Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

AM+DG

24 Mendoza, Celestino C. 12-Acquaviva

PEPMACO: Mabangong produkto mula sa Mabahong pagtrato

Hindi lahat ng mabangong produkto, mabango at malinis din ang prosesong pinagdaanan.

Isang halimbawa na rito ang kondisyon ng mga manggagawa sa Peerless Products


Manufacturing Corporation o PEPMACO. Isang kompanya ang PEPMACO na gumagawa ng
mga sabong panlaba tulad ng Champion at Calla at Hanna naman na pangugo sa buhok
(PEPMACO, 2019). Nakabase ang pabrika nito sa Calamba Laguna na kung saan sapilitang
pinagwatak-watak ang mga trabahador ng PEPMACO matapos silang magbuo ng malawakang
pagwewelga upang tuligsain ang maling pamamalakad sa pabrika na nagdudulot ng mga sugat
sa kamay at paa ng mga manggagawa dahil sa mga kemikal (Kodao, 2019).

Isa lamang iyan sa maling Sistema ng pamamahala ng PEPMACO na nagudyok sa


Pepmaco Workers Union-NAFLU-KMU upang tuligsain ang kompanya. Ilan pa rito ang 12
oras na pagtatrabaho ng mga empleyado sa loob ng pitong araw sa isang lingo (Clarin &
Macaraeg, 2019); ngunit, sa kabila nito, nananatili pa ring mga kontraktwal ang mga
manggagawa na may mababang pasahod na humigit-kumulang 317 piso (Pinoy Weekly, 2019)
lamang kada araw. Dagdag pa rito, hindi nakatatanggap ang mga trabahador ng mga
benepisyong kinakailangang dapat ibigay ng kompanya sa kanyang mga empleyado at kulang-
kulang ang kagamitang pangkaligtasan ng mga manggagawa tulad ng safety gears na
nagdudulot upang malantad ang mga trabahador sa mga kemikal na kinakailangan sa
produksyon sa kompanya (Ellao, 2019; Macaraeg, 2019).

Ang mga maling pagtrato ng PEPMACO ang nag-udyok sa mga manggagawa upang
magwelga nang dinggin ang kanilang mga hinaing ngunit, ginamitan sila ng dahas upang
buwagin ang piketlayn noong nakaraang Hunyo 29, 2019 sa tapat mismo ng pagawaan ng
produkto ng PEPMACO sa Laguna (Ellao, 2019). Nagdulot ito ng matitinding sugat at pasa sa
mga empleyado matapos silang gamitan ng malalaking hose ng tubig upang itaboy sila (Ibid).
mayroon ding insedente na 11 raliyista ang lubhang nasugatan matapos pasukin ng mga naka
mask na hinihinalang mga gwardya ng PEPMACO ang kampo ng mga nagwewelga matapos
silang paghahampasin ng mga naka-mask at pagbabatuhin ng mga malalaking bato na
nagbunsod upang dalhin sa ospital ang mga matinding nasugatan dahil sa pag-atake (Business
and Human Rights Resouce Centre, 2019).
AM+DG

Isa itong manipestasyon na hindi makatao ang pagtrato ng PEPMACO sa kanilang mga
manggagawa matapos pa nitong igiit na hindi nila manggagawa ang mga nagwelga
(PEPMACO, 2019) ngunit, mapapansing nag-shut down ang produksyon ng kompanya sa
kasagsagan ng pagwewelga ng nasabing unyon (De Leon, 2019). Sa lahat ng kaganapang ito,
tanging hinihiling lamang ng mga manggagawa ng PEPMACO na itaas ang pasahod,
ikonsidera ang kanilang karapatan bilang manggagawa, at ayusin ang sistema upang maiwasan
ang aksidente pero lumaki ang isyu dahil sa pagiging gahaman ng PEPMACO sa pera.

Hindi man labag sa Labor Code ang kontraktwalisasyon, may mga karapatan pa ring
dapat tinatamasa ang mga mganggagawang kontraktwal. Karapatan nilang magkaroon ng ligtas
na kalagayan sa trabaho, karapatan sa pagtitipon at mapayapang samahang pagkilos o union
(Kelly, 2001), seguridad sa trabaho, at tamang pasahod at benepisyo (Olivan, 2015). Ngunit,
nilabag ng PEPMACO ang lahat ng ito sa kanilang maling pagtrato sa kanilang mga trabahador.

Ipinapakita lamang ng lahat ng pangyayaring ito na utak kapitalista ang mga tao sa
likod ng PEPMACO dahil pilit nilang pinapaliit ang gastusin upang ma-maximize nila ang
kanilang kita na nagdudulot sa pagtitipid sa pasahod sa mga empleyado at kakulangan sa
kagamitang pangkaligtasan gamit ang kontraktwalisasyon (Lindio-McGovern, 2007). Napuna
ng Department of Labor and Employement (DOLE) na kulang-kulang ang mga kagamitan para
sa kaligtasan sa trabaho matapos nilang inspeksyunin ang kompanya noong Setyembre ng
nakaraang taon. Kanilang naitala na malayo ang fire extinguisher mula sa lugar ng produksyon,
mahina ang bentilasyon sa lugar, maling paggamit sa mga material at kemikal, walang Material
Data Safety Sheet (MDSS) na makikita sa lugar ng produksyon, kakulangan sa kagamitan
upang maprotektahan ang mga empleyado, walang manggagamot sa kompanya, at higit sa
lahat, hindi nagsumite ng Work for Environment (WEM) result ang PEPMACO (Macaraeg,
2019).

