Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDITORYAL - Matuto sa mga nakaraang Bagyo

(Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2018 - (9:00 PM)

Ang Bagyong Ompong ang pinakamalakas sa mga bagyong tumama sa bansa ngayong taon. May lakas na 205
kilometers per hour (kph) at may pagbugso na 255 kph. Ayon sa PAGASA, umabot sa 220 kph ang lakas ni
Ompong. Nasa kate-goryang super typhoon si Ompong na mas malakas pa umano sa Bagyong Yolanda na tumama
sa Kabisayaan.

Ang Bagyong Ompong ay kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kph . Tinahak nito ang Hilagang
Luzon, sa bisinidad ng Cagayan patungo sa direksyon ng Apayao at Ilocos Norte at nag landfall sa Northern
Batanes.

Sinuspende ang mga pasok sa eskuwelahan at trabaho sa mga nasabing probinsiyang maaapektuhan ng bagyo.
Inani na rin ang mga palay at lahat ng mga gulay sa Isabela, Mountain Province, Ilocos, Panga-sinan at iba pang
probinsiya bago manalasa ang bagyo. Dahil sa lawak ng dinaanan nito, sinus-pende rin ang klase sa ilang
probinsiya sa Central Luzon at maging sa Metro Manila.

Kahapon nakalabas na ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tumutumbok pa hilaga habang unti-
unti nang nalulusaw.

Kailangang paghandaan ang mga bagyong tulad nito. Ngayong malinaw na kung ano ang maaring epekto at dalang
pinsala nito, kailangang maging preparado at ugaliing magtanong kung may bagyo.

Ayon sa PAGASA, maaaring kasinglakas ng Bagyong Ompong ang bagyong tumama sa Japan noong nakaraang
linggo na umabot sa 30 katao ang namatay. Nakapaghanda ang Japan sa bagyo pero marami pa rin ang namatay.

Marami nang nanalasang bagyo sa bansa tuwing Setyembre at pawang malalakas. Ang Bagyong Ondoy ay
nanalasa noong Setyembre 2009 na marami ang namatay dahil sa idinulot na baha. Marami ang hindi
nakapaghanda kaya marami ang nanatili sa bubong ng kanilang bahay. Ang Bagyong Milenyo ay nanalasa noong
Setyembre 2006 na nag-iwan din ng maraming pinsalan dahil sa walang kahandaan ng marami sa bagyong ito.

Taun-taon, tinatayang 20 bagyo o mahigit pa ang tumatama sa bansa. Pero sa kabila nito, marami pa rin ang hindi
preparado. Marami pa ring matitigas ang ulo na kahit pinalilikas na ay ayaw pang iwan ang bahay at ari-arian.
Dapat matuto na sa mga nakaraang bagyo. Sumunod sa awtoridad kapag pinalilikas o magkusa na lamang para
makaiwas sa trahedya. Huwag isakripisyo ang buhay sa nagnga-ngalit na unos.

You might also like