Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALAMBUHAY

Si Jose Corazon De Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong ika-22


ng Nobyembre 1896. Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente De Jesus,
ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan sa ilalim ng pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga.
Bininyagang Jose Cecilio De Jesus subalit pinalitan mismo ng may ari
ng pangalan ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang
tumutugma sa kanyang katauhan.
Nagtapos ng abogasya si Jose Corazon De Jesus, subalit hindi niya
nagamit ang pagiging abogado dahil naging abala siya sa pagsulat ng isang
kolum ng mga tula sa pahayagang Taliba kung saan ginamit niya ang pen
name na ‘Huseng Batute’. Sa kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan
sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano at pinalaganap ang mithiin na
makalaya mula sa mga ito.
May 4,000 tula ang naisulat ni De Jesus sa kanyang kolum na Buhay
Cavite, subalit sumulat din siya ng mga kolum na pinamagatang “Ang Lagot
na Bagting”.
Paborito ni De Jesus ang pen name na Huseng Batute, subalit sumulat
din siya gamit ang mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito
Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi,
Elyas Anastacio Salagubang at Tubig Lily.
Tinagurian ding “Hari ng Balagtasan” si De Jesus. Taong 1924,
napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng duplo o isinadulang
debate sa tula na uso noong araw, subalit hindi na ito gaanong pinapansin
ng mga tao. Pinalitan ang porma ng duplo at tinawag itong balagtasan bilang
pagkilala kay Francisco Balagtas, kilalang Filipinong makata.
Sumikat nang husto ang balagtasan na karaniwang ginagawa sa mga
pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang dekada
singkwenta.
Laging pinagtatapat si De Jesus at Florentino Collantes, isa ring
mahusay na duplero at makata noong araw sa mga balagtasan. Taong 1925,
nagtagisan ng galling si De Jesus at Collantes, kung saan nanalo ang una at
binansagan siyang Hari ng Balagtasan, titulong hinawakan niya hanggnag
siya ay mamatay taong 1932.
LITERARY WORKS
José Corazón de Jesús's works appeared on several magazines and newspapers,
notably Ang Democracia, Taliba, Liwayway, ang buhay sa nddu and Sampagita. In
addition, his works have appeared in various anthologies and textbooks from grade
school to college. Among his more popular works are:
Ang Manok Kong Bulik ("My White Rooster", 1911) - a poem about a country
man's misfortune in cockfighting
Barong Tagalog (1921) - poem written after the Filipino national costume
Ang Pagbabalik ("Homecoming", 1924)
Ang Pamana ("The Legacy", 1925)
Isang Punongkahoy ("A Tree", 1932)
Some of his poems were set into music; among these are:
Bayan Ko ("My Country", 1929) - music by Constancio de Guzman
Pakiusap ("A Request") - music by Francisco Santiago

EXPLANATIONS
Ang Pagbabalik - Isinalaysay ng may akda sa tula na "Ang Pagbabalik" ang tungkol
sa pait ng nararamdaman ng mag-asawa sa pag-alis ng kabiyak upang maghanapbuhay
at madatnang sa pag-uwi ang bangkay ng asawa. Isinalaysay ng may-akda ang kaniyang
pagbabalik sa pamamagitan ng pagtula o sa patulang pamamaraan. Ang paksa ay
tungkol sa bigla at masakit na pagpanaw ng kabiyak ng puso.. Ang tulang nagsasalaysay
ay mas simpleng paglalahad ang ginamit sa pagkukuwento samantalang sa tulang
naglalarawan ay mas makulay, may ritmo at mas kaaya aya pakinggan.
Ang Pamana-dapat nating mahalin ang ating ina dahil sila ang nagsasakripisyo at
nagmamahal sa atin tunay.
Ang Pag-ibig- ito ay nalalapatan ng pagdulog romantisismo dahil ang sentro ng
emosyon nito ay pagkahapis. Bukod sa salitang luha na nagpapakita na sa una at
ikalawang taludtod ay nagsasaad ng kalungkutan habang ginagawa ang isang liham.
Ang Pag-ibig- ay isang bagay na maaaring magpaangat at magpabagsak sa atin.
Sa Dakong Silangan- alegorikal na pagtatalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula
pagdating ng mga Kastila hanggang sa pagdating ng mga bagong mananakop.
(Amerikano)
Manggagawa- Sinasabi dito kung gaano ka importante ang mga manggagawa sa
lipunan.
Isang Punongkahoy - inihalintulad ni Jose Corazon de Jesus ang kanyang sarili sa
isang pungkahoy na malapit ng mawalan ng lakas o malapit ng mamatay. Ang tulang ito
ay isinulat ni Jose sa kaniyang mga huling araw, taglay ang pagsisisi at pagdurusa sa mga
bagay na kanyang ginawa mga bagay na hindi niya nagawa at mga bagay o kasalanan na
nagawa niya sa kaniyang buhay.Ang tulang ito ay isang elehiya o tulang tungkol sa
kamatayan o pag-aalala sa nalalapit na kamatayan.

You might also like