Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

“Di Mo Masilip Ang Langit” ni Ramaden

(Benjamin Pascual).
Nagsimula ang kwento sa pag-uusap ng dalawang preso. Nagdala raw ang waswas/asawa ng isang preso ng isang
kaha ng yosi. Hanggang sa napag-usapan ang hindi pagsusuot ng relo na kailangang hulaan ang oras dahil aarborin
lang ng mga trasti. Hanggang sa umabot ang pag-uusap sa kaso nila. Ang kaso ng unang tauhan ay Arson, dahil sa
pagsunog ng isang ospital o ang pagtangkang pagsunog, dahil na rin sa hindi nasunog ang lahat. Naging mahirap sa
kanya ang nagawang pagsunog dahil isa siya sa gumawa noon. Kung hindi raw dahil sa kanya, hindi iyon matatapos
dahil isa siya sa mga tagahalo ng semento. At isinalaysay niya kung bakit niya ito sinunog sa mga ilang dahilan. Sila ay
mahirap lamang. Ang bahay nila ay maliit na kubo o barungbarong sa subdibisyon ng Quezon City at pinsan ng asawa
niya ang may ari ng bakanteng lote.
Kaya‟t naging legal na rin ang kanilang pagtira. Ang kanyang wa
swas noon ay nagbubuntis at sila ay nagplano na, kung ito ay manganganak sa ospital na ginawa niya ito ipapaanak
sapagkat doon ay may pri ward, gamot at pagkain lamang ang babayaran at magbibigay lamang ng konting donasyon.
Gustong-gusto ng kanyang asawa ang
kanyang pagbubuntis kaya‟t ganoon na lamang ang kanyang kagustuhan na makaanak
ito ng maayos at dahil na rin sa ito ang kanilang kauna-unahang anak. Noong dumating ang Nobyembre at
kapanganakan na ng kanyang asawa nakaipon siya ng sandaang piso sa pagkakantero. Ito ay inilaan niya gaya ng
pagbayad sa taksi kung dadalhin sa ospital si Luding, ang kanyang asawa o bayad sa ospital. Nang hindi inaasahan,
nagdamdam ang kanyang asawa at siya ay isang oras ng wala sa bahay nila dahil na rin sa siya ay nagtrabaho. Gaya
ng napag-usapan ang kanyang asawa ay lalakad hanggang kanto at doon maghihintay ng taksi o dyip. Sa paglalakad
ng kanyang asawa biglang humilab ito, dahilan ng kanyang hindi paglakad. Napilitan ito na lumapit sa malaking bahay
na isang taga-BIR. Kumatok siya ng kumatok at ang maybahay ang lumabas. Nag makaawa ito na ihatid siya sa ospital
at sinabi lamang ng maybahay na ang kanyang asawa ay kumakain pa. Buti na lamang at lumabas ang mister ng
maybahay. Naawa ito at inihatid sa ospital. Nang nakara
ting na sila sa ospital, noong una‟y lumabas ang nars at attendant
ng ospital sa pag-aakalang asawa ito ng taga-BIR. Nang umalis na ang taga-BIR ay umalis na rin ang mga nars. May
naiwang isang nars at sinabihang mag-intay muna ito. Biente minutos na ang nakaraan at hindi pa rin bumabalik ang
nars. Kaya doon na ito nakapanganak. Pinagkaguluhan siya ng mga nars at doctor at isinugod sa emerdiyensi rum.
Ngunit, huli na. Patay na ang bata dahil sa pagkabagsak ng ulo sa semento.

Bumalik ang unang tauhan sa ospital para kunin ang patay na bata upang iburol sa kanilang bahay. Pagkaraan ng
isang araw, bumalik ito upang ilabas ang kanyang asawa. Sinabihan siya ng nars na pumunta muna ito sa kahero,
ipinabayaran siya ng dos siyentos biente para sa gamot at pagkain
. Laking galit niya at napasigaw ng “Bakit naging pri ward „to kung ganito kalaki ang babayaran?”. Sagot ng kahero,
“Hindi porket pri ward yun eh pri na lahat!”. Kaya‟t nagbayad na lamang siya ng sisenta pesos dahil
iyon na lamang ang kanyang pera at nangakong babayaran kinabukasan ang kulang
dahil na rin sa nakapatay sila ng bata kaya‟t pumayag na rin ito.
