Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

EDUARDO C. FLORES JR.

BPED 2-B TTh 1:30-3:00

Buod ng Nobelang: ‘Sampagitang Walang Bango’


by Iñigo Ed. Regalado

Noong 17, 1917, araw ng Sabado, sa palasyo ng Malacanang ay nagkaroon ng


isang Malaking pagdiriwang bilang pagtanggap sa bumubuo ng lehislatura. Ito ay
dinaluhan ng mga panauhin mula sa matataas na antas ng lipunan. Kabilang sa mga
panauhing pinakatampok sa kagandahan sa gabing iyon si Nenita. Kasama niya ang
kanyang asawa na isang mayaman at tanyag na mangangalakal, si Mang Bandino.
Habang siya’y tahimik, nagpatuloy sa pag-aaliw ang kanyang kabiyak na tuwang-
tuwa sa pakikipagsayaw sa iba’t ibang babae. Niyaya siya ni Pakitong sumayaw at ito’y
kaniyang pinaunlakan. Si Pakito ay ang binatang abogado na dating kasintahan ni
Nenita na magpahanggang ngayon ay taos-puso pa ring umiibig sa kanya. Dahil sa
kapaguran sa pagsasayaw, nagpasya ang dalawa na magpahinga nang sila ay
makapag-usap. Sa kanilang salitaan, may mga tinuran si Nenita na nakatawag ng loob
ni Pakito. Mukhang may dinaramdam ang kanyang sinta sa asawa nito. Muli silang
sumayaw at ipinagpatuloy ang kanilang salitaan. Nanariwa ang pag-ibig na napaham ng
panahon sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ng isang tugtog ay nagpasya ang
dalawa na tumigil na ngunit nangakong ang muli nilang pagkikita ay hindi nagtatapos
sa piging na iyon at nagkasundong magkikita sa darating na Sabado. Sa pagsapit ng
madaling-araw, nagpaalam na ang mga panauhin, ang mag-asawang Deala gayundin si
Pakito na nagkasabay sa kanilang pag-alis. Araw ng Linggo, nagising si Nenita na wala
ang kanyang asawa sa kanyang tabi. Gayunpama’y batid na niya na sa abala na
naman ito sa pag-aaliw. Habang nasa harap ng salamin, nakikita niya ang sarili na hindi
pa rin kumukupas ang kanyang kagandahan na lubos na kinahuhumalingan ng mara-
ming lalaki lalo na ng siya ay dalaga pa lamang. Wala na siyang ibang dinidili kung hindi
si Pakito. Sa muli nilang pagkikita ni Pakito, hindi na niya pinagpapansin ang pag-aaliw
ng asawa. Muling binalikan ni Nenita ang matamis nilang simula ni Pakito at ang
pagdating ng araw ng hapis sa kanilang pag-ibig na naging dahilan ng kanilang
hiwalayan. Hanggang sa pinag-aaralan niyang limutin si Pakito at nakilala si Bandino na
naging kanyang kabiyak. Nang malaon, ay nalaman ni Pakito ang kanyang pagpa-
pakasal at ito’y lubos na nanibugho sa pag-aakalang iniwan siya ni Nenita dahil sa
kaniyang pagiging maralita. Sa kalauna’y nalaman ni Nenita na mali ang kanyang hinala
kay Pakito na may ugnayan ito kay Liling. Magkagayunpama’y naisip niyang kanya ng
muli si Pakito. Tinawagan niya ito at sinabing tuloy ang kanilang pagkikita sa araw ng
Sabado. Samantala, nahihiwagaan naman si Pakito kung ano ang sasabihin sa kaniya ni
Nenita. Naisip niyang itigil na ang muling pakikipag-ugnayan sa dating katipan ngunit
naramdaman niyang muli ang pagtibok ng kaniyang puso para sa babaeng may asawa
na. Nagtungo si Pakito sa klub kung saan ngkakaingay ang kaniyang mga kasama.
Ang klub ay itinayo ng mga maykaya at titulo sa lipunan na kung saan ito ay
may sari-sariling libangan. Kasama ang matalik na Peralta at Collantes, pinag-usapan
nila ang tungkol sa pag-iibigan ng may-asawang lalaki. Sinabi ni Peralta na ito ay imoral
at labag sa batas ng lipunan. Samantalang ayon naman kay Peralta, ang hindi
pagtanggap sa babaeng nag-aalay ng ligaya bagaman ito ay may asawa na ay
karuwagan at insulto sa pagkalalaki. Matapos ang makakatuwirang palitan ng mga
pahayag, nagkabiruan ang magkakaibigan maliban kay Pakito na naiwang tahimik na
iniisip ang mga narinig sa salitaan. Isang umaga, napadaan sa tapat ng bahay ng mga
Deala si Don Diego. Inanyayahan siya ng mag-asawang Deala sa kanilang tahanan at
