Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ika-8 ng Agosto, 2019

G. Geraldo Conception
Regional Direktor
Department of Budget and Management
Rehiyon IX

Ginoo:

Narinig ko po na naghahanap kayo ngayon ng mga bagong gradweyt na estudyante para


magtrabaho sa inyong departamento. Ninanais ko pong mag-aplay. Naniniwala po ako na taglay
ko ang mga katangiang hinahanap ninyo para sa isang budget manager.

Ako po’y nakapagtapos ng AB Economics sa Ateneo de Manila University noong Marso, 2019.
Dalawampung gulang pa lang po ako at kakayanin ko po ang mga mabibigat na trabaho. Pamilyar
din po ako sa mga makabagong teknolohiya ngayon. Matrabaho po ako at masipag at matataas po
ang aking grado sa Matematika at Ingles. Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Magna
Cumlaude.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para
sa isang panayam, sa oras at petsang nanaisin ninyo.

Lubos na gumagalang,

You might also like