Safari - Jul 29, 2019 at 6:50 AM

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

RESPONSABLENG

PAGGAMIT NG
SOCIAL MEDIA
Huwebes, Pebrero 8, 2018

Responsableng Paggamit ng
Social Media

RESPONSABLE
NG PAGGAMIT
NG SOCIAL
MEDIA
Ano ba ang social media?
Nakatutulong ba ito sa ating pang-araw-araw na
pangangailangan?
Nakakadulot ba ito ng positibo o negatibong resulta?
Ano-ano ang mga katangian upang magamit sa wasto
ang social media?
Paano ba gamitin ang social media sa responsabling
paraan?
Ano ang paraan upang makamit ang responsabling
paggamit ng social media?

Naranasan mo na bang itanong sa sarili mo ang


mga iilang tanong nayan? Naranasan mo nabang
magmuni-muni kong ano ang social media? Naranasan
mo nabang itanong sa sarili mo kong wasto ba ang
paggamit sa social media? Kung oo o hindi, itong blog
nato ay hahayaan kang ipaintindi kong ano tagala ang
social media.
Ayon kay Reamjohn (2017) ang social media
ay online na komuniksyon channel na nakatuon sa
input ng komunidad, pakikipag-ugnayan, pagbabahagi
ng nilalaman at pakikipagtulungan at kay Karl Adunza
(2017) naman ay ang social media ay isang uri ng
daluyan ng impormasyon, kabilang na ito sa iba pang
medium ng impormasyon gaya ng telebisyon, radio,
pahayagan, at iba pa ay ang kadalasang
pinagdadaluyan ng mahahalagang impormasyon.
Bilang mamamayan, nakakatulong sa atin ang
social media sa pamamagitan ng paggamit ng Google
kung saan mas maipapamadali natin ang mga Gawain
lalo na sa mga takdang aralin at proyekto.
Ang social media ay nakakatulong ito sa
pagbebenta online via facebook, at iba pa. Sa madaling
salita nagiging responsabli ang paggamit ng tao nito
pero sa pagkahumaling sa paggamit ng mga taong ito
nagiging iresponsabli na sila dahil sa umaasa na
lamang sa social media. Ika nga ni Mark Mekninnon
“Social Media have brought power back to the
people.”
Ang social media ay nakatuon sa mga iba’t
ibang uri na nakapaloob na dito ang mga sikat na
paraan upang makapag socialize kagaya lamang ng
facebook, twitter at intagram. Ilan lang yan sa mga
application na kadalasan at karamihan sa mga tao ay
gumagamit nito. Ayon kay Pascual (2016), Sa
kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong
gumagamit ng social media sa buong mundo at ito ay
nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa
Google.com, isang website sa internet. Pinaliit ng
social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming
impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas
mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.
Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan
sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod at
ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media.
Sa mga uri ng social media, ang sinasabing
pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan ang
gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag
upload ng mga larawan, videos, makipagchat o
makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.
Marami pang iba’t-ibang uri ng social media
ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga magulang
ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang
iba pang mga ginagamit ay ang Twitter at Instagram na
may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at
makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte ng
mundo. Habang dumarami ang gumagamit ng social
media ay mapapansin na may mabuti at masamang
idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at
pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social
media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga
mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga
kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag
ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.
Isa sa mga epektibong paraan upang makamit
ang responsabling paggamit ng social media ay ang
paggamit ng wasto o hindi abusuhin ang paggamit ng
social media. Dapat gamitin lamang ito sa
pagkakaroon ng mga importanteng bagay na dapat
sundin ng mga kabataan.
Dahil sa makabagong teknolohiya at
makabagong panahon, ang social media ay maituturing
na universal na paggamit sa pag-aaral sa pagkuha ng
impormasyon. Ang social media ay mayroong positibo
at negatibong epekto sa mga mamayan, depende sa uri
ng paggamit nito. Iwasan ang pag abuso sa paggamit
ng social media para makamit ang responbleng
paggamit nito.

Unknown sa 10:27 PM

Ibahagi

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Home

Tingnan ang bersyon ng web

Pinapagana ng Blogger.

You might also like