Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dulot ng Makabagong Teknolohiya sa mga Mag-aaral

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Bai-Rhema S. Marmay, isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas
maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga
naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na mga taon. Ito ay nagsilbing
mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na
nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at
epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman
ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.

Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong
asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang
simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong.
Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga
halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak
at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring
maka-access ng internet.

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na
ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer
laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging
maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga
guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.

Ang mga epekto nito ay Ang mabuting naidudulot ng teknolohiya ay ang madaling makatapos
ng gawain subalit ang masamang dulot nito ay hindi kayo tinutulungan nito para magsikap ng
sarili mo ang ginagamit mo di na umaasa na lang sa iba. Ang teknolohiya ay hindi lang
nakakatulong nakakadulot din ito ng mga polusyong nakakaapekto sa ating kalikasan.Kung hindi
ito gagamitin ng tama ay mas malaki ang posibilidad na mas malaki ang masamang epekto nito
kaysa sa mabuti.

Dagdag lang kaya ang mga ibang tao ay nagiging tamad na dahil sa makabagong
teknolohiya umaasa nalng sila tulad sa computer warning lang po di lahat ng information na
nakukuha nyu sa coputer ay tama dahil wala pang batas na maaring mag limita ng pag bibigay
ng imformation sa copumter sabi nga nila isang highway lng ang internet pero lahat ng bagay na
gusto mong mkita ay makikita mo.
Dulot ng Makabagong Teknolohiya sa mga Mag-aaral

kompyuter internet

teknolohiya sistema

edukasyon instrumento

impormasyon epekto

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-


unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit
kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto.
Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto
sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

You might also like