Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

7-OHS

AWITING-BAYAN AT BULONG MULA SA KABISAYAAN 


Ang pasalindilang panitikan ay naGing laganap sa panahon ng ating mga ninuno bago pa man dumating o
manakop ang mga Espanyol. Ito ang mga panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagsalin-salin ng
pasalitang tradisyon mula sa iba’t-ibang henerasyon.
Ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap ay salawikain, sawikain, bugtong, awiting-bayan, at mga
bulong.
AWITING-BAYAN
 Nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at minsa’y walang sukat at tugma na kalauna’y
nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na nagging madali
ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito.
Halimbawa: DANDANSOY, ILI-ILI TULOG ANAY, LAWISWIS KAWAYAN, SI PILEMON, AY!
KALISUD
Bulong
Maliban sa mga awiting-bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong panitikang
pasalindila. Ito’y ginagamit ng ating mga ninuno noon subalit magpahanggang ngayon, ang bulong na
tinatawag ding orasyon ay binibigkas pa rin ng marami nating kababayan lalo na sa probinsiya o lalawigan.
Binibigkas ang bulong para mabigyang-babala ang mga nilalang na “hindi nakikita” na may daraan para
maiwasang sila’y matapakan o masaktan.
Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga nilalang na ito ay maaari silang magalit,
manakit o magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman.
Bulong na binibigkas sa:
 Pagtatatawas (Nausog)
 Sakit ng tiyan
 Nakulam
 Namaligno
 Napaglaruan ng lamang-lupa
Halimbawa:
SA ILONGGO
Tabi-tabi
Maagi lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapay namon
SA TAGALOG
Tabi-tabi
Makikiraan lang kami
kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi naming

IBA’T-IBANG URI NG AWITING-BAYAN


 BALITAW – AWIT NG PAG-IBIG NA GINAGAMIT SA PANGHAHARANA NG MGA
BISAYA
 KUNDIMAN – BERSIYON NG AWIT NG PAG-IBIG SA MGA TAGALOG. TINATAWAG
DIN NA PANANAPATAN O MGA AWITING INAAWIT KAPAG DUMADALAW O
NANGHAHARANA ANG BINATA SA KANYANG NILILIYAG O NILILIGAWAN.
 DALIT – AWIT NA PANRELIHIYON O HIMNO NG PAGDAKILA SA MAYKAPAL
 DIYONA – AWITIN SA PANAHON NG PAMAMANHIKAN O SA KASAL.
 DUNG-AW – AWIT SA PATAY NG MGA ILOKANO
 KUMINTANG – AWIT NG PAKIKIDIGMA O PAKIKIPAGLABAN
 KUTANG-KUTANG – MGA AWITING KARANIWANG INAAWIT SA MGA LANSANGAN
 SOLIRANIN – AWIT SA PAGGAGAOD O PAMAMANGKA
 MALUWAY – AWIT SA SAMA-SAMANG PAGGAWA
 OYAYI O HELE – AWITING PANGHELE O PAMPATULOG NG BATA AT TINATAWAG
NA LULLABY SA INGLES
 PANGANGALULUWA – AWIT SA ARAW NG PATAY NG MGA TAGALOG
 SAMBOTANI – AWIT NG PAGTATAGUMPAY
 TALINDAW – ISA PANG URI NG AWIT SA PAMAMANGKA
Assignment! BASAHIN!

Antas ng Wika

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.

Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila


para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.


Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

You might also like