PANINGIN by Hazelyn R. Feliciano (Malikhaing Pagsulat)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANINGIN

 Tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha.

Nakikilala rito ang mga sumusunod:

a. Paglikha ng nagsasalaysay

b. Ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay

c. Ang taong pinagsasalaysayan nito

d. Ang relasyon ng pagsasalaysay at ang pangyayaring isinasalaysay

e. Kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay

MGA URI NG PANINGIN

• UNANG PANAUHAN

o Paninging panarili

• IKALAWANG PANAUHAN

• IKATLONG PANAUHAN

o Tinakdaang Obhetibong Paningin

o Obhektibong Paningin

o Lagumang Paningin
UNANG PANAUHAN

 Ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa

pamamagitan ng unang panauhang “ako”

Paninging Panarili - isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan

o “stream of consciousness”.

 Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at

damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang.

IKALAWANG PANAUHAN

 Sa paninging ito, mistulang kausap ng manunulat ang tauhan na pinagagalaw niya sa

kwento. Ginagamit dito ang panghalip na “ikaw o ka”

IKATLONG PANAUHAN

 Gumagamit ng ikatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa

kwento.

 Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang

itago.

TINAKDAANG OBHEKTIBONG PANINGIN

 Ang pananaw ay limitado sa isa lamang na tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing

tauhan o di kaya’y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.


OBHEKTIBONG PANINGIN o PANINGING PALAYON

 Ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito

ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng

tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag.

LAGUMANG PANINGIN

 Magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento.

 Sa pamamagitan ng paningin na ito, malawak ang Kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay,

bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa

pangunahing tauhan.

Mga Halimbawa:

(Ikatlong Panauhan)

Namimitak na ang bukang-liwayway. Hindi pa nahahawi ang makapal na dagim

na nakatalukbong sa paligid. Malagablab ang ginantsilyong apoy ng siga sa harap ng dap-ayan.

Hindi pa nakatilaok nang tatlong ulit ang mga labuyo nang madaling-araw na iyon ngunit gising

nang lahat ang halos ng mga taga-Baugen. Matatandang lalaki. Matatandang babae. Mga bata.

Ang kabataan. Para silang mga guyam na sunod-sunod na nagtungo sa dap-ayan.

mula sa“Alsado” ni Reynaldo A. Duque

(Unang Panauhan)

Sumisilip pa lamang ang araw nang kami’y lumusong sa landas na patungo sa

tubigan ni Ka Teryo. Nakasabay naming si Ka Teryo. Nakasabay namin si Ka Albina, na kasama


ang dalaga niyang si Nati at ang kaniyang pamangking si Pilang. Ang tatlo’y may sunong na

mga matong ng kasangkapan at pagkain.

mula sa “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda

(Obhektibong Paningin)

Pinulot ni Victor ang naligaw na dahoon ng nara na nilipad sa pasamano ng

bintana, at hindi niya naunawaan kung bakit dahan-dahan niya itong inilagay sa lukong ng

malambot na palad.

mula sa “Ang Nara, ang Bagyo at ang Alala” ni A. Sanchez Encarnacion

Inihanda ni: Hazelyn R. Feliciano

MAEd-Filipino

You might also like