Sa pagkaburol ng kanilang anak, ganoon na lamang ang iyak ng kanyang asawa at wala man lamang niisa sa kanilang
subdibisyon ang nakiramay. Dahil na rin sa iba
ang atmospera sa kanilang bahay, lumabas siya at bumili ng alak at noo‟y pumunta sa
ospital upang magbayad ng kanilang kulang. Galing siya sa kahero noon at papaalis na ng lumingon siya sa paligid ng
ospital. Ang tingin niya sa mga nars at doctor ay pumapatay ng bata. Galit na galit siya ng maalala niya ang batang
inilibing at ang kanyang asawa na tulala. Naramdaman niya na gusto niyang manira. Pumunta siya sa ikalawang
palapag. Iyon ay pahingahan ng mga nars at mga doktor. Umihi siya sa sopa, pati na rin sa telebisyon. Hanggang sa
naisipan niyang manira, ibinuwal niya ang telebisyon at dumukot ng posporo at kiniskisan niya ang mga kurtina.
Naglagablab ang silid ng siya ay lumabas. Isang attendant na lalaki ang nakakita ng siya ay lumabas. Tumakbo at
hinabol siya at naabutan siya sa ibaba. Apat na attendant at guwardiya ang gumulpi sa kanya bago ibinigay sa pulis.
At yon ang naging kwento kung bakit siya nakulong. Nagtapos ang maikling kwento sa kanilang pagtulog. Ito ang
katapusan na talata sa kwento: Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas-diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare,
laluna sa gabi, kailangang hulaan mo lang ang oras. Kasi nga‟y walang may relo rito. Ni
hindi mo naman masilip ang langit sa labas para mahulaan mo, sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala
kang masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko kung
may langit sa labas. Hindi na „ko bilib sa langit, pare. Matagal na „kong kinalimutan ng
Diyos
IMBISIBOL MAN ANG TATAY ni Michael Coroza
Sabi ni Lola, magkakaroon daw ng tagabulag ang sinumang makasaló sa mutya ng puso ng saging. Hatinggabing
walang buwan daw kung pumatak ito. Sa gitna ng karimlan, kailangang abangan ang halos kisap-matang pagbuka ng
puso. Kailangang agad na masaló ng bibig ang mutyang papatak. Kung hindi, malalaglag ito sa lupa at tuluyang
maglalaho.
Ang sarap sigurong magkaroon ng tagabulag. Biruin mo, isang subò mo lamang dito, hindi ka na matatayâ kapag
nakipaglaro ka ng taguan. Hindi ka na makikita ng nanay mo kung ayaw mong maligo. Malulusutan mo ang guwardiya
sa paaralan kahit naiwanan mo sa bahay ang ID mo.
Gustong-gusto kong magkaroon ng tagabulag. Pag mayroon ako nito, puwede na akong maging isang superhero.
Halimbawa, pag ginagabi ng uwi si Nanay mula sa trabaho at naghihilik na si Lola sa kaniyang tumba-tumba, at
biglang may pumasok na magnanakaw sa bahay namin, isusubo ko agad ang aking tagabulag. Papatirin ko ang
walang kamalay-malay na magnanakaw. Pagsubsob niya sa sahig, dadambahan ko siya nang dadambahan sa likod.
Pihadong magugulat siya at paninindigan ng buhok kapag dinampot ko ang kaniyang baril o patalim na nalaglag sa
sahig. Makikita niya itong parang nakalutang at sasayaw-sayaw sa hangin. Kakaripas siya ng takbo sa pag-aakalang
may multo sa bahay namin.
Kung halimbawang nagpapalit kami ni Nanay ng tseke sa bangko, at biglang may sumigaw ng “Holdap ito! Itaas ang
inyong mga kamay,” agad na isusubo ko ang aking tagabulag. Pupunta ako doon sa may lalagyan ng pera at hihilahin
ko ang isang sako ng barya. Magugulat ang holdaper kapag nakita nitong umuulan ng barya sa kaniyang ulunan.
Tiyak na mapapaaray siya sa sunod-sunod na patak ng mga limampiso sa kaniyang bumbunan. Pihadong
magtatatarang siya at mabaliw-baliw na susuko sa mga armadong pulis na nag-aabang sa labas ng bangko.
