Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sufficiency 2:00-3:00 _____________ February 20, 2018

Concord 8:45-9:45 _____________ February 22, 2018


Determination 11:00-12:00 _____________ February 22, 2018
Agility 2:00-3:00 _____________ February 22, 2018
Tenacity 3:00-4:00 _____________ February 22, 2018

SHIELA A. AMODIA

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan

II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa: ARALIN 3: SEKTOR NG INDUSTRIYA
Ugnayan ng Sektor ng Industriya at Agrikultura
B. Sanggunian
1. TG: pahina
2. LM: pahina 398-400
3. CG: pahina AP9MSP-IVe-10
C. Kagamitan: Manila Paper, Pictures

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa ekonomiya?
Ano ang bumubuo sa sektor ng industriya?

a. Ito ay tumutukoy sa malawakang paglikha ng mga produkto at serbisyo na ibinebenta sa


pamilihan.
b. Ito ay ang paraan ng pagkuha, pagpoproseso at pagbebenta sa pamilihan ng mga
c. yaring produkto ng nakukuhang mga yamang-mineral, yamang di-metal at enerhiya.
d. Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng mga bagay na ginagamitan ng mga
e. kemikal na pamamaraan upang makalikha ng isang produkto sa pamamagitan ng
f. makina o kamay na isinasagawa sa pabrika o bahay.
g. Ito ay itinuturing na mga fixed capital na kung saan ginagawa ang mga produkto.
h. Dito nakapaloob ang kuryente, tubig at gas.
i. Siya ay may malaking responsibilidad para siguraduhing makakaabot ang serbisyo ng
kuryente, tubig at gas sa mga mamamayan.

2. Pagganyak
Suriin ang bawat larawan sa dayagram at tukuyin kung ano ang nais ipakahulugan nito.

B. Panlinang na Gawain
1. Paghahalaw

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan?

2. Paglalapat
Magbigay ng halimbawa kung paano nakikinabang ang sektor ng industriya at sektor ng agrikultura
sa isa’t isa.

3. Pagpapahalaga
Uunlad ba ang industriya kahit walang agrikultura o uunlad ang agrikultura kahit walang industriya?
Bakit?

IV. Pagtataya ng Aralin


VENN DIAGRAM
Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya. Kinakailangan ang dalawa upang higit na
mapabuti ang katatagan bilang mga sandigan ng ekonomiya. Mula sa binasang teksto, punan ang Venn
Diagram ng mga hinihinging impormasyon.

Pamprosesong Tanong:
a. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura?
b. Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao? bansa?
c. Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya?

V. KASUNDUAN
Gumawa ng dayagram na nagpapakita ng ugnayang namagitan sa sektor ng agrikultura at sektor ng
industriya sa paglikha ng isang yaring produkto. Anong gawain o proseso ang nakapaloob upang malikha
ito? Ilarawan ang nagawang dayagram sa klase.

Remarks:
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like