Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

BUTO NOON BATO NA NGAYON

BUTO. Isang Butil, butil na inaasahang masaganang


Bunga ang aanihin, sariwang hangin, malalapad na
dahong sa matinding init ay nag papalilim. Butil na sa
kalauna'y tutubo at lalago ng mataimtim. Magiging Puno,
mamulaklak, mamumunga. Punong pangunahing ugat ng
produktong pang masa.

Pero asan na? Nasaan na nga ba ang BUTONG itinanim?

Sa nagbabagong panahon, nagbabago din ang tingin, sa


Kalikasang punong puno ng berde at makukulay na pananim.
Ngayon na ang Bansa ay Kaunlaran ang mithiin.
“Tinanggal na ang BUTO at BATO na ang itinanim”!
Hukay Dito! Hukay Doon! Kaliwa't kanang proyekto sa
kalikasa'y nagpapadilim. Ibinaon na ang bato sabay buhos ng
semento. Nawala na ang ganda at kahalagahan nito.

Buto, natabunan na ng mga batong lumalalim sa lupang dati'y


mataba, ngayo'y pumapasan na ng naglalakihang gusali.
Gusali na tinitingala at hinahangaan. Proyektong Pangkaunlaran
Na naging ugat sa pagkasira ng kalikasan.

You might also like