Professional Documents
Culture Documents
1st PT
1st PT
1st PT
I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.
2. Kung ikaw ay isang responsible at rasyonal na tao, ano ang dapat mong mabatid at isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
A. Ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon ng pamilya.
B. Ang mga pansiring hilig at kagustuhan.
C. Ang opportunity cost ng bawat pagpiling gagawin.
D. Ang mga patalastas sa telebisyon o radyo.
3. Paano mo maiuugnay ang ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang kasapi ng lipunan?
A. Ang ekonomiks ay pag-aaral ng paggamit ng likas na yaman upang mayroong magamit na mga produkto.
B. Maaaring magdulot ng dagdag na kaalaman sa mga mag-aaral.
C. Ang mga pinag-aralang batas ay maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng lipunan.
D. Ginagamit ng tao ang kapaligiran at mga yaman ng kalikasan upang matugunan ang mga kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
4. Alin sa mga sumusunod na deskripsyon ang nagpapahayag ng kaugnayan ng tao sa pag-aaral ng Ekonomiks
A. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang tungkulin at abilidad sa lipunan na dapat gawin upang umasenso
ang isang bansa.
B. Dahil sa kanyang karanasan na nakukuha niya sa kapaligiran, nakakakuha ng ideya ang tao kung paano
siya mabubuhay.
C. Ang pagkakadiskubre ng tao sa paggamit ng teknolohiya ang nagbigay daan upang sumabay sa ago sang
buhay ng tao sa mundo.
D. Mahalaga para sa isang tao na gumamit ng mga ibat’t ibang klase ng mga produkto na kanyang
kakailanganin para mabuhay sa mundo.
8. Alin sa mga pangungusap ang nakakatugon sa pangunahing konsepto ng ekonomiks, kalikasan ng mga tao, at
pangangailangan at kagustuhan?
A. Kalikasan ng bawat tao na gumawa ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan
niya
B. Upang makuha ng isang tao ang nais niya, hindi niya maaaring isakripisyo niya ang isa pang bagay.
C. Kung aabusuhin ang mga likas na yaman, mawawala agad ang suplay ng mga pangangailangan ng tao.
D. Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, ang ekonomiks ay may malaking epekto sa lahat ng ating
ginagawa.
9. Ano ang pangunahing suliraning pang-ekonomiya na kinakaharap ng bawat bansa dahil sa hindi kasapatan ng mga
pinagkukunang yaman?
A. Kakulangan
B. Kahirapan
C. Kakapusan
D. Krimen
11. Ang kakapusan ay mahalagang mapamahalaan upang hindi maging suliranin ng lipunan. Alin sa mga sumusunod
ang hindi nakakatulong sa pamamahala ng kakapusan?
A. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon
B. Magkaroon ng pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng paglika ng
produkto
C. Paggamit ng cyanide at muro-ami sa paraan ng pangingisda upang maparami ang huling isda
D. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga pinagkukunang yaman
12. Ang kakapusan ay isang suliraning pang-ekonomiya na tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa paggamit ng
ating mga pinagkukunang-yaman. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?
A. Maraming mga manggagawa ang patuloy na nagtatrabaho at namamasukan sa ating bansa.
B. Pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
C. Pag-aangkat ng mga banyagang produkto upang mapunan ang kakulangan sa bansa.
D. Pagkakaroon ng maraming suplay ng produkto sa mga imbakan at pamilihan.
13. Ano ang maaaring epekto ng patuloy na pang-aabuso ng mga tao sa yaman ng ating bansa katulad ng mga
kagubatan?
A. Makaiiwas sa mga sakuna katulad ng pagbaha at landslide.
B. Malinis na tubig na aagos sa ating mga ilog.
C. Matinding erosion at pagkatuyo ng lupa.
D. Pagsibol ng mga bagong punlang puno.
14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan para maiwasan natin ang pagtindi ng kakapusan sa bansa?
A. Hikayatin ang mga manggagawa na humanap ng trabaho sa ibayong dagat.
B. Pangingisda gamit ang mga dinamita at cyanide.
C. Pahintulutan ang mga pabrika na magsagawa ng kanilang proyekto sa mga kabundukan ng bansa.
D. Sumali sa mga pangkalikasang gawain at makilahok upang mapunan ang mga pagkukulang na ginagawa
ng ating mga kababayan sa ating kalikasan.
15. Sino ang gumawa ng pag-aaral tungkol sa Teorya ng Hirarkiya ng Pangangailangan ng Tao?
A. Abraham Mallow
B. Abraham Maslow
C. Andrew Masville
D. Andrew Malave
16. May mga salik na nakakapagpabago ng mga pangangailangan at kagustuhan ng isang tao. Alin ang hindi kabilang
sa mga ito?