nagalak ang matanda sapagkat nakita niyang magkasama ang mag-asawa. Hindi lingid
sa kaalaman ni Don Diego ang pag-aaliw at pagtataksil ni Mang Bandino, kaya nama’y
lubos siyang naawa sa asawa nito na lagi niyang nakikitang malungkot.
Samantala,isang araw ay nagtungo si Man Bandino sa tahanan ni Don Diego.
Ikinuwento niya rito ang kanyang mga kara-nasan sa pang-aaliw at katulad ng dati,
nagkukuro ang matanda tungkol sa kaniyang mga maling gawain. Sinabi nito na kung si
Nenita ang nagkaroon ng ibang lalaki, marahil ay hindi rin niya ito matatanggap.
Naisip ni Mang Bandino na hindi niya iyon matatanggap at baka makapatay pa siya.
Ngunit hindi siya nag-aalala sapagkat uliran at mabait ang kaniyang asawa.
Kinaumagahan ay ipinagmalaki pa ni Mang Bandino ang kanyang tagumpay na
mapasagot ang isang babaeng matagal na niyang kina-huhumalingan. Walang nasabi
ang matanda at awang-awa kay Nenita. Araw na ng Sabado, sa paligid ng Luneta ay
maraming magagarang babae at sasakyan ng mga kalalakihan. Ang lugar na ito ay
naging aliwan na ng mga tinatawag na hari. Dito rin magtatagpo sina Nenita at Pakito.
Sa kanilang pagtitipan ay namayani ang simbuyo ng pag-ibig. Muling nanariwa kay
Pakito ang kanilang matamis na yaman ng kahapon ngunit ipinaalaala ni Nenita ang
kanilang kalagayan. Gayunpaman ipinilit pa rin ni Pakito na ibalik ang dati nilang pag-
ibig na madali namang sinang-ayunan ni Nenita. Napagdesisyunan ng
dalawa na mananatiling isang lihim ang kanilang pagtatalik habang buhay. Ito ang
gabi ng pagsisimula ng kanilang pagtataksil. Samantala, nag-iisip ng malalim si Don
Diego tungkol sa babaeng kaibayo niya sa tabing-dagat na malapit sa may Luneta
kasama ang abogadong Herbosa. Natanto niya na iyo’y walang iba kung hindi si Nenita,
ang asawa ng matalik niyang kaibigang Bandino. Nangilabot siya sa maaaring sapitin ni
Nenita kapag nalaman ni Mang Bandino ang kaniyang pagtataksil. Naisip niyang ito ay
paraan marahil ni Nenita upang makilala ng asawa ang ginagawa nitong kasalanan.
Ngunit nanghihinayang siya sapagkat ang inakala niyang sampaguitang pinakatampok
ay isang papuri kay Liling. Isinayaw niya ang dalaga na ikinainis lalo ni Nenita. Nang
sila’y pauwi na, sinabi ni Nenita kay Pakito na siya’y ihatid na may kagaspangan sa
pagsasalita, dahilan para mapansin ito ni Peralta. Dahil sa inasal ni Nenita nabatid ni
Peralta ang lihim nila Pakito. Dahil hindi nakapag-usap sina pakito at liling sa piging ni
Collantes, nagtungo siya sa tahanan ng dalaga.
Sa kanilang pag-uusap ay tinuran ng dalaga ang pagbabago sa pakikitungo sa
kaniya ng katipan na naging dahilan ng pagkakaroon ng mga agam-agam at pag-
aalinlangan sa katapatan nito. Upang mapawi ang mga pag-aaalinlangan ng dalaga,
hinamon siya ni Pakito na magpakasal silang dalawa. Ikinabigla naman ito ni Liling.
Nagdalawang-isip siya at nagpasiyang huwag tanggapin ang hinihiling ng katipan
sapagkat ayaw niyang magkaroon ng maling desisyon na pagsisisihan niya sa huli.
Lubos itong ikinalungkot ni Pakito at nagpaalam ito na wasak ang puso. Ngunit ang
pagtanggi ni Liling ay paraan lamang niya upang subukin at sukatin ang lalim ng pag-
ibig sa kanya ng binata. Dahil sa lumbay na nararamdaman ni Pakito, nagtungo siya sa
Luneta at nadatnan niya si Nenita at ang anak nito. Matapos, libangin ng alilang si
Salud ang anak ni Nenita, nag-usap sina Nenita at Pakito. Inusisa si Pakito ni Nenita
kung bakit galit na galit ito sa kaniya nang hindi niya ito sundin na huwag magtungo sa
piging. Hindi siya tinugon ni Pakito hanggang sa nagbadya nag pagbuhos ng ulan. Nang
wala ng mga tao sa paligid, hinila ni Pakito si Nenita patungo sa kaniyang oto hanggang
tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Samantala, nagtungo ang magkaibigang
EDUARDO C. FLORES JR. BPED 2-B TTh 1:30-3:00

