PCP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Jessa C.

Figura BFE - II

2SFIL03 – FLA#3 Agosto 12, 2019

Panuto: 1. Bumuo ng usapan gamit ang siyokoy sa wika.

2. Bakit lalaki ang naging batayan ng kahulugan ng mga salita?


Sang-ayon ka ba rito? Ilahad ang iyong opinion.

Pag-uusap ng Magkakaibigan

Dyessa: Magandang araw, Maria! Ang seryoso mo naman kumilos, ayan


tuloy napagkakamalan kang maldita.

Maria: Wala akong pakialam sa mga kritisismo nila. Eh sa ganito na ako,


may magagawa ba sila? Hindi ko rin naman sila ginagalaw, wala
akong ginagawang mali sa kanila.

Dyessa: Kung sa bagay, ngunit sana nama’y matutunan mong ngumiti kahit
na malimit lang.

Maria: Ang konsernado ko talagang kaibigan! Oo na’t susubukan ko iyan.

Dyessa: Syempre, kabisado ko na lahat mong galaw. Hindi mo na ako


maaayawan.

Maria: Alam mo, gusto ko sana maging adbenturero. Ano sa tingin mo?

Dyessa: Pwede naman. Susubukan natin ‘yan, kaya’t unahin mo munang


ngumiti-ngiti para naman sa ating pakikipagsapalaran ay wala
kang makaaway.

Maria: Sobra ka naman! Basta, gusto ko lang maging eksperyensado sa


buhay. Susubukan ko talaga ang iba’t ibang bagay habang ako
ay may magagawa pa ngayon.

Dyessa: Walang problema diyan, isipin mo ang prayoridad mo sa buhay.

Maria: Ang pag-aaral ang naging prayoridad ko noon, alam ko naman


kung anong mga responsibilidad mayroon ako.
Dyessa: Ganyan ka naman kasi ka-obhektibo sa buhay mula pa noon, sa
lahat ng aspeto talaga.

Maria: Tularan mo ako dahil napakalaking bentahe kapag marunong tayo


sa wastong bagay.

Dyessa: Nag-eendorso ka na ha? Huwag kang mag-alala, gagayahin kita,


susunod ako sa iyong mga yapak.

Maria: Intrigero! Hindi naman sa ganyan.

Dyessa: Alam ko na ‘yan, darating kasi sa atin ang maraming mga


sirkumstansya kahit hindi natin inaasahan, kaya mas mabuti ng
handa.

Maria: ‘Yan! Salitang komprehensibo!

Dyessa: Natuto lang ako sa mga detalya na ibinahagi mo.

Maria: Tigilan na natin ito. Mabuti pa ay turuan mo na lang ako sa


pagtugtog, isa ka namang dakilang musikero eh.

Dyessa: Ikaw nama’y maraming alam sa dayalekto. Iba ka talaga, kaibigan


ko!

Ang mga salitang siyokoy sa wika na aking ginamit sa pagbuo ng usapan


ay binigyan ko ng diin. Narito ang sumusunod:

Siyokoy sa Wika Espanyol Ingles Filipino


1. seryoso Serio serious hindi nagbibiro
2. kritisismo Critica criticism pamumuna
3. konsernado inquieto,
concerned nababahala
pre-ocupado
4. kabisado memorizado memorized isinaulo
5. adbenturero abenturero,
aventurero adventurer taong
mapagsapalaran
6. eksperyensado experimentado experienced may karanasan
7. prayoridad priyoridad,
prioridad priority
prayority
8. responsibilidad pananagutan,
responsabilidad responsibility
tungkulin
9. obhektibo objectivo objective obhetibo
10. aspeto aspecto aspect aspekto
11. bentahe ventaja advantage lamang, bentaha
12. endorso endosar endorse magtagubilin
13. intrigero intrigante intriguer intrigante
14. sirkumstanya circunstancia circumstance pangyayari
15. komprehensibo comprensivo comprehensive masaklaw
16. detalya detalle detail detalye
17. musikero musico musician musiko
18. dayalekto dialecto dialect diyalekto

Bakit lalaki ang naging batayan ng kahulugan ng mga salita? Sang-ayon ka ba


rito? Ilahad ang iyong opinyon.

Sagana sa ating wika na may distinksyon ng mga paris ng leybel ayon sa


kasarian o jender. Ang ating natutunang pakikitungo ng ibang tao at ang
pakikitungo ng ibang tao sa atin ay naaapektuhan ng ating pagiging babae at
lalaki. Isang asampsyon lamang na ang lalaki ay ang batayan ng kahulugan.

Walang kasiguraduhan kung may mga pruweba ba na lalaki ang


gumagawa ng kahulugan, batayan ng kahulugan, may kapangyarihang
pababain ang istatus ng babae at nagdodomina sa lipunan. Ngunit sa mga
larangan sa ating lipunan, naipapahiwatig na lalaki ang batayan partikular na
sa pangalan na sinusunod sa pamilya, mga karaniwang humahawak ng mga
matataas na posisyon sa lipunan at may hawak ng ating wika sapagkat sila ang
nagbibigay ng leybel sa babae, humuhubog sa persepsyon at pag-unawa ng
babae.

Ako ay hindi lubos na sumasang-ayon sa nasabing asampsyon bagama’t


tanyag man sa iba’t ibang larangang panlipunan ang mga lalaki, hindi pa rin
maikakailang naging impluwensiya ito ng mga Espanyol sa kanilang
pananakop sa nagdaang maraming taon. Isa pa’y hindi natin maikakaila na
talagang patriyarkal ang ating lipunan na kinabibilangan. Ngunit sa panahon
ngayon ay hindi lang lalaki ang maaaring manguna dahil ang nagagawa nila
ay nagagawa na rin ng mga kababaihan. Sa paglipas ng panahon ay
nagbago na at naging pantay ang dalawang magkaibang kasarian. Lahat ay
nagbabago, kung kaya’t maaaring mga lalaki nga ang naging batayan ng
kahulugan ng mga salita noon ngunit may panibagong umusbong sa paglipas
ng panahon. Ganap na nagbago na mula noon, hanggang ngayon, at sa
darating pang mga taon.

You might also like