A. Katayuan sa lipunan
B. Uri ng materyales ng produkto
C. Antas ng edukasyon
D. Pansariling panlasa
17. Ang sanggol ay nangangailangan ng gatas, lampin, at bitamina. Sa oras na ang batang ito ay maging isang
teenager, nag-iiba ang kanyang pangangailangan at kagustuhan. Buhat dito masasabi natin na mayroong mga salik
na nakakaapekto sa pangangailangan ng tao. Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa sitwasyon na ito?
A. Edad
B. Panlasa
C. Kita
D. Edukasyon
18. Ano ang naging paliwanag ni Abraham Maslow sa kanyang “Theory of Human Motivation”, kung saan ipinanukala
niya ang teorya ng Herarkiya ng Pangangailangan?
A. Ang bawat tao ay magkakatulad ang mga pangangailangan at kagustuhan.
B. Nag-umpisa ang pagkamit ng mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pinakamataas patungo sa
pinakamababang antas.
C. Habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang batayang pangangailangan, umuusbong naman ang
mas mataas na antas ng pangangailangan.
D. Batid ng tao na may positibo at negatibong epekto ang maaari niyang maranasan sa pagkamit ng kanyang
pangangailangan.
21. Ano ang tawag sa mekanismong ginagamit para sa paglalaan, pagtatakda at pamamahagi ng limitadong
pinagkukunang-yaman upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya ng bansa?
A. Alokasyon
B. Kakapusan
C. Kakulangan
D. Pagkonsumo
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang market economy?
A. Ang paggawa ng produkto at sebisyo ay nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili.
B. Ito ay pagmamay-ari ng pribadong kompanya o indibidwal.
C. Layunin nitong maipamahagi sa lahat ang pangunahing pangangailangan ng pantay-pantay.
D. Layunin nitong makamit ang mataas na tubo mula sa mga nabiling produkto at serbisyo.
23. Paano nangyayari na may mga bansang salat sa pinagkukunang-yaman ngunit maunlad ang kanilang
ekonomiya?
A. Batas ang kanilang pinapairal sa bawat gawaing pang-ekonomiya.
B. Disiplinado ang mga mamamayan ng mga bansang ito.
C. Ginagamit ang tradisyunal na pamamaraan para mapangalagaan ang kanilang bansa.
D. Wastong pangangalaga at paggamit sa mga pinagkukunang-yaman.
26. May mga bansang kapos sa likas na yaman ngunit maunlad ang pamumuhay ng mga mamamayan. Ano ang
maaaring dahilan ng kaunlaran nito?
A. Wastong pag-uugali ng mga taong nakatira sa bansa.
B. Wastong alokasyon ng mga likas na yaman ng bansa.
C. Paggamit ng angkop na teknolohiya para sa produksyon.
D. Wastong paggamit at pangangalaga ng limitadong yaman ng bansa.
27. Bakit kinakailangan ang wastong alokasyon ng mga yaman ng bansa?
A. Upang magamit ng wasto ang mga yaman ng bansa sa tamang dami at paraan
B. Upang matamo ang maximum efficiency ng mga yaman sa proseso ng produksyon
C. Upang maiwasan ang pagkasayang ng mga yaman ng bansa dahil sa maling alokasyon nito.
D. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
28. Paano nakatutulong ang mga sistemang pang-ekonomiya sa paglutas sa suliranin sa limitadong pinagkukunang
yaman ng isang bansa?
A. May pagkakataon na maging makapangyarihan ang isa sa mga nangangalaga ng ekonomiya ng bansa.
B. Makatutulong upang maipamahagi ang lahat ng likas na yaman sa lahat ng mamamayan ng bansa.
C. Maipatutupad ng wasto ang alokasyon sa mga pinagkukunang yaman nito.
D. Nagkakaroon ng organisadong pagpapatupad ng mga panuntunan kung paano maipapamahagi ng
maayos ang mga pangangailangan ng tao sa isang bansa.
29. Alin sa mga ahensiya ng pamahalaan ang tumutuligsa kapag may paglabag sa batas ng kalakalan, at iba’t ibang
madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal?
A. Department of Finance
B. Department of Trade and Industry
C. Department of Justice
D. Department of Education
30. Ang mga sumusunod na pahayag ay pinangangalagaan ang karapatan ng mga mamimili maliban sa ___________.
A. Karapatang bayaran at tumbasan ang natamong kapinsalaan
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang makipagtalastasan
D. Karapatang ibalik ang produkto kahit gamit na ito.
31. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging isang matalinong mamimili? Kapag siya ay…
A. Gumagamit ng credit card sa pamimili ng mga grocery items
B. Bumibili ng mga segunda manong damit at sapatos
C. Sumusunod sa badyet na inihanda bago mamili
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang hindi maubusan
32. Bawat mamili ay mayroong resposibilidad upang masiguro ang maayos na pagkonsumo ng lipunan. Alin sa mga
sumusunod na pangungusap ang hindi bahagi ng responsibilidad na ito?
