Professional Documents
Culture Documents
HSHDHD
HSHDHD
HSHDHD
Ilagay ang mga bagay-bagy na nababasag tulad ng mga nakaboteng pagkain, baso,
at china (mga pinggan) sa mababa, at saradong aparador na may trangka.
Ikabit nang maayos ang mabibigat na bagay tulad ng mga larawan (frame) at
salamin sa pader at malayo sa mga kama, sofa, at kung saanman may mga taong
umuupo.
Suhayan ang mga ilaw sa kisame at mga bagay na mabibigat ang ibaabw.
Kumpunihin ang mga depektibogn linya ng kuryente at sumisingaw na koneksiyon
ng gas. Ang mga ito ay posibleng magdala ng panganib ng sunog. Humingi ng
tulong mula sa propesyonal. Huwag magkukumpuni ng gas o kuryente nang ikaw
lang mag-isa.
Magkabit ng mga nababaling (flexible) fitting ng tubo para makaiwas sa mga tagas
ng gas o tubig. Ang mga natutuping fitting ay hindi madaling mabiyak.
Igapos ang iyong water heater, refrigerator, at mga kasangkapan para sa pugon at
gas sa pamakuan ng pader at iturnilyo sa sahig. Kung irerekomenda ng iyong
kompanya ng gas, magpakabit ng awtomatikong gas shut-off valve na gumagana
kapag may malalakas na pag-alog.
Itago ang mga weed killer, pesticide, at mga nagliliyab na produkto sa mga
saradong aparador na may trangka at ilagay sa mga pang-ibabang shelf.
Manatili roon.
Oras na nasa bukas na lugar, manatili roon hanggang sa tumigil ang pag-
alog. Ang pinakamalaking panganib ay nagmumula sa mismong labas ng
mga gusali, sa mga labasan at sa tabi ng mga panlabas na pader. Marami
sa 120 na namatay sa lindol noong 1933 sa Long Beach ay nangyari
nang tumakbo ang mga tao papalabas ng mga gusali at nalaglagan ng
debris mula sa mga gumuguhong pader. Ang pagkilos ng lupa habang
lumilindol ay madalang na nagiging direktang pagkamatay o pinsala.
Karamihan ng namamatay sa lindol ay dahil sa mga gumuguhong pader,
lumilipad na salamin, at mga nalalaglag na bagay.
Pagkatapos ng lindol
Kapag huminto ang pag-alog, tumingin-tingin sa paligid para
matiyak kung ligtas na para kumilos. Pagkatapos ay lumabas ng
gusali.
Asahan na magkakaroon ng mga aftershock. Ang mga
pumapangalawang shockwave ay karaniwang hindi kasinglakas
ng unang lindol ngunit maaaring sapat ang lakas para gumawa
ng karagdagang pinsala sa mga nanghinang istraktura at
maaaring maganap sa mga unang oras, araw, linggo, o maging
buwan pa pagkalipas ng lindol.
Tulungan ang napinsala o naipit na mga tao. Tandaan na
tulungan ang iyong mga kapitbahay na maaaring
nangangailangan ng espesyal na tulong tulad ng mga sanggol,
matatanda at mga taong may mga pangangailangan sa paggamit
at paggana. Magbigay ng first aid kung naangkop. Huwag
tatangkain na ikilos ang napinsalang tao maliban kung nasa
panganib sila mula sa karagdagang pinsala. Humingi ng tulong.
Humanap at patayin ang maliliit na apoy. Sunog ang
pinakakaraniwang panganib pagkatapos ng isang lindol.
Makinig sa de-bateryang radyo o telebisyon para sa
pinakabagong impormasyon sa emergency.
Maging mapagmasid sa mga posibleng tsunami kung
naninirahan ka sa mga baybaying lugar. Kilala rin ang mga ito
bilang mga seismic sea wave (na pinagkakamaliang tawagin na
"mga tidal wave"). Kapag magpalabas ng tsunami warning ang
mga kinauukulan, ipagpalagay na may darating na serye ng
mapapanganib na alon. Lumayo mula sa dalampasigan.
Gamitin lamang ang telepono para sa mga emergency na tawag.
Magtungo sa itinalagang pampublikong sisilungan kung nasira
ang iyong tahanan at hindi na ligtas. I-text ang SHELTER + iyong
ZIP code sa 43362 (4FEMA) para mahanap ang pinakamalapit na
masisilungan sa iyong pook (halimbawa: shelter 12345).
Umiwas sa mga lugar na nasira. Umiwas sa mga napinsalang
lugar maliban kung partikular na hinihingi ng pulisya, bumbero,
o organisasyong pangkawanggawa ang iyong tulong. Bumalik
lamang sa tahanan kapag sinabi ng mga kinauukulan na ligtas
na.
Mag-ingat kung nagmamaneho pagkatapos ng isang lindol at
asahan ang pagkawala ng mga ilaw pangtrapiko.
Pagkatapos na matukoy na ligtas nang bumalik, dapat ay
pangunahing aalalahanin mo ang iyong kaligtasan sa
pagsisimula mong maglinis at makabangon.
Maingat na buksan ang mga aparador. Mag-ingat sa mga bagay
na maaaring mahulog mula sa mga shelf.
Alamin kung paanong mapapanatiling ligtas ang pagkain habang
at pagkalipas ng isang emergency sa pamamagitan ng pagbisita
sa: http://www.foodsafety.gov/keep/emergency/index.html
Magsuot ng mahabang pantalon, damit na mahaba ang
manggas, matibay na sapatos at guwantes na pangtrabaho para
maprotektahan laban sa pinsala mula sa mga nasirang bagay.
Linisin agad ang mga natapong gamot, bleach, gasolina o iba
pang nagliliyab na likido. Lumisan sa lugar kung may maamoy
kang gas o singaw ng kemikal.
Siyasatin ang buong haba ng tsimenea para sa pinsala. Ang
hindi napapansing pinsala ay maaaring mauwi sa sunog.
Sanhi
Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya
na nang-gagaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay
sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo
(crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng
direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa
anyo ng mga seismikong alon.
EPEKTO NG LINDOL
· Maraming mamamatay
· Maraming mawawasak na imprastraktura
· Maraming mawawalan ng hanapbuhay
· Tinding trauma sa mga tao