Pagbasa 2019

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagdulog sa Pag-unawa sa mga teksto

1. Sikolohikal na Proseso Pagbasa


- Ang pagbasa ay isang proseso pangkaisipan ng pagbibigay-kahulugan sa mga nakasulat na teksto.
 Pagkatuto sa wika
 Pakikipagkomunikasyon
 Pagbabahaginan ng impormasyon at mga ideya

 Ibaba-pataas na proseso (Bottom-up)


- Pagdedekowd ng kahulugan mula sa nakasulat na teksto

Lingmgwistikong simbolo tulad ng:


Letra, Morfema, pantig, salita, parirala, pangungusap at diskursong pananda:
Bago makapagbigay-kahulugan sa teksto at matatagpuan ng mambabasa sa teksto mismo na nirerepresenta ng mga
nakasulat sa simbolo.

DATA DRIVEN – dahil nangangailangan ang mambabasa ng sopistikadong kaalaman tungkol sa wika.
GOODMAN (nasa Brown, 1994:284) – Ay isang laro ng panghuhula dahil kinakailangan ng mambabasa na maghaka ng
Kahulugan at magpasya kung ano dapat tandaan at di-tandaan, saykolinggwistikong
sa pagbasa.
- Ang proseso ito ng pagbasa ay tinatawag ding saykolinggwistikong laro ng
panghuhula.

 Teoryang Iskima (Schema Theory)


- nagbibigay emphasis sa mambabasa
- Ang kahulugan ng teksto ay nakasalalay sa nakaimbak na kaalaman o dati nang kaalaman ng mambasa.
- Ang nagbibigay-kahulugan sa teksto ay ang mambabasa
Conceptually driven – Wala sa teksto ang kahulugan. Umaasa ang mambabasa sa dati na niyang alam at karanasan
tungkol sa kanyang paligid na iniuugnay niya sa tekstong binabasa.

- nakafokus ang atensyon sa gamit ng wika bilang instrumentong komunikatibo mula ng umuunawa o mambabasa.

F.C. Barlett (nasa Rionda, 1988) – Iminungkahi ang konsepto ng teoryang iskima.
- Binibigyang-interpretasyon niya ang teksto sa pamamagitan ng sariling iskimata.
- Ang proseso ng pagbubuo ay gumagamit ng impormasyon mula sa nakaraang karanasan na kaugnay sa nagaganap
na diskurso.
- Ang fundamental ay nagbibigay lamang ang teksto ng mga direksyon para sa mambabasa kung paano niya
makukuha o mabubuo ang kahulugan batay datri na niyang mga kaalaman.
- Ang mambabasa ang humuhubog ng impormasyon sa teksto at tumitiyak kung paano naooragnisa ang kanyang
kaalaman.

2. Interaktibong proseso ng pagbasa


- Pinakasentro ng komunikasyon ay ang interaksyon ( Brown , 1994:159).
- Nakapaloob dito ang paghahatid at pagtanggap sa kahulugan.
- Gumagamit ang bawat tao ng wika sa iba’t-ibang konteksto upang makakuha ng ideya mula sa iba at makapagbigay ng
ideya sa iba.
- Pagbabasa mahalagang maunawaan ng bawat manbabasa na may interaksyon nagaganap sa pagitan ng
manunulat/teksto at ng mambabasa.
- Mahalaga sa interaktibong proseso ng pagbasa sang pagsasanib ng mga pagdulog ibaba-pataas o bottom-up o top-
down.
- Interaktibong pagdulog umaasa sa interaksyon nagaganap sa:
- Mambabasa
- Manunulat/teksto
- Iskima ng mga kalahok sa pagbasa (Mambabasa/Manunulat)

Hinango mula kay BROWN ang ilang mga Prinsipyo sa pagsasagawa ng mga paraan para s ainteraktibong pagbasa:
1. Maglaan ng sapat na panahon para sa ekstensibong pagbasa.
2. Tiyakin ang layunin kung bakit kailangang magbasa.
3. Magsagawa ng panimulang pagbasa bago tuluyang basahin ang teksto.
- Mahalagang maunawaan na dapat mapanatili ang pansariling layunin habang nagbabasa at hindi lamang sa
kadahilanang bahagi ito ng leksyon.
- Matapos magbasa, dapat matiyak ang layunin ng manunulat/teksto, maanalisa ang pangangatwiran sa teksto.
4. Makakatulong sa interaktibong pagbasa ng pag unawa sa binasa:
1. Nagsasagawa – Pisikal na tumtugon ang mambabasa
2. Namimili – Namimili ang mambabasa sa alternatibong mula sa teksto
3. Naglilipat – Pasalitang nabubuod ng mambabasa ang kanyang nabasa
4. Sumasagot – Sinasagot ng mambabasa ang mga katanungan tungkol sa mensahe
5. Pinaiksi – Nagbabalangkas o Nagtatala mula sa sipi ang mambabasa
6. Nagdurugtong – Pagtatapos o Kongklusyon ng mambabasa ang kwento
7. Nagsasagawa ng duplikasyon – Isinasalin ng mambabasa ang mensahe sa kanyang katutubong wika
8. Nakikipagusap – Nakikipagkomunikasyon ang mambabasa gamit ang angkop na pagproproseso ng impormasyon

3. Metakognitiv na Pagbasa
- Sa istratehiyang metakognitiv ang mambabasa ang siyang namamahala o kumokontrol sa proseso ng kanyang
pagbabasa. Ang prosesong metakognitiv ay kinapapalooban ng :
- Pag-ooraganisa
- Pag-eevalweyt ng natutunan ng mambabasa
- Pamamahala o Pagkokontrol ng mga emosyon
- Pagkatuto kasama ang iba

Chamot at O’Malley (1990)


-Ang Istratehiyang metakognitiv ay kinapapalooban ng mga prosesong namamahala o kumokontrol kung saan nagsasagawa
ang mambabasa ng pagplaplano, pagmomonitor at pag-eevalweyt ng kanyang pagkatuto.

Sa Pagplaplano batay sa pag-aaral ni Wenden (1982) – Ang mambabasa ay maaring magsagawa ng pagtatasa ng kanyang
mga pangangailangan at nagugustuhan; pumipili ng kung ano ang gustong matutuhan; pumipili ring ng estratehiya

Sa Pagmomonitor – maaaring magsagawa ng mambabasa ng pagtitiyak at pagwawasto ng pagkakaunawa sa nabasa,


paggawa ng desisyon.

Sa Pag-eevalweyt – Maaring rin namang magsagawa ang mambabasa at may kakayahang isagawa ang tungkulin tulad ng
naging bunga, ang kakayahan sa pag-unawa at paghusga sa istratehiyang ginamit.

Mga Tekstong At Rejister sa Iba’t Ibang Disiplina


Agham Panlipunan
Ang agham panlipunan ay malawak na grupo ng mga disiplina na binubuo ng sosyolohiya, antropolohiya, linggwistiks,
sikolohiya, kasaysayan, agham politikal, at ekonomiks.

Mga Uri at Anyo ng Teksto


Ang mga teksto ay maaaring nasa uring impormasyunal o ekspositori, malikhain o panliteratura at/o mapanghikayat o
kritikal. Ang mga uring ito at maaaring ilipat sa mga teksto sa iba't ibang disiplina maliban sa malikhain na maari lamang sa
disiplinang panghumanidades tulad ng sining, literatura, atbp.

You might also like