Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SONA ni Digong: Corruption, drugs, West Phl Sea

437SHARES60
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na tatalakayin ni Pangulong
Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ngayong
hapon ang patuloy na paglaban sa corruption, illegal drugs, rebellion gayundin
ang usapin sa West Philippine Sea.

“We can expect that he will tackle the promises he made on fighting
corruption, illegal drugs, criminality, and rebellion. We can also expect that he
will speak about other major issues, such as that of the West Philippine Sea,
ways to sustain the growth in our economy, as well as his legislative agenda,”
ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“On his fourth State of the Nation Address (SONA), President Rodrigo Roa
Duterte will report to the Filipino people the achievements of the
administration in the past three years, the present situation of the country, and
his plans to further move the nation forward for the three years,” dagdag ni
Panelo.

Aniya, magiging maiksi ang SONA ng Pangulo pero sa palagay nito ay nasa 2
oras pa rin ito.

Inaasahang magle-lecture din ang Pangulo sa kanyang mga kritiko sa usapin


ng pagpapahintulot nito sa China na mangisda sa exclusive economic zone
ng Pilipinas.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/bansa/2019/07/22/1936724/sona-ni-digong-corruption-drugs-west-phl-
sea#MUMbB0LXZuykHJt3.99

Duterte legacy ibibida sa ika-4 na SONA


ITINUTURING ng Malacañang na ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka-importante at dapat na abangan ng mga Pilipino
ngayong Lunes, Hulyo 22.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar


na nangalahati na ang Pangulo sa kanyang termino kaya’t aasahang ilalatag nito ang mga
plano para sa bansa at sambayanan sa huling tatlong taon ng kanyang termino.
Pero kailangan din aniyang ireport ng Pangulo ang mga nagawa nito sa loob ng nakalipas
na tatlong taon.
Kung iisa-isahin ang mga nagawa ng Presidente sa nakalipas na tatlong taon ay tiyak na
aabutin ng gabi ang SONA kaya inilunsad ng PCOO ang pre-SONA activities sa Manila,
Cebu City at Davao City noong nakalipas na dalawang linggo.

“This is about legacy building. I call it the Duterte legacy. The Duterte legacy for the next
three years will center around poverty alleviation, imprastruktura at peace and order,” ani
Andanar.

Target ng Duterte administration na maibaba ang antas ng kahirapan ng hanggang 14%


mula sa 21% at maiparamdam sa mga Pilipino ang pag-angat ng ekonomiya.

Sa aspeto ng imprastruktura, maraming nakalinyang mga major project ang Duterte


administration na inaasahang magpapabago sa buhay ng mga Pilipino, sa pamamagitan ng
dagdag na trabaho at mabilis na biyahe ng mga kalakal at ng mamamayan.

Batay sa record ng Build, Build, Build program, 75 malalaking proyekto ang nakalinyang
ilarga ng Duterte administration kabilang na dito ang mga railway, subway, flyover, mga
tulay at railway sa Mindanao.

Inaasahang nasa 28-35 na proyekto ang matatapos bago matapos ang termino ng Pangulo
sa 2022 at ang matitirang proyekto ay nasa susunod na Presidente na kung itutuloy o hindi.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media at maging ng mga kritiko at oposisyon


ang naging pahayag ni Pangulo Duterte na aabot na lamang sa limang minuto ang biyahe
mula Cubao hanggang Makati City.

Pero sinabi ng Palasyo na hintayin na lamang kung matutulad ito sa sandaling matapos ang
mga ginagawang proyekto ng gobyerno.

Sari-sari ang pananaw ng publiko, mga politiko at maging ng mga kritiko ni Pangulong
Duterte kung ano ang aasahan sa SONA nito sa Lunes kaya hinimok ng Malacañang ang
sambayanan na samahan sila na makinig sa mga sasabihin ng Presidente.

“It is very important for every Filipino not only the 85% of the Filipinos who trusts the
President; not only the 80% who are satisfied with the performance of the President, but
including those Filipinos who disagreee with the President; the minority, the 3% and
perhaps those who are undecided. This Monday will be the day that you will know the future
and how the future will look like in the Philippines,” dagdag pa ni Andanar.

Isa sa mga adhikain ng Pangulo na nais nitong malutas ay ang isyu ng peace and order
kaya’t aasahang bibigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ang mga ginagawa
ngayon ng kanyang administrasyon para matigil na ang insureksiyon at mapapayag ang
kilusang komunista sa pamamagitan ng National Task Force na tapusin na ang armed
conflict.
Aasahan ding babanggitin ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ang isyu sa China kung
saan naging mainit noong nakalipas na buwan dahil sa insidente sa Recto Bank sa
Palawan na naging pagkakataon ng mga kritiko para bakbakan siya sa mga isyung
nakapaloob sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Kung ang mga nakalipas na SONA ay naging kaabang-abang hindi dahil sa laman ng
talumpati ng Presidente, kundi sa mga bisita at mga politikong dumadalo sa okasyon,
ngayong Lunes ay aasahan umano ang pagiging simple ng SONA sa kabuuan.

Mula sa simpleng kasuotan ay posibleng makakita ng mga bisitang nag-recycle ng kanilang


kasuotan dahil sa naging utos ni Pangulong Duterte na gawing simple at iwasang maging
fashion show ang okasyon.

Mas matutuwa ang Pangulo kung isama sa okasyon ang kulturang Pilipino na paggamit ng
Barong Tagalog at Filipiniana, tulad ng ginagawa sa Thailand, Indonesia at Cambodia na
tuwing mayroong pambansang aktibidad ay isinusuot nila ang kanilang national costume.
(Aileen Taliping)

You might also like