Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:____________________ Marka:__________________

Pangkat:_____________________ Petsa: _________________


Gawain Blg. 1
KARUNUGANG BAYAN
Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod ay salawikain, sawikain, bugtong o kasabihan. Isulat
ang sagot sa patlang.

______________________1.Madali ang maging tao,


mahirap magpakatao.

______________________2. Aanhin mo ang palasyo,


kung ang nakatira ay kuwago
mabuti pa ang bahay kubo,
ang nakatira ay tao.

______________________3.Kung pukulin ka ng bato,


tinapay ang iganti mo.

_____________________ 4.Balat man at malinamnam,


hindi mo matitikman.

_____________________5.Matalino man ang matsing,


napaglalalangan din.

____________________6. Batang puso,


madaling marahuyo.

____________________7. Kung saan nahihilig,


duon din nabubuwal.

____________________8.Naghangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.

____________________9. Ang bulsang laging mapagbigay,


hindi nawawalan ng laman.

___________________10.Ubus-ubos biyaya,
maya-maya ay nakatunganga.

___________________11.Kung ano ang sukat ng ohales


iyon ding ang laki ng butones.

__________________12. Nasa tao ang gawa


nasa Diyos ang awa.

__________________13. Kung binigyan ng buhay,


bibigyan din ng ikabubuhay.

__________________14.Ang iyong kakainin,


sa iyong pawis manggagaling.

__________________15.Kung nasaan ang asukal,


naruon ang langgam.
__________________16. Ang matapat kong alipin, sunod ng sunod sa akin.

__________________17. Dalawang magkapatid, nag-uunahan ng bait.

__________________18. Isang bundok, hindi makita ang tuktok.

__________________19. Ang dalawa’y apat na; ang maitim ay maputi na; ang malayo’y malapit
na; ang bakod ay lagas na.

_________________20. Ako’y may pitong bintana, tatlo lamang ang aking naisasara.

_________________21.Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib

_________________22.Kaya lingon ng lingon


Hanap ay asawa

__________________23. Utos na sa pusa


Utos pa sa daga

__________________24. Kasama sa gayak


di kasama sa lakad

__________________25. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi


makararating sa paroroonan

__________________26. Amoy pinipig

__________________27. Balitang kutsero

__________________28. Bantay-salakay

__________________29. Lantang Gulay

__________________30. Nagsusunog ng Kilay

You might also like