Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kasaysayan ng ugnayan ng Pilipinas, China

KASAYSAYAN NG UGNAYAN

Ang grupong Kaisa Para sa Kaunlaran ang nangangasiwa sa Bahay Tsinoy, isang museo sa
Intramuros, Maynila kung saan tampok ang higit 1,000 taong ugnayan ng Pilipinas at China.

Kabilang rito ang ugnayan ng bansa sa barter trade o pangangalakal nang walang ginagamit na
salapi, pagbisita ng sultan ng Sulu sa China noong 1417, at papel ng mga Chinese mestizo sa
rebolusyon laban sa mga nanakop sa bansa.

Taong 1975 naman nang pormal na maitatag ang relasyon ng Pilipinas at China.

Sinundan ito ng mga pagbisita ng mga lider ng dalawang bansa sa Maynila at Beijing, na naging
daan sa paglago ng kalakalan at turismo.

Subalit nanatiling tinik sa relasyon ang agawan ng teritoryo sa South China Sea o West Philippine
Sea.

Si Chinese Leader Deng Xiaoping ang unang nagpanukala na isantabi muna ang away at
magtulungan tungo sa joint development para mapakinabangan ng lahat ang yamang dagat.

Panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang magkasundo ang Pilipinas, China, at
Vietnam para sa isang joint marine seismic undertaking bago nakuwestiyon ang legalidad nito sa
Korte Suprema.

Matapos ang serye ng insidente sa dagat at harassment sa mga mangingisdang Pinoy sa West
Philippine Sea, nagpasya ang adminitrasyon ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na
idemanda ang China sa arbitration court, na ibinasura ang nine-dash line na katuwiran ng China.

Bumuti ang relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpasyang
igigiit ang naipanalong kaso sa tamang panahon.

Sa gitna ng patuloy na pagtatayo ng isla ng China at militarisasyon sa dagat, binuksan ang isang
bilateral consultation mechanism para pag-usapan ang mga isyu.

"We are hoping to see the visit as an opportunity for both sides to make greater commitments to
bolster the already improving ties," sabi naman ni Lucio Blanco Pitlo III, propesor ng foreign policy
at international studies, ukol sa nakatakdang pagbisita ni Xi. --Ulat ni Willard Cheng

You might also like