Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DETECTED : MAY TIGYAWAT NA NAMAN?

Naniniwala k aba na matatanggal rin iyong rin iyong maliliit na kulay pula sa mukha mo?

Parang burluloy na rin yan kasi ano ? Isang kayamanan na ayaw bumitaw. Lagi mo nang nakakasama, kahit saan ka man
pumunta. Yan na rin ang kaibigan mo, araw-araw pa man ding nasusubaybayan ang paghihirap at pagsasaya mo. Pero
minsan may hindi magandang naidudulot ito sa atin, sapagkat dahil sa tigyawat ay minsan na tayong nawawalan ng
kompiyena sa sarili. Kaya naman napipilitan talaga tayong maghanap ng produktong naayon sa atin.

Ayon sa isang research” Ang mga tigyawat ay lumitaw kapag tumitubuan ng mikrobyong tinatawag na
Propionibacterium Ace o P.Acne” Kaya naman habang tumatanda tayo ay mas lalong nagdedevelop ang ating katawan,
at nagkakaroon ng posibilidad ang mga ganung sitwasyon. Pagbabago sa iyong panlabas na anyo ay ang unang
nagkakaroon ng pagbabago.

Mas maganda ring malaman na natin sa umpisa pa lang na ang dahilan ng tigyawat ay ang pagtaas ng produksyon na
sebum na nagsasanhi ng pagiiba ng hormone level o pagka-stress natin. Nagsisimula ang ganitong sitwasyon kapag
pinagsama o napagsama ang mantika sa iyong mukha at ang mga patay na skin cell sa hair follicles natin. Ang mga pores
sa ating mukha ay puwedeng maharangan at magkaroon ng ipeksyon ng dahil sa bacteria. Meron naming iba na dahil sa
mga ginagamit sa mukha ay nagkakatigyawat. Kung ang nararamdaman mo na ang pangangati at pamumula ng iyong
mukha, dahil sa inilagay mong produkto ay itigil mo na.

Sa bagong statistics na inilabas “80% ng mga teenager sa Pilipinas ay mayroon nitong mga tigyawat o problema sa mukha
at minsan ay nadadala hanggang pagtanda.”
Kung tutuusin mayroon ring kinalaman ang ating genes dito, minsan ay wala narin tayong magagawa.
Pero wag rin tayong mawalan ng pagasa sa lahat ng bagay. May mga produktong mapagaalis pa sa ating mga tigyawat.
Kung may nadetect ka na naman , relax ka lang, wag mong pipisatin, dahil mas lalong dadami ito.

You might also like