Magpapalakpakan ang mga tao, pati na ang Nanay ko, matapos kong iluwa ang aking tagabulag. Halos hindi nila
mapaniwalaang isang bata ang nagligtas sa kanila. At tatawagin nila akong “imbisibol boy.”

Sana nga may tagabulag ako. Isinubo ko na sana ito noong tinatanong ako ng titser ko sa Sibika at Kultura: “Nasaan
ang assignment mo, Miguelito?”
Napayuko na lamang ako at hindi tumutugon habang patuloy siya sa pagtatanong: “Wala ka bang retrato ng pamilya
mo?”
Dinukot ko sa bulsa ng aking bag ang dala kong retrato. Pero si Nanay, Lola, at ako lamang ang naroon.
“Pero nasaan ang Tatay mo, Miguelito?”
“Ma’am, imbisibol man po ang Tatay ko.”
Nagtawanan ang aking mga kaklase.
“Putok sa buho ka siguro,” sabad ng isang nasa harapan.
“Baka kabit ang nanay mo,” singit ng isang nasa likuran.
Nagpanting ang tenga ko.
Ngitngit na ngitngit ang titser ko.
“Gusto kong makausap ang Nanay mo!”
Madalang lamang talagang umuwi ang Tatay ko sa amin. Pasulpot-sulpot, walang tiyak na panahon ang pagdating. Si
Lola, si Nanay, at ako lamang ang palaging magkakasama sa bahay. Pag nag-uusisa ako kung nasaan si Tatay,
“Nasa malayong bayan siya at naghahanapbuhay,” ang laging tugon ni Nanay.
May mga kaklase rin akong may tatay na naghahanapbuhay sa malayo. Si Aya, halimbawa, nasa Canada ang tatay
niya. Hulíng umuwi raw ang tatay niya noong magdiwang siya ng ikapitong kaarawan. Pero lagi siyang sinusulatan
nito. Pinadadalhan pa nga raw siya ng mga mensaheng naka-video. At dose-dosena ang album ng mga retrato niya
kasama ang kaniyang tatay at nanay.
Sa bahay namin, wala akong mahalungkat na retrato na magkakasama kami nina Tatay at Nanay. Sa album nga ng
mga retrato noong binyagán ako at noong magdiwang ako ng una at ikapitong kaarawan, walang mukha o hugis man
lamang ni Tatay na nahagip ng kamera. Tinititigan kong mabuti ang mga retrato. Sa mga siwang o bakanteng
espasyo na puwedeng pagsingitan ng mukha o hugis ng tao, iniisip kong naroon si Tatay. May tagabulag lamang
siguro siya kaya hindi makita.
Laging maagap at malambing naman si Nanay sa pagpapaliwanag: “Salesman ang Tatay mo at nasa malayong
destino siya noon kaya hindi nakarating.”
“Mga bata, magdala kayo búkas ng retrato ng kasal ng nanay at tatay ninyo,” ang minsang mahigpit na bilin ng titser
ko sa Christian Living.
Hinalughog ko ang lahat ng puwedeng pagtaguan ng retrato sa aming bahay. Halos maiyak si Lola sa pagkumbinsi sa
akin: “Apo, inanod ng baha ang retrato ng kasal ng Tatay at Nanay mo.”
Madalas ngang bumaha sa lugar namin. Pag matindi ang buhos ng ulan, kahit walang bagyo, nagmimistulang ilog
ang kalye at halos isang metro ang taas ng tubig na pumapasok sa silong ng bahay namin. Lumulutang at natatangay
palabas ang anumang bagay na magaan tulad ng silya o mesa. Pero bakit naanod pati ang importanteng retrato ng
kasal nina Tatay at Nanay?
Ayokong muling mapahiya sa titser ko. Ayokong muling mapagtawanan ng mga kaklase ko. Kaya magdamag na
hinintay ko noon ang pagpatak ng mutya ng puso ng saging sa likod-bahay namin. Kinaumagahan, natagpuan ako
nina Nanay at Lola sa ilalim ng puno ng saging, nakahandusay at inaapoy ng lagnat. Nagkaroon ako ng dahilan para
umabsent sa klase nang araw na iyon.
