Mga Halimbawa NG Kodigo Ni Hammurabi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga halimbawa ng kodigo ni Hammurabi

1. Kung ang sinuman ay nagdala ng isang akusasyon ng krimen sa harap ng mga nakatatanda at
hindi niya ito napatunayan, siya ay papatayin kung ang inakusa niya ay isang kasalanang may
parusang kamatayan.

2. Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng isang templo o korte, siya ay papatayin. Ang
tumanggap ng ninakaw na bagay mula sa kanya ay papatayin rin.

3. Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas na pagnanakaw at nahuli, siya ay papatayin.

4. Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang ama, ang kanyang mga kamay ay puputulin.

5. kung binulag ng isang tao ang mata ng isa pang tao, ang kanyang mata ay bubulagin rin.

6. Kung ang isang tao ay bumungi sa isa, siya ay bubungiin rin.

7. Kung binali ng isang tao ang buto ng isa pang tao, ang kanyang buto ay babaliin rin.

8Kung sinaktan ng isang malayang tao ang katawan ng isa pang malayang tao, siya ay magbabayad
ng 10 shekel sa salapi.

9. Kung ang alipin ng isang malayang tao ay nanakit sa katawan ng isang malayang tao, ang
kanyang tenga ay puputulin.

10. Kung sinaktan ng isang tao ang katawan na mas mataas sa ranggo sa kanya, siya ay tatanggap
ng 60 paghampas sa publiko.

11. Kung sinaktan ng isang tao ang isang malayang babae na nalaglag ang kanyang hindi pa
naipanganak na anak, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa pagkawala ng anak.

12. Kung ang isang tagapagtayo ng bahay ay nagtayo ng bahay para sa isang tao at hindi ito
tamang itinayo at ang bahay ay bumagsak at napatay ang may ari nito, ang gumawa ng bahay ay
papatayin.

13.Kung ang sinuman ay nagnakaw ng baka o tupa o isang asno o isang baboy o isang kambing,
kung ito ay pag-aari ng isang Diyos o sa korte, ang magnanakaw ay magbabayad ng makatatlumpo
nito. Kung ito ay pag-arri ng isang malayang tao ng hari, siya ay magbabayad ng makasampu nito.
Kung ang magnanakaw ay walang maibayad, siya ay papatayin.

14. Kung ang isang kapatid na babae ng isang Diyos ay magbukas ng tindahan ng alak, ang
babaeng ito ay susunugin hanggang sa kamatayan.

15. Kung ang sinuman ay umupa ng isang baka at ito ay pinatay ng Diyos, ang taong umupa nito ay
manunumpa sa Diyos at ituturing na walang sala.

16. Kung ang sinuman ay nagturo ng daliri (manirang puri) sa kapatid na babae ng Diyos o asawang
babae ng sinuman at hindi ito mapatunayan, ang taong ito ay dadalhin sa harap ng mga hukom at
tatatakan ang kanyang kilay.
17. Kung inilaan ng isang ama ang isang alila ng templo o birhen ng templo sa Diyos at hindi siya
nagbigay ng regalo: kung ang ama ay namatay, tatanggapin ng babae ang ikatlo ng bahagi ng anak
mula sa pagmamana ng bahay ng kanyang ama at magtatamasa ng isang usuprukto habang siya ay
nabubuhay. Ang mga pag-aari ng babae ay kabilang sa kanyang mga kapatid na lalake.

18. Kung ang sinuman ay umupa ng baka at napatay ito sa pamamagitan ng masamang pagtrato o
pananakit, babayaran niya ang may ari, baka sa baka.

19. Kung ang sinuman ay nangasiwa sa isang lupain upang bungkalin ito at hindi siya nakapag-ani
dito, dapat patunayang wala siyang ginawang trabaho sa lupain at dapat siyang maghatid ng butil
gaya ng itinaas ng kanyang kapitbahay sa may ari ng lupain.

20. Kung ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae at bago lumipas ang isang buwan ay
nagkaroon ng sakit na benu, kanyang ibabalik ang alipin sa nagbenta at tatanggap ng perang
kanyang binayaran.

You might also like