Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kakayahang Lingguwistiko

* Ponema- ang pinakamaliit na yunit ng tunog.

2 uri ng ponema:

 Ponemang Segmental- Makahulugang tunog na inirerepresenta ng simbolo at mga titik na


maaaring katinig o patinig.
 Ponemang Suprasegmental- tawag sa tunog na may pagsaalang-alang sa katiyakan sa
paraan ng pagbigkas.

Ponemang segmental

Mga katinig: Ba-Ka-Da/Ra-Ga-Ha-La-Ma-Na-Nga-Pa-Sa-ta-Wa-Ya

Mga patinig: ah-eh-ih-oh-uh

Punto ng Artikulasyon- sa paliwanag nina Santiago at Tiangco (2003), ang punto ng artikulasyon ang
naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa
paglabas ng isang katinig.

5 punto ng artikulasyon:

 Panlabi- ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas. (P,B,M)


 Pangngipin- ang dulong dila ay dumudikit sa loob ng mga ngipin sa itaas. ( T,D,N)
 Panggilagid- sa ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. (S,L,R)
 Pangngangala (Velar)- ang ibabaw ng dulong dila ay dumidikit sa velum o malambot na bahagi
ng ngalangala. (K,G,N)
 Glottal- ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inabal ang presyin ng
papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog. (H)

6 na paraan ng artikulasyon:

 Pasara- ang daanan ng hangin ay harang na harang. (P,T,K,B,D,G)


 Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulo ng dila
sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong
lumalabas. (M,N,)
 Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng
ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig. (H,S)
 Pagilagid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit
sa punong gilagid. (L)
 Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan
ng ilang beses sa pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. (R)
 Malapatinig- dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa
ibang posisyon. (W,Y)

Diptonggo- ito ay tumutukoy sa pinagsama-samang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang


malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ Ay napapagitan sa dalawang
patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, ito ay hindi na maituturing na ditonggo.
Mga halimbawa:

 Aliw  Baduy
 Labi’y  Sisiw
 Aruy  Kahoy
Pares Minimal- ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon. Ito ay ginagamit upang ipakita ang
pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.

Klaster- ang dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang salita. Subalit tanging yung
dalawang katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokosider.

Ponemang Suprasegmental
 Tono o intonasyon- ang taas-baba na inuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap upang
higit na maging malinaw ang pakikipag-usap.
* Pattern- Mababa_Normal_Mataas (lebel 1, 2, 3)
 Haba o diin- tumutukoy ang haba sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita. Tumutukoy naman ang diin sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
 Notasyong Ponemiko- ito ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas.
Kung hindi sa katinig nagsisimula ang pagsulat ng salita, nagsisimula ito sa /?/ at kung hindi
naman nagtatapos sa katinig nagtatapos ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Ang /./
ay nangangahulugang paghahaba ng pantig.
 Antala o hinto- ito ay ang saglit na pagtigi sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng nais ipahiwatig o ipabatid sa kausap.

Kakayahang Estruktural

Ayon kay Otanes (1990), tinawag na istruktural ang kakayahang ito sa pag-aaral ng wika sapagkat
layon nitong ilarawan ang estruktura o porma ng isang wika. Ang porma ng isang wika ang
nagsisilbing signal o pamamaraan sa pagpapahayag ng mga mensahe sa pamamagitan ng wikang
ito. Halimbawa, sa pagpapakahulugan na gagamitan ng antala o sandaling hinto, iba ang kahulugan
ng pangungusap na, “Hindi pula ang T-shirt niya” sa “ Hind, pula ang T-shirt niya”

Kakayahang Gramatikal

-Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-ayon sa


tuntunin ng gramatika.
-Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
-Ang komponent n ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman
at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita

You might also like