Gng. Mercadero, napagtanto ko na napakahalagang gamitin at pagyabungin ang
atin wikang Filipino sapagkat napakahabang proseso ang napagdaanan nito upang maging ating wikang
pambansa. Ang ating wika rin ang sumisimbolo na tayo ay malaya at may sariling bansa. Ito rin ang
nagsisilbing instrumento ng mga Pilipino sa kanilang komunikasyon sa iba’t ibang parte ng ating bansa
para magkaroon ng kapayapaan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Napakalaking tulay ng ating
wika sa pagkakaroon ng isang pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas. Maraming tao ang nakipaglaban
upang hindi ito mapaalis sa curriculum sa kolehiyo.

Ngunit aminin man natin o hindi, maraming tao na ang hindi nagpapahalaga ng ating wikang
Filipino. May mga magulang sa panahon ngayon na mas nanaisin na masanay ang kanilang mga anak sa
pagsasalita ng Ingles. Taong 2019 na. Maraming pagbabago ang nangyari sa mga nakalipas na panahon.
Iba na rin ang Pangulong nangangasiwa sa bansa. Simula palang noong panahon na sinakop tayo ng mga
Kastila, mga Hapon at mga Amerikano, pinaglaban na natin ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga
dayuhan. Pinaglalaban na natin ang mga bagay na sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Sa ngayon,
tanyag na ang wikang Ingles sa ating bansa. Bunga na rin ito ng globalisasyon. Idagdag pa ang
kadahilanang maraming Pilipino ang nagnanais na mamalagi sa ibang bansa at doon magtrabaho. Sikat na
rin ang wika na mula sa Korea, na kadalasang naririnig sa mga kantang sikat na sa buong mundo. Hindi
na natin maikakaila na dahil sa dami ng mga wikang banyaga na ginagamit sa ating bansa, nawawalan na
tayo ng pagpapahalaga sa ating wika. Maraming kabataan ngayon na mahilig magpost ng liriko ng mga
hilig nilang kanta ngunit hindi maalam sa pagkakaiba ng “ng” at “nang”. Mas nanaisin pa nilang magsulat
nga mga salita sa Ingles lalo na sa mga caption sa kanilang litrato. Dito rin pumapasok ang ideya na
kapag maalam at bihasa ka sa Ingles, ikaw ay nakatataas sa iba. Dahil dito, mas maraming Pilipino ang
ninanais na maging maalam sa wikang Ingles at nakakalimutan na ang kanilang wikang Pambansa.

Ilang taon na tayong nagiging bulag sa mga wikang banyaga, panahon na para pagyabungin at
mahalin ang ating sariling wika. Hindi nakasasama ang pagpahalaga sa kung anong atin. Sabi nga ng
ating pambansang bayani, “Ang hindi magmahal sa sariling wik, daig pa ang hayop at malansang isda.”

You might also like