A. Mapagmasid at alerto sa mga nangyayaring kapabayaan ng mga negosyante at pamahalaan.
B. Pagkakaroon ng sapat na edukasyon na makakatulong upang maging isang matalinong konsyumer.
C. Masiguro na maayos at kalidad ang proseso ng produksyon ng mga pabrika
D. Maipaglaban ang karapatan mo bilang konsyumer.
33. Bakit mahalagang alam mo ang mga pangangailangan mo bilang isang konsyumer?
A. Upang di maging balakid ito sa iyong badyet.
B. Upang mabilis kang makapamili ng mga produktong bibilhin mo.
C. Upang maging mapanuri sa mga produktong tatangkilikin.
D. Upang makaiwas sa siksikan at init habang namimili sa pamilihan.
34. Sa papaanong pamamaraan makatutulong ang mga salik na ito na tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng
isang mamimili?
A. Upang magkaroon ng limitasyon ang mamimili sa kanyang ikokonsumo araw-araw.
B. Upang maging mahusay sa pagpili ng kanyang bibilhing mga produkto.
C. Upang makaiwas sa pandaraya ng mga nagbibili ng produkto.
D. Upang mabili ng konsyumer ang mga nais niyang bilhin anumang panahon.
35. Bakit mahalagang malaman natin ang ating karapatan bilang isang mamimili?
A. Dahil ito ang ating magiging basehan kung tayo ay mareklamo o hindi.
B. Dahil ito ang nasa batas at dapat nating sundin.
C. Para magkaroon ng sapat na kaalaman sa pribilehiyo at maipagtanggol ang ating sarili sa mga
mapagsamantalang nagbebenta.
D. Para malaman natin ang ating limitasyon bilang isang mamimili.
II. Pagsunod sa mga Panuto. Ang susunod na bahagi ng pagsuuslit ay susukat sa iyong pagkamalikahin at pagkakaintindi
ng mga paksang tinalakay. Sundin ang mga panuto sa ibaba. (5 puntos bawat isa)
Rubric sa Pagpuntos 2 1 0
Paglalapat ng mga punto sa Nailapat ng wasto ang lahat May mga punto na hindi Hindi wastong nailapat
grap ng mga punto sa grap nailapat nang wasto lahat ang mga punto
Pagguhit ng linya Naiguhit nang wasto ang May bahagi ng linya na Hindi wastong naiguhit ang
linya ng PPF sa grap hindi wastong naiguhit kabuuan ng linya sag rap
Kalinisan ng gawa Malinis na nagawa ang grap Hindi malinis na nagawa
ng PPF ang grap ng PPF
Rubric sa Pagpuntos 2 1 0
Pagkasunod-sunod ng mga Tamang nailahad ang May isa o dalawang Hindi napagsunod-sunod
antas pagkasunod-sunod ng mga pagkakamali sa ang ang mga antas ng
antas ng pangangailangan pagkasunod-sunod ng mga pangangailangan ng wasto
antas ng pangangailangan
Pagsusuri sa Sarili Nasuri ang pansariling May 1 o dalawang antas na Hindi nasagutan ang
pangangailangan nang hindi nasuri o hindi karamihan ng mga antas
wasto nasagutan
Kalinisan ng gawa Malinis na nagawa ang Hindi malinis na nagawa
piramide ng ang piramide ng
pangangailangan pangangailangan
3. Nais mong ibalik ang depektibong telebisyon sa department store na iyong binilihan. Ngunit, mayroon itong “No
Return, No Exchange Policy”. Nais mong magreklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa isyu
na ito. Gumawa ng liham sa Kalihim ng DTI upang reklamo. Ang liham ay dapat na naglalaman ng reklamo at mga
karapatang hindi natugunan. Dapat na mayroong 3 talata, maayos na panimula at pagtatapos ng liham. Maglagay
rin ng nais mong gawain ng department store upang matigil ang polisiya na ito.
Rubric sa Pagpuntos 2 1 0
Nilalaman Wastong nailahad ang May isang elemento ang May dalawa o mas marami
pangyayari o sitwasyon, hindi nakabilang sa liham pang elemento ang hindi
reklamo, at karapatang na ginawa nakabilang sa liham na
nalabag ginawa
Format Nakikita ang mga May isang elemento ang May dalawa o mas marami
sumusunod na elemento ng hindi nakabilang sa liham pang elemento ang hindi
liham: petsa, sino ang na ginawa nakabilang sa liham na
tatanggap, katawan ng ginawa
liham, at kanino nagmula
Kalinisan ng gawa Malinis na naisulat ang Hindi malinis na naisulat
liham ang liham
Ora et Labora
/LBV