Halos isang linggo akong nilalagnat at inuubo. Isang gabi, himalang dumating ang Tatay ko. Madalas na gabi siya
kung dumating at maagang-maagang umaalis din kinabukasan. Sinasabi na lamang ni Nanay sa akin na dumating
siya, at nakaalis na.
Pero nang gabing iyon, magdamag niya akong binantayan sa aking higaan. Pinunasan niya ng bimpong basâ ang
buo kong katawan. Maya’t maya, binabasâ niya ng malamig na tubig ang tuwalyang nakatapal sa aking noo. Alam
kong hindi ako nananaginip nang sabihin niya sa akin ang mga katagang: “Anak, pasensiya ka na kung di tayo
madalas magkita. May trabaho ang Tatay. Gusto kitang bigyan ng magandang kinabukasan.”
Iyon na siguro ang pinakamabisang gamot na nagpagaling sa akin.
Natutuhan ko nang tanggapin ang pagiging laging wala ni Tatay sa amin. Napag-isip-isip ko na hindi ko ito dapat
problemahin. Imbisibol man siya palagi, hindi naman niya kami pinababayaan. Tinutustusan niya ang lahat ng
pangangailangan namin nina Nanay at Lola. Pinapag-aaral niya ako sa isang magandang eskuwelahan.
Nang minsang umuwi si Tatay, kahit maghahatinggabi na, tiniyak ni Nanay na makunan kaming tatlo ng retrato.
Ginising pa niya si Lola para siyang pumindot sa kamera. Sa huwes lamang pala ikinasal sina Tatay at Nanay kaya
wala silang retrato na katulad ng sa mga kaklase ko—naka-Barong Tagalog o Amerikana ang tatay, nakamahabang
bestidong puti ang nanay.
Isang linggo bago ang aking ikasampung kaarawan, nakatanggap si Nanay ng tsekeng padala raw ni Tatay. Bilang
regalo sa bertdey ko, ibinilin daw ni Tatay na ipamili ako ni Nanay ng damit, laruan, at kung ano pang gusto ko.
Tuwang-tuwa si Nanay. Magpasalamat daw ako at hindi nalilimutan ni Tatay ang aking kaarawan.
Bisperas ng kaarawan ko nang masayang-masayang namili kami ni Nanay sa mall. Bitbit namin sa magkabilang
kamay ang aming mga pinamili. Halos mabitiwan ko sa bigat ang aking mga dala. Pababa na kami sa escalator nang
biglang matanaw ko sa ikalawang palapag ng mall ang Tatay ko. Hindi ako nagkakamali. Si Tatay nga iyon.
Nagtatalon at nagsisigaw ako: “Tatay! Tatay! Narito kami ni Nanay.”
Nagtinginan sa akin ang mga tao. Halos magkanlalaglag sa escalator ang mga bitbit ko. Sinasaway ako ni Nanay.
Huwag daw akong maingay. Nakakahiya raw. Pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paghiyaw: “Tatay!
Tatay! Narito kami ni Nanay.”
Pagkababa namin sa escalator, biglang sumabog ang isang súpot ng mga damit na bitbit ni Nanay. Kinailangang isa-
isa niyang damputin ang naglaglagang damit. Hindi ko siya tinulungan. Habol ng tingin ko si Tatay.
Pababa na rin si Tatay sa escalator, may bitbit ding súpot ng pinamili. Pero may akay siyang batang babae, halos
kasing edad ko. Isang nakaposturang babae, na kasing edad siguro ni Nanay, ang nasa likuran niya. Parang may
ibinubulong sa kaniya. Parang may kung anong pumigil sa akin sa pagsigaw. Sinundan ko na lamang sila ng tingin
hanggang sa tuluyan silang makababa sa escalator. Abala pa rin si Nanay sa pagdampot sa mga sumambulat na
pinamili namin.
Dumaan si Tatay, ang batang akay niya, at ang babaeng nakapostura sa harap namin ni Nanay. “Tatay, narito kami ni
Nanay,” impit na nasambit ko. Pero hindi niya ako narinig. Kakalabitin ko sana siya sa braso pero mabilis at tuloy-tuloy
ang lakad nila papalabas ng mall. Parang hindi kami napansin ni Tatay. Parang bigla kaming naging imbisibol.
