Professional Documents
Culture Documents
Dekalidad Na Binhi para Sa Mataas Na Ani
Dekalidad Na Binhi para Sa Mataas Na Ani
Dekalidad Na Binhi para Sa Mataas Na Ani
1 Makasisiguro ng mas mataas na ani kung gagamit ng mga de kalidad na binhi. Mayroon itong mataas na
2 antas ng pagsibol, mababang bilang ng halong damo at ibang uri ng barayti o off types at sabay‐sabay
3 na pagkahinog.
4 Ang mga ito ay may mga certification tag na nagsasaad ng kalidad nito. Ang bawat kulay ng tag ay may
5 karampatang uri ayon sa batayan ng mga taga‐suri. Ang breeder seeds o ang pinakamataas na uri ng
6 binhi, ay may puting tag. Ang foundation seeds naman ay may pulang tag at ang registered seeds ay
7 may berde. Ang mga binhing ito ay iniiingatan ng gobyerno. Samantala, ang certified seeds na may tag
8 na asul ay nasa kamay ng pribadong sektor tulad ng mga seed growers at magsasaka.
9 Ang lahat ng binhing may tag ay may 98 hanggang 100% na kapuruhan at hindi bababa sa 85% na
10 pagsibol. Ibig sabihin, sa 40 kilong binhi, siguradong ang 34 kilo nito ay sisibol. Ito ay sobra pa sa
11 kakailanganing binhi para sa isang ektarya.
12 Ang certification tag ay nagsisilbing garantiya sakaling hindi maganda ang tubo ng mga halamang
13 nagbuhat sa nasabing binhi. Hingin ito at itago hanggang sa matapos ang pag‐aani.
14 Maaring bilhin ang mga binhing ito sa mga miyembro ng Rice Seed Network o SeedNet at accredited
15 seed growers. Ang SeedNet ay isang organisasyon ng mga seed growers sa buong bansa na responsable
16 sa paglalaan ng mga binhing may magandang kalidad. Kabilang dito ang mga research centers,
17 pampublikong kolehiyo at unibersidad, ilang Office of the Provincial Agriculturists o OPAG, mga
18 kooperatiba, mga indibidwal na seed growers at iba pa. Itanong din sa inyong Municipal Agriculturists
19 kung saan makakabili ng mga binhing ito.
20 Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o
21 PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa numerong 0920‐911‐1398 (PhilRice Farmers’
22 Text Center).