Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sufficiency 2:00-3:00 _____________ February 20, 2018

Concord 8:45-9:45 _____________ February 22, 2018


Determination 11:00-12:00 _____________ February 23, 2018
Agility 2:00-3:00 _____________ February , 2018
Tenacity 3:00-4:00 _____________ February 23, 2018

SHIELA A. AMODIA

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng industriya

II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa: Aralin 3: Sektor ng Industriya
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya
at Pangangalakal
B. Sanggunian
1. TG: pahina
2. LM: pahina 401-405
3. CG: pahina AP9MSP-IVe-11

C. Kagamitan: Cartolina, Manila Paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan?

2. Pagganyak
Magbigay ng limang suliraning kinakaharap ng sector industriya. Ipaliwanang kung bakit kaya ang
sector na ito ay nahaharap sa ganitong suliranin.

Sa iyong palagay, ano kayang programa ang dapat ipatupad ng pamahalaan upang masolusyonan
ang problemang ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paghahalaw
Talakayin ang Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya at
Pangangalakal

Philippine Development Plan 2011-2016


ang sumusunod na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at akmang kondisyon sa
pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at maayos na paggawa; at (c) mas mabuting
kalagayan para sa mga mamimili.

Ilan sa mga inaasahang may pagbabago sa mga patakaran ang sumusunod:

 Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987
 anti-trust/competition law
 Tariff and Custom Code
 Local Government Code
 R and D
 Intellectual Property Code
 Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil sa layunin nitong
mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Ano-ano ang mga patakaran at programang ito?

2. Paglalapat
Makatwiran ba ang direksiyon ng pamahalaan na magsagawa ng pagbabago sa mga patakaran at
polisiya ng bansa kaugnay sa sektor ng industriya? Patunayan.

3. Pagpapahalaga
Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya tungo sa pagkamit ng kaunlaran ng
bansa?

IV. Pagtataya ng Aralin


ECO-SIGNS
Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil sa layunin nitong mapatatag ang
ekonomiya ng bansa. Mula sa binasang teksto, hayaan ang mag-aaral na gamitin at sundin ang paggamit
ng Eco-signs na hango sa konsepto ng traffic signs. Ang mga panandang ito ay STOP, GO at CAUTION.
Ang STOP ay ilalagay kung nais ng mag-aaral na ang patakaran ay ihinto, GO kung nais ipagpatuloy at
CAUTION kung itutuloy nang may pag-iingat.

1. Ano ang iyong palagay sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng industriya? Ipaliwanag.


2. Makatwiran ba ang direksiyon ng pamahalaan na magsagawa ng pagbabago sa mga
patakaran at polisiya ng bansa kaugnay sa sektor ng industriya? Patunayan.

V. KASUNDUAN
Alamin ang tungkol sa sektor ng paglilingkod at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod sa ekonomiya ng bansa. Isulat ito kwaderno.
Remarks:
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
______________________________

You might also like