3 Prayer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KARAPAT-DAPAT NA MUNTING PANALANGIN SA IKA-TATLO NG

HAPON
“Pumanaw Ka, Hesus, subali’t ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang
Karagatan ng Awa ay Bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng Buhay, Walang Hangang Awa ng
Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa, para sa aming
lahat, ako ay nananalig sa Iyo.”
“O Hesus, Hari ng Awa…” Amen.
MGA DALANGIN NG AWA
(Chaplet of Mercy)
(Dasalin sa mga butil ng rosaryo)
Sa umpisa, dasalin ang:
Isang Ama Namin
Isang Aba Ginoong Maria
Isang Sumasampalataya Ako
Sa lahat ng Ama Namin ay dasalin ang mga panalanging ito:
Lahat: Ama na Walang Hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo,
Kaluluwa at Pagka Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristo, na
aming Panginoon at Manunubos, para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at
sa sala ng buong sansinukob
Sa lahat ng butil ng “Aba Ginoong Maria” ay dasalin naman ang mga panalanging ito:

Leader: Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus,

Lahat: Kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.


Bilang pangwakas ay dasalin ang tatlong ulit ang mga panalanging:

Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa


po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen

“O Hesus, Hari ng Awa…” (3x) Sagot: Kami ay nananalig saiyo (3x)


Amen.

You might also like