Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol na hindi maaaring
mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?

a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal

2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at
nangangailangan ng mapanuring pagaaral upang malutas.

a. Balita b. Isyu c. Kontrobersiya d. Opinyon

Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos
gumamit nito nang paulitulit at sa tuluy-tuloy na pagkakataon.

suriin kung pro-life o pro choice


a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; ito ay nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kaniya
ay pagpatay, na tuwirang nilalabag ang mga pamantayang moral at batas positibo.

b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina (halimbawa, hindi niya ginawa ang tamang pag-iingat upang
epektibong maiwasan ang hindi nilalayong pagbubuntis), dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito. Tungkulin niya na
iwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak.

c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan
para hindi ituloy ang pagbubuntis.

d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-
pakinabang sa lipunan o sa buong mundo.

e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil sa
paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang batang nabubuhay
ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay masama.

a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay
karaniwang nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga magulang na
suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at pinansiyal na aspekto.

b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahaybata
ng kaniyang ina. Hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng isang fetus dahil umaaasa pa rin ito sa katawan ng
kaniyang ina upang mabuhay. Ang unangprayoridad samakatuwid, ay ang katawan ng ina, at may karapatan siyang
magpasiya para rito. Ang katawan ng isang babae ay bahagi ng kaniyang sarili, at nararapat siyang maging malaya na gawin
kung ano sa palagay niya ang kinakailangan para sa kaniyang katawan at pangkalahatang kalusugan sa anumang sitwasyon.

c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan.
Ayon sa ilang pananaliksik, ang mga sanggol na ipinanganak bunga ng mga ganitong kaso ay nahaharap sa mataas na
panganib ng kapabayaan o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina.

d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin sa bahayampunan ang sanggol pagkatapos,
maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga bata.

e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. Mas mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang
ika-21 na linggo ng pagbubuntis ang nagresulta ng mga pangunahing komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon.
Habang itinuturing itong iligal, tiyak na maraming babae ang patuloy na sasailalim nang palihim sa ganitong proseso at
maglalagay sa kanilang kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa kamatayan.

You might also like