Produkto at Serbisyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Madali lang ang pagkakaiba nila: ang

produkto ay nahahawakan at nakikita,


nakakain o nagagamit, at
napapakinabangan. Samantalang ang serbisyo
ay hindi nahahawakan at nakakain, pero
nakikita at napapakinabangan ng mga
tao. Kaya bagaman magkaiba, pwedeng
magkaugnay ang dalawang ito. Sa paanong
paraan?

Bweno, ang lahat ng mga produkto ay


nagagawa dahil sa serbisyo. At ang serbisyong
ito ay kadalasang tao ang gumagawa pero
minsan ay malaki ang papel ng mga makina.
Sa madaling salita, nagkakaroon ng mga
produkto dahil sa mga serbisyo, at
nagkakaroon ng mga serbisyo dahil sa mga
produkto.
Maraming halimbawa ng mga produkto. Ang
mga produktong agrikultura tulad ng bigas,
tinapay, asukal, asin at marami pang iba ay
mga kilalang produkto na ginagamit sa araw-
araw. Tandaan, na marami pang halimbawa ng
mga produkto. Sa gamit lang sa katawan at sa
bahay ay napakarami na nito. Tandaan din na
ang lahat ng ito ay nabuo dahil sa mga
serbisyo ng tao. Pero hindi rin dapat kaligtaan
na ang serbisyo ay marami ring uri mula sa
personal na pangangailangan hanggang sa
pangmaramihang serbisyo.

You might also like