Professional Documents
Culture Documents
Sept 2 - 6
Sept 2 - 6
I. LAYUNIN
Sa pamamagitan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan.
b. Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang napakinggan.
c. Nakapagbabahagi ng mga ideya na may kaugnayan sa aralin.
III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagkuha ng liban sa klase
c. Pagtutok sa kalinisan ng paligid
B. Balik Aral
Ano ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon?
C. Pagganyak
Pagpapakilala ng aralin at paghingi ng ideya.
Pagsagot ng mga mag-aaral sa mga gabay na tanong sa pamamagitan ng
pangkatang Gawain:
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang Sarsuwela?
2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan?
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela?
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag
D. Presentasyon ng Aralin
Talakayan ng aralin.
IV. EBALWASYON
Saguting ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-ano ang mga elemento ng sarsuwela?
2. Pano nakatutulong ang bawat element nito sa pagbuo ng sarsuwela?
3. Ano ang pagkakaiba ng sarsuwela sa balagatasan?
V. TAKDANG ARALIN
Basahin ang isang sarsuwelang isinulat ni G. Severino Reyes na “Walang Sugat”.
I. LAYUNIN
Sa pamamagitan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan.
b. Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto.
c. Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng:
Lantay
Pahambing
Pasukdol
III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagkuha ng liban sa klase
c. Pagtutok sa kalinisan ng paligid
B. Balik Aral
Pagbabalik aral sa pagtalakay sa sarsuwela
C. Pagganyak
D. Presentasyon ng Aralin
Pagtalakay sa sarsuwelang pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes.
IV. EBALWASYON
Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung
naunawaan mo ang nilalaman nito.
1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan?
2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap
ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle?
3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang
papel.
V. TAKDANG-ARALIN
Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ni Julia sa kababaihan
sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat.
I. LAYUNIN
Sa pamamagitan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Mabatid ang uri at kaantasan ng Pang-uri.
b. Magamit ng tama ang mga pang-uri sa pakikipagtalastasan.
c. Mabigyan ng kahalagahan ang Pang-uri.
III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagkuha ng liban sa klase
c. Pagtutok sa kalinisan ng paligid
B. Balik aral
Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo
maipakikita ang pagmamahal sa bayan?
C. Pagganyak
Magpapabasa ng mga pangungusap na may mga nakasalungguhit na salita.
Napakaganda ni Ma’am Lina sa suot niya.
Ang dami naman ng mga gulay na tanim mo.
Ang kulay ng capus shirt ng mga mag-aaral ay abuhin.
Mabaho ang pinuntahan naming palikuran.
Napakabait niyang anak.
Ano ang iyong nababanaag sa mga salitang may salungguhit?
D. Presentasyon ng aralin
. Pagtatalakay sa kaantasan ng pang-uri
IV. EBALWASYON
Isulat sa sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat
pangungusap. (lantay, pahambing o pasukdol).
V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang tula na patungkol sa iyong ina o ama, na may tatlong saknong at
gamitin ang kaantasan ng pang-uri.