Makikinita mula rito na tanging kita lamang ang iniisip ng mga kapitalista at
isinasantabi ang kalagaya ng mga manggagawa dahil sila ay maliliit at mahihirap lamang.
Hindi lamang mga empleyado ang nakararanas ng ganitong sitwasyon at daing dahil sa maling
pagtrato ng mga kompanya lalo na sa mga pabrikang nakabase sa probinsya. Kung kaya’t,
hinihimok ng Kabataan Rep. Sarah Elago na boykotrin ang produkto ng mga ganitong uri ng
kompanya upang maalarma sila at gumawa ng aksyon mula sa kanilang hindi makataong
pagtrato sa kanilang mga manggagawa.
AM+DG

Gaya ng iwinika ng DOLE (2019) na “Ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na
nagpahayag ng matatag na posisyon sa pagpapalakas ng proteksyon ng manggagawa mula sa
anumang uri ng banta sa trabaho para sa pagpapatupad ng International Labor Organization
(ILO) Convention Against Violence and Harassment.”, dapat itong patatagin upang
maprotektahan ang mga maliliit na manggagagawang lagging minamata at tinatapakan ng mga
malalaking kompanya na pinapalakad ng mga kapitalismo.

Isang mainam na solusyon upang matigil ang maling pagtrato sa mga empleyadong
kontraktwal ang paghimok ng mga labor unyon na alisin na ang kontratwalisasyon upang
matamasa na ng mga trabahador ang tamang pasahod, benepisyo, at pagtrato na nararapat para
sa kanila. Dapat nang ihunong ang kontraktwalisasyon at isulong sa kongreso ang Security
Tenure Bill na naglalayong ihinto ang kontraktwalisasyon at maging permanente sa trabaho
ang mga empleyado ng iba’t ibang kompanya sa ating bansa (Cortez, 2019).

Matagal nang inaapi ng mga kapitalismo ang mga katulad nilang manggagawa at
panahon na siguro upang magtulong-tulong nang matuldukan na ang mapang-aping sistema ng
kontraktwalisasyon sa ating bansa. Tulad ng walis-tingting na walang kwenta kung nag-iisa
ngunit kayang-kayang maalis ang dumi kung magkakasama. Bilang isang mulat na Pilipino,
saan ka papanig? Sa walis ba upang matulungan mo silang mapagbigkis sa simpleng aksyon
tulad ng pagboykot sa mga kompanyang tulad ng PEPMACO at pagsuporta sa pagtigil sa
kontraktwalisasyon o isa kang dagdag sa duming kailangan nilang walisin?
AM+DG

Sanggunian:

Business and Human Rights Resouce Centre. (2019, July 14). Philippines: Masked men
alleged to be Pepmaco guards attack protesting workers while asleep. Retrieved
July 21, 2019, from https://www.business-humanrights.org/en/philippines-
workers-protesting-against-harmful-working-conditions-were-attacked-by-mask-
wearing-men-while-asleep
Cortez, K. M. (2019, May 01). Labor unions, support groups unite for call to end
contractualization. Retrieved from http://davaotoday.com/main/politics/labor-
unions-support-groups-unite-for-call-to-end-contractualization/
De Leon, S. (2019, July 16). Sino ang mga welgista ng PEPMACO? Retrieved July 21, 2019,
from https://manilatoday.net/sino-ang-mga-welgista-ng-pepmaco/
DOLE. (2019, June 29). PH takes strong position vs workplace harassment, violence.
Retrieved July 21, 2019, from https://www.dole.gov.ph/news/ph-takes-strong-
position-vs-workplace-harassment-
violence/?fbclid=IwAR3_3tshiadHfFKP7anzDhzOHdqtwNk474kZfm7kPfPQtxu
6YASbgWcxz5w
Ellao, J. A. (2019, June 30). Why Pepmaco workers are on strike. Retrieved July 21, 2019,
from https://www.bulatlat.com/2019/06/28/why-pepmaco-workers-are-on-strike/
Ellao, J. J. (2019, June 28). After violent dispersal, groups call for boycott of Pepmaco
products ». Retrieved July 21, 2019, from https://www.pinoyabrod.net/after-
violent-dispersal-groups-call-for-boycott-of-pepmaco-products/
Kelly, P. F. (2001). The political economy of local labor control in the Philippines. Economic
Geography, 77(1), 1-22.
Kodao Productions. (2019, June 28). Pepmaco guards attack sleeping workers, 12 injured.
Retrieved July 21, 2019, from https://kodao.org/pepmaco-guards-attack-sleeping-
workers-12-injured/
Lindio-McGovern, L. (2007). Neo-liberal globalization in the Philippines: Its impact on
Filipino women and their forms of resistance. Journal of Developing
Societies, 23(1-2), 15-35.
Macaraeg, J. A., & Clarin, A. (2019, July 09). Multisectoral groups support Pepmaco,
NutriAsia workers. Retrieved July 21, 2019, from
https://www.bulatlat.com/2019/07/09/multisectoral-groups-support-pepmaco-
nutriasia-workers/
Macaraeg, J. A. (2019, July 21). Behind the fragrance of laundry soaps. Retrieved July 21,
2019, from https://www.bulatlat.com/2019/07/21/behind-the-fragrance-of-
laundry-soaps/
Olivan, D. (2015, October 1). Ano ang mga karapatan mo bilang contractual worker sa
Pilipinas? Retrieved July 21, 2019, from
https://www.kalibrr.com/advice/2015/10/ano-ang-mga-karapatan-mo-bilang-
contractual-worker-sa-pilipinas
PEPMACO. (n.d.). Labor FAQs. Retrieved July 21, 2019, from
https://www.pepmaco.com.ph/laborfaqs.html
Pinoy Weekly. (2019, July 7). Kampeon sa abuso. Retrieved July 21, 2019, from
http://filator3.rssing.com/chan-3245654/all_p103.html

You might also like