Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Kabataan”

Sa buhay ng mga kabataang Pilipino maraming bagay na kinagisnan nila


At nagbigay saya, sa bawat mukha nila
Nagmistulang masasaya at makukulay sa buhay ng bawat isa.
Yung tipong ang mga ngiti nila’y pinapawi ang problema.

Ang mga mukha ay walang bakas ng lungkot na mamamasdan.


Na kahit ikaw mismo ngingiti ang mga labi kapag sila’y masilayan.
Ika nga ni Gat. Jose Rizal “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”.
O hindi ba! kay gandang pakinggan, ng kasabihang iyan.

Pero bakit, bakit nang lumipas ang mga taon at henerasyon.


Ang mga kabataan ay nag-iba na ngayon
Kung sila ang nagbibigay saya noon
Sila na ang nagdudulot ng problemang hinaharap ngayon.

Hindi ko lubos maunawaan kung bakit kabataan ay nag-iba.


Hindi ko alam kung ang problema ba ay na sa bayan o na sa kanila.
Ito ba ay dahil sa mga makabagong teknolohiya o impluwensya ng mga banyaga.
Kasi minsan ang sariling atin ay nawawala na at ang hindi sa atin ang mas tinututukan
pa.

Ngunit isa lang ang alam ko, Na kahit nangyayari ang lahat ng isyong ito.
Sa kabila ng mga negatibong naririnig ko
May patutunguhan rin ang lahat ng ito.
Dahil balang araw, ikaw, ako, tayong mga kabataan ang magiging dahilan ng pag-angat
ng bayang ito.

Lintuan, Catherine A.
BSED 1 – Social Studies

You might also like