Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano nga ba ang dahilan bakit ngayon tayo’y nagkakaunawaan.

Dahil ba sa
ating kakayahan? O sa wikang nagmula mismo sa ating bayan?

Filipino,ano nga ba ito? Dekorasyon? Pagkain? Aksesorya?


Maaaring ito ang na isip mo, ngunit nagkakamali ka!dahil ito ang pagkakakilanlan
ng ating pagkatao.

Sa araw-araw ito’y ginagamit,sa ating bibig laging sinasambit. Ngunit minsan


na bang sumagi sa inyong isip bakit ito ang wikang gamit mo? Marahil hindi
mo na ito binibigyang-pansin dahil pagmulat mo sa mundong ito, wikang
Filipino na ang nakamulatan mo. Ito’y wikang katutubo na nakamulatan mo,
nakatatak na sa dila mo’t pagkatao, ito’y wika ng iyong sinuso sa nanay mo.

Sabi nga ng tema ng buwan ng wika ngayong taon, “ WIKANG KATUTUBO


TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO. Ang sarap pakinggan di ba? Tila pinitas
na bunga, ang wika nating pinagmulan ,hitik sa kaalaman, punong puno ng
karunungan. Parang gayumang nagpapaibig sa mga tulad nating Pilipino.

Ngunit hitik nga ba ang ating kaalaman sa wikang nakagisnan? Maalam ba


ang iyong kaalaman upang masabing isang bansang maka-Pilipino? Nga ba?
Ewan ko lang, maski ako man na nagsasalita sa inyong harapan parang di ko
ramdam. Kung siguro halimbawa’y nasa harap tayo ng korte at nililitis ang
dunong ko pagdating sa maalam na pagkilala ko sa ating wikang katutubo,
ang Ilokano, ang masasambit ko sa Hukom, I AM GUILTY, DI KO KNOWS, ITO
NA PO ANG GAROTE, BITAYIN NIYO NA AKO.
Kaya, ang wikang dapat pagyamanin ang wikang kinagisnan natin. Filipino na
dapat pahalagahan at gamitin. Sapagkat ito ang ating tulay patungo sa isang
bansang Filipino.

Sapagkat ang wikang katutubo’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang
araw araw na pakikipag ugnayan at pakikipag usap sa lahat ng mga Pilipino
dahil hindi lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto sa Pilipinas kundi ito’y
panlahat. Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod
na henerasyon. Ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat
natin itakwil, bagkus ating itong tanggapin ng buong puso sapagkat parti ito
ng ating nakaraan—na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya ng
Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiniram natin sa mga bansang ito
ay dapat nating ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang
pamana ng mga bansang sumakop sa atin noong una.

Hindi rin natin dapat itakwil ang mga salitang ipinamana ng iba pang mga
dayuhan na nag ambag upang mapayaman ang wikang Filipino gaya na
lamang ng mga tsino na kung saan hindi man nila sinakop ang Pilipinas ay
nakipag ugnayan naman ito ng kanilang mga produkto at kagamitan bago
paman dumating angt mga mananakop sa atin. Ipagmalaki natin an gating
ugnayan sa kanila lalunglalo na ang kanilang mga ipinamanang wika.

Kaya mga kababayan kong Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika.
Ipagmalaki, pagyamanin, at gamitin natin ito kagaya ng ginawa n gating
pambansang bayani na si Rizal na kahit marami na siyang alam na wika’y taas
noo parin niyang ginamit ang ating wikang Filipino sa kanyang mga obra kahit
saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang pagsalin ng
mga obra ng dayuhang manunulat sa ating wika.

Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo


ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-
iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wikang Katutubo
Tungo sa Bansang Filipino.

Maraming Salamat! Nawa’y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging


tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

You might also like