Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PETSA: Setyembre 13, 2018

IKATLONG ARAW: (LINANGIN – GRAMATIKA)


I. Layunin

1. Naihahambing ang kalagayan ng mga kababaihang Pilipina sa babaing Taiwanese.


2. Nailalahad ang kalagayan ng kababaihang Pilipino sa ating lipunan sa kasalukuyan.
3. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa nabasang
pahayag.
4. Nakasusulat ng angkop na pangatnig na gagamitin batay sa pahayag o pangungusap.

II. Nilalaman

Aralin 2.3
A. Panitikan : Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 taon Sanaysay – Taiwan
(Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina)

B. Gramatika / Retorika : Mga Pangatnig na Nag-uugnay ng Magkatimbang na


Yunit ( at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit)
at Di-Magkatimbang na Yunit ( kung, nang, bago, upang,
kapag o “pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung
gayon, sana)

C. Uri ng Teksto : Naglalahad


Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 122-125
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina 123-126
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources : www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : biswal, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. UGNAY TSEK
U- magang kay ganda sa inyong lahat!
G- alingan sa gagawin na pagtatalakay.
N- ais kong makinig ang lahat sa loob ng silid na ito.
A- yusin ang hanay ng inyong mga upuan at pulutin ang nakikitang mga kalat.
Y- akapin ang inyong katabi at bumati ng Magandang Umaga sayo kaibigan!

3. Pagtatala ng liban

A. Balik-aral sa nakaraang aralin


Ilahad ang kababaihan ng Taiwan Ngayon at Noong nakalipas na 50 taon?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Sa pamamagitan ng puzzle word hahanapin ng mga mag-aaral ang salitang nag-uugnay
o pangatnig. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat at pipili ng isang kinatawan
upang itala sa pisara ang mga nakitang salitang pangatnig. Bibigyan lamang ng tatlong
minuto para sa gawain na tatawaging “HANAPIN MO”.

A N G U N I T S K S

T H A Y P W A A U U

L J Y P A G K N N B

U J O V N K G A G A

K S N I J A A J R L

B A G O X P P S H I

A A Z L O A A Y A T

M L S A P G S A K A

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

1. Itala ang mga salitang inyong nahanap mula sa puzzle.


2. Pumili ng salita at gamitin ito sa pangungusap.
3. Sa inyong palagay, tungkol saan ang tatalakayin natin ngayong araw?

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Kasanayan # 1
( Sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mag-aaral ng isang paglalahad tungkol sa
kababaihang Pilipino.)
Gabay na Tanong;
1. Ano ang kalagayan ng kababaihang Piliipino sa ating lipunan sa kasalukuyan?
2. Paano mo ihahambing ang kalagayan ng Pilipina sa babaing Taiwanese?
3. Bumuo ng sariling pananaw kung ano dapat na maging katayuan ng kababaihan sa
lipunan.
Kasanayan # 2
( Pagtalakay ng guro sa Gramatika / Retorika na Pangatnig at dalawang panlahat na
pangkat ng mga pangatnig sa pamamagitan ng powerpoint presentation)
E. Paglinang sa kabihasnan
( Sa pamamagitan ng pagpapabasa ng isang talata na halaw sa “Edukasyon: Ang
Kinakailangang Utopia”.)
Magtala at Magsuri
Panuto: Basahin ang talataan at pagkatapos ay itala ang mga pangatnig na ginamit at suriin
kung magkatimbang o di-magkatimbang. Ilagay sa kasunod na tsart ang iyong sagot.

Pangatnig na Nag-uugnay ng Pangatnig na Nag-uugnay ng Di


Magkatimbang na yunit Magkatimbang na yunit

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ano ang kahalagahan ng pangatnig sa pagpapahayag ng opinyon at pananaw sa
pang-araw-araw na gawain?
G. Paglalahat ng Aralin
Ano ang pangatnig at magbigay ng halimbawa batay sa pangkat nito?
H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.

Ang mga kalalakihan (1) ( dahil sa, ni, gayon) ang mga kababaihan ay nagkaisa (2) (kaya,
upang, at) wakasan ang pang-aaliping ito. Nag-alab ang kanilang damdamin (3) (dahil, nang,
saka) ipakita ang pagsalungat. Mabihag (4) (kung, saka, o) malagutan man ng hininga, sama-
sama sila sa iisang tunguhin, ang pagtatamo ng kalayaan. Bilang mamamayan ng bayan
sumuporta tayo (5) (at, nang, gayon) makiisa sa iisang layunin ng bayan.

I. Takdang-aralin

1. Maghanda sa mahabang pagsusulit tungkol sa pabula at sa kababaihan ng Taiwanese


noon at ngayong nakaraang 50 taon.
2. Magsaliksik tungkol sa bansang China.

You might also like