Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Batay sa kwentong nabasa, ano ang pinakahihintay na araw ng mga bata sa


magkakasunod na pag-ulan?
a. ang mga bata ay maglalaro habang umuulan
b. ang mga bata ay magtatampisaw sa ulan at magkakatuwaan
c. sila ay liligo ng sabay sabay habang umuulan
2. Ano ang nais iparating ng may akda sa kanyang nabanggit na sa tuwing nakakakita
siya ng bangkang papel ay nagugunita niya ang isang batang lalaki?
a. dahil may isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang
papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman.
b. dahil my isang batang lalaki na hindi kailanman nakaranas ng paglalaro
habang umuulan
c. dahil may isang batang lalaki na gustong makapiling ang mga magulang
3. Paano inilarawan sa akda ang naramdaman ng batang lalaki nang siya ay biglang
nagising sa gabi?
a. dahil ang batang lalaki ay nanaginip ng masamang pangyayari sa kanyang
buhay
b. dahil ang batang lalaki ay nabigla sa mga taong sumisigaw sa kanilang
lugar
c. dahil ang batang lalaki ay nakarinig ng malakas na dagundong na
nakakagulat
4. Paano kinumbinse ng ina ang batang lalaki sa paghahanap sa kanyang ama?
a. maglalaro sila ng kanyang mga kababata sa lansangan
b. magpapalutang siya ng bangkang papel habang umuulan
c. tutungo sila sa magagandang tanawin sa kanilang lugar
5. Bakit hindi natuloy ang pagpapalutang ng mga bangkang papel sa kanyang
paggising?
a. dahil hindi umuulan ng araw na iyon
b. dahil umalis ang kanyang magulang kasama ang kanyang kapatid
c. dahil nakita niya ang kanyang ina na nakalugmok sa isang sulok habang
hinahaplos haplos ang ulo ng kanyang kapatid
6. Ilan ang bilang ng mga taong namatay sa pagitan ng sagupaan ng mga kawal at
taong-bayan?
a. labing lima
b. labing dalawa
c. labing apat
7. Bakit walang sumasagot sa mga katanungan ng batang lalaki sa mga bagay na
nangyayari sa kanyang paligid?
a. dahil hindi niya maaaring alamin ang mga nangyari
b. dahil tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya ay hindi pa siya handa at
hindi pa niya ito mauunawaan
c. dahil walang pakialam ang mga tao sa kanya
8. Anong isyu ang tumatalakay sa kwentong nabasa?
a. pagkamatay ng ama ng batang lalaki sa kwento
b. ang pagkawasak ng pamilya dahil sa sagupaan
c. pagkawala ng pag-asa ng taong-bayan sa mga sagupaan
9. Alin sa mga sumusunod ang sumisimbolo sa bangkang papel sa kwento?
a. sa pangarap ng bata
b. sa pag-asa ng bawat taong bayan sa kanilang lugar
c. sa malayang paglalaro ng isang bata
10. Anong aral ang mahihinuha sa akda?
a. maging mapagmahal sa pamilya
b. maging mabuti sa kapwa sa lahat ng pagkakataon
c. maging matatag at puno ng pag-asa

You might also like