Mang Bandino at Lijuicom sa Silver Pollar. Doon sila ay nag-inuman at buong


pagmamalaking ikinuwento ni Mang Bandino ang kaniyang tagumpay sa pagsulot
sa lahat ng babaeng may asawa na ay nahuhumaling pa sa kaniya. Pagkatapos
niyon ay nagtungo sila sa bahay-sayawan sa San Juan kung saan naroon rin ang ilang
kaibigan ni Pakito tulad ni Peralta. Habang nagsasayaw ang magkaibigang lasing na sa
alak, Mang Bandino isinigaw niya ang buong pangalan ni Nenita na Ana Maria
Del Prado. Naramdaman ni Nenita na tunay na nagagalit ang kaniyang asawa. Sinabi
sa kaniya ni Mang Bandino ang lahat ng kaniyang nasaksihan. Nagulantang naman si
Nenita sa pagkakabunyag ng kanilang lihim ni Pakito. Naisip ni Mang Bandino na
maaaring ito ay kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa asawa niya.
Naranasan na rin niya kung paano pagsukaban ng asawa. Nagtungo siya sa bahay ni
Don Diego upang ihinga ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sa paglalahad niya sa
matanda. Pinayuhan siya nito na walang magagawang mabuti ang paghihiganti
sapagkat ito ay maaaring lalo pang ikalugmok niya sa kahihiyan at kapahamakan.
Kumalat na ang balita tungkol sa pagtataksil ni Nenita. Marami ang nasuklam sa kaniya
at naawa sa kaniyang asawa. Samantalang tagumpay naman ito ni Pakito para sa
kanyang mga kasamahan sa klub. Ngunit hindi ito naging lingid sa kaalaman ni Liling.
Sinulatan niya si Pakito at sinabing tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Dahil dito,
nanlumo si Pakito at sinisi si Nenita.Naging malungkot ang bahay ng mga Deala at ilang
araw na ring di lumalabas si Mang Bandino. Lubha siyang nanibugho sa galit kay Nenita
kaya’t pinasunog niya ang lahat ng larawan nito. Naisip niyang maghiganti ngunit ito’y
hindi makabubuti. Naisip din niyang magpakamatay ngunit magiging kaawa-awa
lamang ang kaniyang anak. Kinaumagahan ay nagpahanda siya ng masarap na almusal
at nanaog sa likod-bahay. Nakita siya ni Nenita at inutusan ang anak na lapitan ito.
Samantala, binunot ni Mang Bandino ang kaniyang baril at tinangkang paputukin nang
biglang tawagin siya ng kaniyang anak at sa lupa niya ito ipinutok.
Mag-iisang buwan na ng naging ulila sa asawa’t anak si Nenita. Mula ng
nagpaputok ng rebolber si Mang Bandino, nilisan na nito ang kanilang tahanan kasama
ang kanilang anak at kailanman ay din a bumalik. Lubos siyang nalungkot at
nagdadalamhati. Natanto na ito marahil ang parusang dulot ng kaniyang pagtataksil.
Ang pagkawalay sa ank ang pinakamabigat na parusa. Huli na rin para sa kaniya ang
pagsisisi sapagkat wala na ang kaniyang puri at dangal. Naisip niyang kitilin ang sariling
buhay ngunit pinipigil siya ng pagmamahal sa anak. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa
pagkakalihis ng kaniyang landas.Nagkatipon muli sa klub sa Pasay ang mga kasamahan
ni Pakito. Doo’y pinag-usapan nila ang pagtataksil ni Nenita sa asawa, sa pagdating ni
Peralta, isinalaysay niya ang lahat ng nalalaman tungkol kay Pakito at Nenita. Sa huli,
sinisi nilang lahat si Nenita sa pagkakalugmok ng asawa nito sa kahihiyan, sa pag-alis ni
Pakito sa Maynila patungo sa malayong probinsya, pagkakasakit ni Liling at ang
pagkaudlot ng kasal nina Pakito at Liling.
Sa pagwawakas, naiwan si Nenitang lugmok sa kahihiyan at kalungkutan.
Mistulang baliw na ang dating pinakatampok na babae sa Maynila dahil sa
pagdadalamhati sa pagkakalayo sa anak. Si Pakito, naninibugho ang puso sa muling
pagkabigo sa pag-ibig dahil sa tukso ng dating katipan. Nilisan niya ang Maynila upang
magsimula ng bagong buhay. Si Mang Bandino naman ay tuluyan ng nilisan ang
Maynila kasama ang kaniyang bugtong na anak na nangungulila sa pagkalinga ng ina.

You might also like