Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan
Lesson Plan
sa Filipino Ikaanim na Baitang
I. Mga Layunin:
a. Natutukoy ang kasarian ng mga pangngalan;
b. Nakabubo ng sariling pangungusap na kakikitaan ng tamang gamit ng
kasarian ng pangngalan;at
c. Maligalig na nakikibahagi sa bawat gawain ng klase.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Kasarian ng Pangngalan
Sanggunian: Hiyas sa Wika at Pagbasa, Batayang Aklat sa Filipino VI
Kagamitan: mystery box, tsart ng kasarian ng pangngalaan
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawaing Guro
A. Pangganyak
Makinig ang lahat at ako’y may nais ipagawa
sa inyo. Kailangang sumunod ang lahat.
Tumingin sa paligid, isaisip ang mga bagay at lahat
na makikita sa loob ng klasrum.
Ngayon ay pumili ng isang bagay o kaklase na maabot
ng kamay at hawakan ito. Ngayon ay ilahad sa klase
kung ano ito.
Steven ano ang hawak mo?
Ikaw Lovely, ano ang hawak mo?
Tinatawag natin ang lahat ng ito na Pangngalan.
Ngunit ang tanong ko’y paano mo kikilalanin ito?
B. Paglalahad
Pagaaralan natin sa araw na ito ang ukol sa kasarian ng
Pangngalan.
C. Pagtatalakay
Alam nating lahat na ang pangngalan ay ano?
Tumutukoy ito sa ngalan ng tao, bagay, pook
at pangyayari. Isang paraan ng pagtutukoy
sa pangngalan ay ang kasarian nito.
Ang mga pangngalan ay maaaring panlalaki,
pambabae, ditiyak at walang kasarian.
Balikan natin ang mga bagay na nahawakan niyo
kabilang ang inyong mga kaklase, tukuyin natin
ang kanilang kasarian.
Ngayon ay bigyan natin ng depinisyon ang bawat
kasarian.
Hindi lamang pala mga pangngalan tulad ng
naibigay niyo maging mga katawagan.
D. Gawain
Hawak ko ngayon ang mystery box ng mga pangngalan
at mayroon tayong tsart sa pisara. Nais kong punuin
natin ito ng mga tamang mga pangngalan o katawagan
ayon sa bawat kasarian.
Tatawag ako ng isang magaaral na kukuha ng isang
pangngalan na maaaring nakasulat sa papel o kung
ano man ang mahawakan mula sa mystery box at
idikit sa tamang hanay nito. Pagkatapos ay pagtutulungan
ng buong klase na ibigay ang panlalaki, pambabae o di
tiyak na katumbas nito. Isusulat ng inyong kaklase ang
tamang sagot sa tsart.
Ngayon ay gamitin natin ang ilan sa mga pangngalan
sa sariling pangungusap.
Bago tayo magtapos sa isang pasulit ay alalahanin
natin ang pangngalan at ang kasarian nito.
IV. Ebalwasyon
Bumuo ng tsart ng kasarian ng pangngalan sa isang buong papel. Ididikit sa pisara ang 10
mga pangngalan mula sa mystery box at ihanay ito sa tamang kasarian at magbigay ng
iba pang katawagan sa bawat pangngalan. Pumili ng limang pangngalan mula sa sampu at
gamitin ito sa pagbuo ng sariling pangungusap.
V. Kasunduan
Bumuo ng isang talata ukol sa iyong mga kamaganak at kapamilya. Salungguhitan ang
mga pangnglang ginamit at tukuyin sa ibaba ng talata ang kasarian nito. Isulat ito sa isang
buong papel.
Inihanda ni: Bb. Joan P. Solar