Kinabukasan, nang mismong araw ng bertdey ko, hindi ko na inasahan ang pagdating ni Tatay. Tulad ng dati, si
Nanay at si Lola lamang ang aking kasama. Walang nakadalo ni isa man sa mga titser ko. Sa mga kaklase ko, si Aya
lamang ang dumating. Sinamahan siya ng kaniyang nanay at ng tatay niyang kauuwi mula sa Canada para
magbakasyon nang tatlong buwan sa Filipinas.
Maagang sinamahan ako ni Nanay sa pagsisimba. Marami raw akong dapat ipagpasalamat sa kabila ng lahat.
Pagkatapos ng misa, nanatili kaming nakaupo sa malapit sa altar. May gusto raw ipagtapat sa akin si Nanay.
Maintindihan ko raw sana ang kaniyang isasalaysay.
Hindi pala inakala ni Nanay na may asawa na si Tatay nang maging kasintahan niya ito. Ipinagbubuntis na niya ako
nang malaman niyang hindi na siya puwedeng pakasalan ni Tatay. Muntik na raw niya akong ipinalaglag dahil sa
kahihiyan. Pero pinakiusapan siya ni Lola na huwag akong pagkaitan ng buhay. Napag-isip-isip niya rin na wala
naman akong kinalaman sa pagkakamali nila ni Tatay. Kinailangan lamang lumipat ng tirahan sina Lola at Nanay.
Nangako naman daw si Tatay na susuportahan ang aking paglaki. At naghihintay lamang daw ito ng tamang
pagkakataon para maipakilala ako sa aking kapatid—sa batang babaeng anak ng tunay na asawa ni Tatay.
Nang mga sandaling iyon, hindi ko malaman kung ano ang dapat kong itugon kay Nanay. Higit na mahirap ang
kaniyang pinagdaanan. Wala siyang asawa pero nabuntis. Wala siyang asawang nag-alaga sa kaniya habang
lumalaki ang kaniyang tiyan. Noong manganganak na siya, walang asawang nagdala sa kaniya sa ospital. At ano
kaya ang sinabi sa kaniya ng mga tao? Palagay ko, higit sa ngitngit ng titser ko at sa pagtatawa ng mga kaklase ko
ang bulong-bulungan ng mga tao tungkol sa kaniyang pagiging dalagang ina. Ginusto niya rin sigurong magkaroon ng
tagabulag.
Niyakap ko si Nanay nang mahigpit. Marami nga pala akong dapat ipagpasalamat. At nasa kaniya lamang pala ang
mutyang matagal ko nang hinahanap. Sa pagbuka ng kaniyang bibig, nasalo ko ang mutyang higit na mabisa kaysa
sa tagabulag. Nakamit ko ang mutyang nagmulat sa akin para makita ko ang hindi karaniwang nakikita. Mahal na
mahal ako ng Nanay ko. Anak din ako ng Tatay ko. Kahit ano ang sabihin ng mga tao, may karapatan akong
mabuhay sa mundo. May karapatan akong magmahal at mahalin ng kapuwa ko.
Kanina, nang sindihan ni Lola ang sampung kandila sa aking cake at magsimulang kumanta ng “Maligayang Bati” ang
mga bisita, may ibinulong sa akin si Nanay. Taimtim daw na sambitin ko ang pinakamimithi kong makamit sa aking
kaarawan bago ko hipan ang mga kandila. Sinunod ko si Nanay. Taimtim kong binigkas sa sarili ang isang
panalangin: “Gusto kong magmahal na tulad ng pagmamahal ng Nanay ko sa akin. At kung magiging tatay ako
balang araw, titiyakin kong hindi ako magiging imbisibol man.”
AANHIN NINO ‘YAN? Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista
Si Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paa’y singgaan ng saboy
ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang
talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan,
pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa
niyang pahintulutan ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang.
Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi
para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: “Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay
hindi ipinahihirap ng pamilya.” Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto
ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami
siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!”
Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga berso mula
sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Matapos magpalabas,
hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na
may kasama pang doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga binibini, nahihirapan na kayo sa
pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking tindahan at
doon n’yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa.
Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, “Dapat
kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman.”
Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.”
Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa
rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki pang kayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong
ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop,
kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, “Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa
paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.”
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at naghahanda na
siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir?” Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero
at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi maganda ang mga
pangyayari.
“Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat! Kung anuman meron ka. Mukhang patayan
ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa iba’t ibang dako araw-araw. Pag pinatay kita, wala nang
ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko
nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.”
Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang; “Ibibigay
ko sa’yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa’yo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka
nakasalalay dito’y buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na
agad. Sinong nakakaalam? Siguro’y may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung
mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera.
Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.”
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin iyon.
“Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap
tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw
kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya
ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan,
pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang
kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang
ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na
ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!—at itabi mo ang iyong baril—giginhawa agad
ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niya’y
naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay
nagsisikip sa mga sandata.”
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay
sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad.
“Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang lalaki.
“Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa binata. “Ito
na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga
bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang
ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado.”
Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung
magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayo’y uuwi na ako sa aking ina na gaya
ng sabi mo,” umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. “Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng
aking ina’y inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natira’y inubos ko sa pag-iinom.”
“Lahat ng tao’y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamali’t mga kabiguan?”
sabi ni Nai Phan.
“Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo,” pagpapatuloy ngkabataang lalaki. “Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot
ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang
masasama—dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo.
Salamat, at paalam.”
“Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira?
Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?”
Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. “Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan ako maaaring
pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa mundong ito na karapat-
dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na ako’y ipinanganak; hindi
nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang mga
kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang
paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at
purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.”
Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. “Lahat ng tao’y ganon ang pakiramdam kung minsan.”
“Kaya mo ba akong paniwalaan?”. “Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong
mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o maigagalang ng tao. Kung
talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong
makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang
linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pa—hindi ako nagtatagal kahit saan.”
“Nagbabasa ka ba ng libro?”
“Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko kung anong
laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan, pero ganun at
ganon din ang mga istorya.”
Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan. “Suwerte mo na
hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na
ito’y punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging
bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-
libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa
pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng
pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin
kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung
paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na
pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y makakita ako
ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang
kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay. Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taong ganun.
Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa
isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.”
Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas
niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.
“Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdadala ng baril
ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga bandido’y maaaring mabuhay
sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y laging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nila’y maaaring
sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para
umawit. Pag ang tao’y walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.”
Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: “Babalik ako para makita ka uli,
pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. ‘Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam.”
Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago
niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ng kape.
Tata Selo ni Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at
kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang
luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at
paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at
kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa
nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan
sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na
tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya?
Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong
magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas
ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila
isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito,
maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka
mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at
mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang
magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga
po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man
lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa.
Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod,
tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa
istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas
ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit
itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka,
ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na
ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa
pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si
Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis.
Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang
hangang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay
upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang
punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis.
Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha
kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig
ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang
lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at
tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang
paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood
ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa,
na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na
ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko
po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay nakatuon kay
Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa
pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”“Kamakalawa po ng umaga.”“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”“Tatlong buwan na po.”“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat
lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang
pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa
tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit
sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa
pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang
araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may
humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng
istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y
may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang
tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng
istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin.
Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab
ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga
palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa
bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at
titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi
makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang
nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo.
Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo
naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita
niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na
suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-
lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang
masasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y
maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya
ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang
mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang
kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa
kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo
siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik,
pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa
istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa
dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y
tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina.
Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na
ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat
ay kihuan na sa kanila.
ANG KWENTO NI MABUTI
Ni Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang
pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.
Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko
lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa
isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa
kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa
kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing
anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat
ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa
mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa
bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha;
nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng
mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin
ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti
sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong
kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.
Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking
kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa
palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y
nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang
buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla
akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating
dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman.
Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag,
pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo
niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok
na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang
tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa
aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa
kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na
lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na
aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan
sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya.
Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya
bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang
nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon.
Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa
buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-
ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y
nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga
handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig
ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng
kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay
ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At habang
nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang
lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan,
at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang
isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng
walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa
kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na
pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga
pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi
niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli
niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay
namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang
anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang
lahat.

You might also like