Professional Documents
Culture Documents
Ang Konsepto NG Globalisasyon
Ang Konsepto NG Globalisasyon
Sa nakalipas na libo-libong taon, ang mga tao, at sa kinalaunan, ang mga korporasyon
ay bumibili at nagbebenta sa malalayong lupain (gaya ng Silk Road Trade sa Central
Asia na nag-uugnay sa China at Europe noong Gitnang Panahon). Gayundin, sa
nakalipas na mga dekada, namumuhunan ang mga tao at korporasyon sa mga negosyo
sa maraming bansa. Ang prosesong ito ay tinatawag na globalisayon. Ibig sabihin, hindi
na bago ang konseptong ito.
Ang globalisasyon ay isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao,
kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Ito ay prosesong
udyok ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang
panteknolohiya.
Ang prosesong ito ay may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang
pulitikal, sa pagsulong ng ekonomiya at kaunlaran, sa kagalingan ng mga tao sa
mga pandaigdigang komunidad.
Ayon kay Thomas Friedman, ang bagong mukha ng globalisasyon ay mas
malaganap, mas mabilis, mas mura, at mas komplikado.
Bagaman may iba’t ibang interpretasyon ng konsepto ng globalisasyon,
nagkakasundo ang mga dalubhasa na palalim nang palalim ang mga epekto nito
sa mga bansa.
Ang Institusyon
Ang institusyon ay tumutukoy sa sistema ng matitibay o subok na at laganap
nang mga panuntunang panlipunan o social rules, na siya namang humuhubog
sa mga kilos at ugnayan ng mga tao.
Kung susuriin, ang bawat indibidwal ay may ganap na kalayaang mamili at
kumilos nang ayon sa sariling kagustuhan.
Samakatuwid, ang ginagawa lamang ng mga institusyon ay nagbibigay ng mga
pamantayan o standards ukol sa dapat na isipin, gawin, at piliin.
Ang institusyon ay tumutukoy rin sa establisimiyento, lipunan, o samahang
itinatag para sa isang tiyak na layunin, gampanin, at tunguhin.
Mga halimbawa ng panlipunang institusyon:
pamilya
paaralan
pamahalaan
mass media
multinational corporation
NGO
international organization