Buwan NG Wika Emcee

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buwan Ng Wika 2019

Tema; WIKANG KATUTUBO TUNGO SA ISANG BANSANG PILPINO

Sa ating minamahal na Punong-guro, Binibining Anabelle Morcillas, mga kapwa ko guro, mga minamahal kong mga
magulang, sa mga mga-aaral at sa inyong lahat, isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat!

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang isda:


Ito ang tanyag na kataga na nagmula sa ating tanyag na pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal. Ang wika
ang nagsisilbing tulay na nagbubuklod sa mga Pilipino kaya tayo ngayon ay nagkakaisa at nagkakaunawaan. Higit sa
lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Kaya ang ―Buwan ng Wika‖ ang isa sa mga pagkakataon natin
upang ito’y payabungin at ipagmalaki.

Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika upang mabalik – tanaw ang
kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Luiz Quezon. Siya ang naging tulay
upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa pagtalaga ng isang pambansang wika ang Filipino.

Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan bilang pag-alala ng ating
Wikang Filipino na may temang: Wikang Katutubo; Tungo sa isang bansang Pilipino.

Sa pagsisimula ng ating patimpalak, maaring tumayo po tayong lahat upang makinig sa isang panalangin mula kay
Bb. ________________________.

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni
Bb. ______________________.

Ngayon naman ay makinig tayo sa isang Pambungan na Pananalita ng ating punong guro na si Bb. Anabelle
Morcillas
Maraming salamat, po Bb Anabelle

Sa puntong ito, makinig naman tayo sa isang pambungad na mensahe mula sa bise president na si
Gng_____________________________.
Maraming salamat po Gng.______________________

Handa naba kayong simulan ang ating programa?

Alam niyo ba na noon pa man ay mahilig na talagang sumayaw ang mga Pilipino?

Para handugan tayo ng isang katutubong sayaw, narito ang mga mag aaral ng kinder.

Ngayon naman, magpapasiklab ang mga mag aaral sa unang baiting sa kanilang pinaghandaang katutubong sayaw.

Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan

Panoorin naman natin ang pinaghandaang katutubong sayaw ng mga nasa ikalawang baiting.

Hindi naman magpapahuli ang ikatlong bilang para magpamalas ng kanila ring katutubong sayaw na
_________________ Narito ang mga mag aaral sa ikatlong baiting.
Ngayon naman ay muli nating tunghayang ang tula na gagawin ni Raeven Faja na nasa ikalawang baiting. Siya po
ang nanalo sa ating patimpalak na tula. Muli niyang ipapakita ang kanyang galling sa pagtula. Bigyan po natin siya
ng masigabong palakpakan.

Napakahusay talaga ni Raeven. Palaban na palaban!

Ngayong naman ay muli rin nating tunghayan ang mga nanalo sa ating patimpalak na sabayang pagbigkas ang mga
mag aaral na nasa ika anim na baiting. Palakpakan naman natin sila.

Sadyang napakahusay talaga nila diba mga bata.

Handa naba kayo na makita naman ang inihandang katutubong sayaw ng mga nasa ikaapat na baiting? Naku
mukhang handa na nga sila. Ngayon ay bigyan natin sila ng malakas na palakpak.

Ngayon naman ay ating panoorin ang inihandang katutubong sayaw ng mga nasa ika limang baiting. Ang pandanggo
sa ilaw. May dala dala silang maliit na baso na may kandila. Alam niyo ba na ang sayaw na ito ay inihahalintulad sa
mga alitaptap (firefly)
Bigayn naman natin sila ng masigabong palakpakan. Tunay ngang napakahusay nila hindi ba.

Panghuli na magpapakita ng kanilang husay sa pagsasayaw ay ang nasa ika anim na baiting. May dala silang bulo,
Mukhang pinaghadaan talaga nila ang pagsayaw nila ng tinikling. Nasasabik naba kayo na makita ang kanilang
gagawing pagsasayaw gamit ang dalawang bulo? Panoorin natin sila.

Maraming Salamat sa mga nagpakitang gilas at galing sa pagsasayaw.


Muli, Mahalin natin ang ating wika tulad ng tinuran ni Rizal. Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat hindi
lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahalat paggamit nito sa ating pang
araw araw na buhay, at loob at labas n gating tahanan. Dito nagwawakas ang ating paminid na palatuntunan.

Ako po ay si___________________.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Magandang tanghali sa lahat!

You might also like