Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KATITIKAN NG PULONG

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG YES-O NOONG IKA-17, NG HULYO


TAONG 2017,  GANAP NA IKA-11 25 NG UMAGA SA AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL,
BALER, AURORA

Mga Dumalo:

ENRIQUE SARMIENTO III – LIDER NG PULONG

AMIA CLARISSE NOHAY – TAGA-TALA

JEAN MARIE PAEL – MGA PINUNO

JANSSEN DELA TORRE – MGA PINUNO

BHONG CARLO SARINA – MGA PINUNO

REBECCA AIRA BALITON – MGA PINUNO

PRINCES K-C BABILONIA – MGA PINUNO

DALOY NG USAPAN:

PANIMULA

1.)    Panalangin

2.)    Pagpapatibay Sa Nakaraang Katitikan

3.)    Presentasyon Ng Mga Suliranin

4.)    Pagtanggap Ng Mga Suhestyon Sa Solusyon

5.)    Botohan

6.)    Pagpaplano Ng Pagsasagawa Ng Mga Solusyon

7.)    Pagtatapos

PANIMULA

Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na pinamunuan ni


Bb. Amia Clarisse Nohay.

Bb. ACN–  Bago natin simulan ang pagpupulong ay inaanyayahan muna ang lahat na tumayo
at damhin ang presensya ng panginoon para sa ating pambungad na panalangin.

Png. ESS(III)- Inaanyayahang tumayo si Bb. Nohay upang bigkasin ang nakaraang katitikan.

Bb. ACN- Noong Biyernes, ika-14 ng Hunyo taong 2017, ay napagusapan natin ang mga
pangunahing suliranin na kinaharap ng ating paaralan. Ang maling paraan ng segregasyon
ng basura at patuloy na pagkakalat ng mga estudyante sa paaralan. Ang mga ito ay matagal
nang problema ng paaralan na sa kabila ng mga paalala ay patuloy pa rin itong isinasagawa ng
mga magaaral lalo’t dahil na rin sa kawalan nila ng disiplina. Ang hindi maayos na segregasyon
ay matagal nang problema ng ating paaralan. Ang pagkalutas nito ay magdudulot talaga
ng malaking tulong, hindi lamang sa paaralan kundi para sa komunidad. Ang pagkakalat
sa paligid ng paaralan ay patuloy paring lumalaganap gayon na rin ang pagkakalat
ng ilang estudyante sa kabila ng mga paalala. Ngunit ang pagkalutas nito ay lubhang
makakapagpabawas sa mga trabahong paglilinis na aktibidad sa paaralan.

Png. ESS(III)- Ngayong nailatag na ang mga suliraning nilalayon nating lutasin, maaari nang
magbigay ng suhestyon na solusyon para sa mga suliranin.

Ms. JDT- Sa segregasyon, maaaring magkaroon ng Material Recovery Facility. Dito mas
madaling maiipatupad ang segregasyon kung mgakakaroon ng malinaw at matibay na
dibisyon and MRF ang paaralan. Mas maganda ito at mas malilinawan ang mga estudyante
kung saan dapat nila ilagay ang mga iba’t ibang klase ng mga basura, tulad na lamang ng
basurahang may malinaw na simbolo ng inilalagay dito.

Png. ESS(III)- Maraming salamat sayong suhestyon Janssen. Mayroon pa bang ibang


suhestyon?

Ms. PKB- Mas magiging epektibo ito kung lalagyang ng karampatang multa. Ito ay
makakapagpigil sa mga nagkakalat. Ito ay magdadala ng napakahalagang sandali upang
pag-isipan kung katumbas nga ba talaga ng simpleng paglalakad papunta sa basurahan o
pagtapon ng basura sa tamang lalagyan ang pagmumulta na maaari na rin sanang gamiting
pamasahe.

Ms. RAB- Makaka-enganyo sa mga estudyante kung maiisip nila na may agad-agarang


insentibo sa kanila ng hindi pagkakalat, lalo na’t kasabay ito ng suhestyon ni K-C. Hindi
lamang sila mapapaisip dahil sa posibilidad ng kawalan kundi pati narin sa posibilidad ng may
makukuha.

Png. ESS(III)- Maraming salamat sa inyong mga suhestyon. Kung wala nang idaragdag na
suhestyon, ay maaari na nating simulan ang botohan para palawigin ang segregasyon.

Ang botohan ay nagging patas kaya lahat ng suhestyon ay ipapatupad.

Png. ESS(III)- Ngayon naman ay tatalakayin ang mga hakbang na gagawin upng maisagawa
ang mga plano na ito. Maari kayong magbahagi muli ng mga ideya.
Ms.JMP– Maaing paglaanan ng parte ng pondo ang pagpapa-semento ng mga dibisyon
para sa segregasyon-pagkatapos ng pakikipagkasundo sa mga lider ng komunidad upang
maisama an gating paaralan sa kalinisan ng basura. Maari na din agad itong masimulan kapag
naauprbahan upang mapakinabangan pa sa mga taong pampaaralang ito.

Mr.BCS- Saa multa at insentibo, ang mga magoobserba sa pagsunod sa patakarang ito ay


maaring manggaling sa iba pang miyembro. Mabibigyan sila ng mga gawain ng maglista ng
mga nagkakalat, hindi nagsesegregate, at mga sumusunod sa patakaran.

Ms.RAB– Ang mga nailistang sumusunod sa patakaran ay magkakaroon ng pagkakatataon na


manalo ng pagkain sa canteen o di kaya ay gamit sa silid aralan.

Ms.PKB- Maari pagmulan ng pondo dito ang mga makokolektang multa.

Png.ESS(III)– May magbabahagi pa ba? Mga saloobin? Opinyon? Tanong? Kung wala na ay
salamat sa inyong lahat sa paglalaan sa inyong oras at pagdalo sa pagpupulong na ito. Bilang
pagbubuuod, maari bang magbahagi ang ating taga talang si Bb. Nohay?

Ms.ACN-Pagbubuod, sa pagpupulong na ito ay nilatag ang mga suliranin kailangan bigyan ng


atensyon-mga suliranin. Napagkasunduang isagawa ang MRF, pagmumuta, pagbibigay ng
insentibo, at naihanda na ang mga plano sa pagsasagawa.

Png.ESS(III)– Salamat Bb. Nohay. Muli salamat sa koopersayon ninyo at ikinagagalak ko sabihin
nagging matagumpay ang pagpupulong na ito. Bago tayo maghiwahiwawlay ay inaanyayahan
ko kayo yumuko at tayo ay manalangin sa pangunguna ni Bb. Dela Torre.

Ms.JDT- Tayo ay yumuko at damhin ang presensya ng Panginoon.

Itindig ang kapulungan sa ganap na 11 32 ng umaga.

Last modified: 7 44 AM

You might also like