06 Handout 1 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SH1673

Sana ay Huwag Lamang Ibasura


Ang Flyers at Leaflets
Ano ba ang flyer?

Ayon sa Aart Design (2013), ang flyer ay matatawag din nating handbill o leaflet. Karaniwang
nakalathala sa isang kapirasong papel na may karaniwang sukat na 8 ½" x 11".

Ang Dalawang (2) Uri ng Flyer:

a. Business Flyer – Ito ay ginagamit sa paglulunsad ng isang produkto or serbisyo. Ipinakikilala


rin ng bahagya ang kumpanyang naglunsad nito. Maaari din itong tawaging professional flyer.

b. Club Flyer – Ito ay kadalasang ginagamit sa pag-aanunsyo ng mga kaganapan o mga okasyon
gaya ng pista, mga pagtitipon, party, at iba pa. Karaniwan din itong makulay at nakalathala sa
magagandang papel.

Sabi sa Taradel.com (2008), mayroong tatlong (3) lugar na pwedeng ikalat ang mga flyers:

a. Sa matataong lugar – Ito ay mga paaralan, pamilihan, at mga establisyimentong may mataas
na dami ng taong nagdaraan.

b. Sa mga pahayagan – May kamahalan ito ngunit malaki ang maaabot na demograpiko. Hindi
naman kailangang naka-imprenta. Ang iba naman ay naka-stapler lang sa pahina ng pahayagan
o ginagawang newspaper insert.

c. Sa mga kainan na maaari kang mag-iwan ng flyers – Mayroong mga kainan na may mga
community boards kung saan ay maaari kang magpaskil ng mga flyers gaya ng Starbucks.
Ngunit karamihan ay mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng flyers ng personal sa
kostumer o patron. Humingi muna ng pahintulot sa may-ari o tagapangasiwa ng kainan o
restawran.

Ayon sa Digitalpress (2013), may limang (5) kumbensyunal na pamamaraan sa pamamahagi at


paggamit ng flyers at leaflets:

a. Inserts – Sabihin sa mga mag-aaral na katulad ng nailarawan kanina, ang inserts ay mga flyers
na inilalagay sa mga pahayagan o dyaryo, at kung minsan naman ay sa mga magasin.

b. Mailers – Karaniwang inilalagay ng mga kumpanya sa sobre ng mga bayarin gaya ng credit
card, kuryente, at tubig.

c. Imbitasyon – Karaniwang ginagamit ng mga ahente ng produkto o real estate. May nakasulat
na: “You are invited to a free tripping on…”

d. Price Sheets – Madalas na ginagamit ito ng mga fastfood restaurants. Nagsisilbi na din itong
menu.

06 Handout 1 *Property of STI


Page 1 of 2
SH1673

e. Gift Certificates at Coupons – Ang ang pao na binibigay ng mga fastfood restaurants ay isang
uri ng flyer at coupon. Epektibo ito sa paglulunsad ng mga diskwento at promosyonal na
pagkain.

Mga Sanggunian:
Cambridge Dictionary Online. (2015). Retrieved June 3, 2015, from
http://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/business-english/environmental-footprint
AArt Design. (2013, November 21). Difference and specification between flyers, brochures, leaflets,
pamphlets & newsletters. Retrieved June 3, 2015, from http://www.aart.us.com/marketing-
materials.html
Digital Press. (2013, February 5). Knowing the different types and uses of flyers. Retrieved on June 3,
2015, from http://digitalpress.com.au/blog/digital-printing/knowing-the-different-types-and-
uses-of-flyers
Taradel. (2008). Retrieved on June 3, 2015, from http://www.taradel.com/resourcecenter/flyer-
printing/ways-to-distribute-your-flyers/

06 Handout 1 *Property of STI


Page 2 of 2

You might also like